36

11.9K 348 62
                                    

TLH BOOK 2-7

Zianne

I smiled the moment I opened my eyes. Sino ba naman ang hindi mapapangiti sa isang anghel na natutulog ng himbing sa aking tabi? Napatingin ako sa kanyang magandang mukha, nakapikit na mata, mapulang labi na dumidikit na halos sa aking balikat, ang kanyang kumot ay hanggang dibdib na tumatakip sa kanyang hubad na katawan. I kissed her forehead, pagkatapos ay nakaramdam ng pagkainis sa aking sarili. Bakit ba hindi ko kayang tiisin ang babaeng ito? Kahit minsan, ang sakit sakit na. Kahit sa loob ng tatlong taon, ipinangako ko sa aking sarili na hindi na sya bibigyan ng lugar sa puso ko.

Tumayo ako sa bed, nag suot ng tshirt at shorts. Kinuha ko ang box ng sigarilyo at lighter na nakapatong sa side table sa tabi ng kama at tumungo sa pinto para pumunta sa itaas at doon manigarilyo. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas, narinig ko ang pag ungol ni Bree. I curiously looked at her, nagkukusot na ito ng kanyang mata.

“Where are you going?” Tanong nya saka naghikab.

“Sa taas, magpapahangin.” I said saka muling tumalikod.

“Teka lang Zy.” Pigil sakin ni Bree dahilan para matigilan ako. I looked at her, maganda pa rin sya kahit kakagising lang. Hinihintay kong magsalita sya pero parang hindi nito masabi ang gusto nyang sabihin. It’s awkward, something happened last night and we both don’t know what’s the real score between us.

“What do you want to say?” Tanong kong muli pero umiling lang sya. I saw a familiar hurt in her face again. Let’s talk later, if that’s what you want, I just need to go home, may lagnat si mommy.” Sabi ko pa. Mama texted me last night, may lagnat daw si mommy, so dadaan muna ako ng bahay bago pumasok sa school.

“May aasikasuhin rin ako ngayong araw, I’m going home too.” Kahit halatang antok at pagod, pinilit pa rin nyang tumayo para umpisahan ang morning rituals.

“We’ll talk later, mag yoyosi lang ako at aalis na. I need to see my Mom, Bree.” Sagot ko dito pero parang pinipiga ang puso ko, ayokong isipin nya na iniiwasan ko sya pero parang ganun na nga. Hindi ko pa kasi naso-solve ang tungkol kay Xera at parang hindi ko alam kung paano ko puputulin ang relasyon naming dalawa. Malalagot ako neto kay mama at mommy, gusto pa naman nila si Xera for me.

Mataman lang syang tumingin sa’kin ng medyo matagal at nagbuntong hininga. Agad rin itong tumayo kipkip ang kumot na nakapalibot sa kanyang dibdib.  Saka sya naglakad patungo sa banyo. “Dadaan ako sa hospital, kakamustahin si Gabrielle after kong magbihis.” Sabi pa nya habang nagtitingin ng pwedeng isuot sa cabinet.

“Bakit ba masyado kang concerned sa Gabrielle na yan?”

She leaned against the wall and crossed her arms. “The woman has stories to tell Zy, hindi mo dapat sya sinaktan kahit pa sabihin na ganon ang ginawa nya sa pinsan mo. Hinayaan mo nalang sana syang magpaliwanag.”

Here we go again, eto na nga ang pinag awayan namin kagabi, na napunta kay Xera, at ngayon heto na naman sya.

“Bahala ka.” I said at pilit itinago ang inis sa boses ko. Tuluyan na akong lumabas ng sa pinto at napasandal ng maisara ito. I know she’s hurt, ang dami dami nyang tanong tungkol sa aming dalawa. But I couldn’t give her the answer her heart wants. I felt torn between protecting my heart from giving it to the only person who is capable of hurting me, and just stay on the safe side. But damn, hindi ko sya matiis!

Pagkatapos kong mag yosi sa taas, wala na si Bree sa kwarto. Agad na rin akong naligo at nilisan ang lugar. Pag uwi ko sa bahay, agad kong hinanap si Mommy dahil masama ang pakiramdam nito. Tumungo ako sa kwarto ng mga magulang ko at dahil nakaawang ang pinto, sumilip ako at agad na pumasok. Nadatnan ko si mommy na nakahiga, ballot ng kumot ang katawan at nakapikit.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon