38

10.9K 351 2
                                    

TLH BOOK 2-10

Bree

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa condo unit ko ng gabi na ‘yon. Isa lang ang alam ko, ang gulo gulo na ng buhay ko. I didn’t know kung alin sa mga nararamdaman kong sakit ang nagpapahirap sa’kin habang nasa loob ng elevator paakyat sa 37th floor kung saan ako patungo. I just stared at nothingness. Tulala at wala sa aking sarili.

I learned that Aunt Mae already passed away. Paano ko nalaman? Dahil hindi kami natuloy magkita ng dalawa kong tita dahil may aasikasuhin pala sila ngayong araw. I ended up heading to my former school to retrieve my records and other documents when someone bumped-in to me.

“Bree?” He looked shocked when he saw my face.

And I was shocked as well. “Kuya Nathan?”

He’s my cousin. Well, we’re not related by blood. Anak sya ni tita Mae sa ibang lalake bago pa nito makilala si tito Ramon. Kuya Nathaniel is quiet older than me by 8 years, he is already 27 years old habang ako ay 19 palang. Close kame nung mga bata pa kame dahil sya lang ang nag iisang pinsan ko na nakagisnan kahit hindi naman talaga kami magkadugo. Pero nung nag 18 years old na sya, bigla nalang itong nawala. Ang sabi ni tita ay naglayas daw ito, ang chismis naman ng mga katulong ay pinalayas daw ito ni tito Ramon dahil nalulong sa paggamit ng droga at naadik sa sugal. At ito ang unang pagkikita namin sa loob ng 9 years mula ng nawala ito sa poder ng kanyang pamilya.

“Ikaw nga, at totoo nga na buhay ka pa…” Hawak nya ako sa braso na parang mangha mangha sa kanyang nakikita. He actually looked like a mess. Ang haba ng bigote at buhok na kahit gwapo ang kanyang itsura ay nagmukha syang madumi dahil mukhang napabayaan nito ang kanyang sarili. Sa edad nyang ito, nagmukha syang mas matanda dahil sa nangingitim na eyebags, at namumulang mata. Mukha syang may sakit dahil sa ang haggard ng kanyang itsura.

“Kuya, a-ano ang nangyari sa’yo?” I asked him. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tinagal tagal ng pahanon na hindi ko sya nakita, sa halip na masabik ay nakaramdam ako ng takot. Kung nandito sya, mataas ang tyansa na nasa malapit lang din ang kanyang ina, ang taong nagtangka sa buhay ko.

“I…”

Bago pa nya matapos ang sasabihin ay bigla akong kumaripas ng takbo patungo sa ibang direksyon. Takot ang tanging nararamdaman ko sa panahong iyon.

“Bree! Teka! Bakit ka tumatakbo!” Sigaw nito at nakakailang metro palang ako ng takbo, agad na nyang nahablot ang braso ko. “Kalma, bakit ka ba tumatakbo ha?”

Napatitig ako sa kanyang mukha, at pagkatapos ay sa kamay nya na mahigpit na nakahawak sa aking braso.

“K-kuya, may pupuntahan pa kasi ako…” Nagkautal utal kong sabi sa kanya.

Biglang nag iba ang reaksyon ng kanyang mukha, mula sa pagkagulat ay biglang napalitan ng lungkot. Ang mga mata nya ay mabilis napuno ng tubig. Bigla nya akong hinila at mahigpit na niyakap. “Bree…patawarin mo si mama…” Humahagulgol nyang sabi habang umiiyak. Ang boses nya ay may kasamang pamamaos.

“K-kuya, let me go. Sisigaw ako kapag hindi mo ako binitawan…” Nanginginig na boses na saad ko sa kanya at pasimpleng itinutulak ang kanyang balikat para ilayo sa’kin.

“Bree, don’t do this. Ikaw nalang ang meron ako…” Hagulgol sa iyak nyang sabi.

“K-kuya please, matagal ko ng kinalimutan ang pamilya natin. Please let me go…” Tumulo na rin ang aking luha sa tindi ng emosyon na nararamdaman.

“No Bree...” Kumalas ito ng yakap pero muling hinawakan ang pareho kong braso. “Wag kang tumalikod, wag mong kalimutan na isa kang Moltalban. Ikaw nalang ang natitira Bree…” He said. And I was fully aware of that fact. Ako nalang naman talaga ang natitira sa aming lahi dahil hindi naman namin kadugo ang kanyang ina na nakikinabang ngayon sa lahat ng yaman na pinaghirapan n gaming pamilya.

“Kuya please, let me go. Maayos na ang buhay ko ngayon…” Inaalis ko ang pagkakahawak nito sa aking braso pero mahigpit ang kanyang mga hawak.

“Bree, may responsibilidad ka bilang tagapag mana. Wag mong talikuran!” Pasigaw na saad nya pero walang mga tao na nakakapansin sa’min dahil abala rin sila sa kanyang kanyang gawain.

“Kuya naman please! Naging miserable ang buhay ko sa kamay ng mama mo, alam mo ba ‘yon ha? She tried to kill me!”

Mas lalo lang lumakas ang paglabas ng mga luha sa kanyang mata. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa kanyang nararamdaman kasabay ng pag bitaw nito sa aking braso at pag punas nya ng kanyang mga luha.

“Wala na si mama…patay na sya Bree…” He said.

Ang totoo, balak ko na sanang tumakbo palayo pero natigilan ako buhat sa narinig.

“Wala na si a-aunt Mae?” I asked at hindi ko alam ang aking nararamdaman. Pero kahit alam kong nasasaktan ito, ang puso ko naman ay natutuwa. It means I’m free, wala na ang taong kinatatakutan ko.

Tumango tango sya. “Ang kayamanan na inangkin nya, ang syang kumitil sa kanyang buhay Bree. Let’s talk please? Marami akong dapat sabihin sa’yo.”

Makalipas ang ilang minutong pagkukumbinsi sa akin na sumama sa kanya, napagpasyahan ko na rin na sumunod sa bandang huli. I still don’t trust him though, kaya sa isang park kami tumungo, kung saan maraming tao ang nasa paligid at hindi sa bahay nya kung saan nya ako unang niyayang pumunta. Dala ko ang sariling sasakyan kaya sa akin na rin ito sumakay. Wala daw syang kotse at kahit ano, at buhat doon ay nakaramdam naman ako ng awa.

Una naming pinag usapan ay ang pagkamatay ng kanyang ina. He was able to prove her death to me. I was so numb that it was on the news pero hindi ko manlang nalaman. It happened a week before I came back from New York. Kaya hindi rin ako aware dahil wala ako sa bansa nung mga oras na ‘yon.  So it’s true, she’s dead already.

“Pero, ano ang ikinamatay nya?” Tanong ko.

“Depression. She killed herself. Alam mo bang unti unting bumagsak ang negosyo na pinaghirapan ng iyong mga magulang? Before she died, I came back to her and asked for help. But it turns out that she was the one who needed some help.” Tumingin ito sa akin habang ako ay mataman lang na nakikinig sa kanyang kwento. “For the past three years Bree, naging bangungot lang ang pagkakahawak ni mama ng kayamanan ng Moltalban. It caused her so much anxiety and stress. Matalino si mama but she didn’t know what went wrong.” Saka sya napatingin sa kawalan at halata ang lungkot sa kanyang mga mata. “Pero bago sya mamatay, she told me something that until now ay gumugulo sa isip ko.” Ang malungkot na mukha ay napalitan ng galit at hinanakit. “There is someone behind all of this. Someone has been sabotaging my mom for the past three years.” And then he looked at me, his eyes full of anger. “At ikaw Bree…tama, ikaw nga…”

Naghihintay ako ng susunod na sasabihin nya pero wala. Kaya hindi ko na natiiis na hindi magtanong. “P-paanong ako?”

“My mom didn’t believe na tuluyan nalang maglalaho ng ganon nalang ang lahat ng ari arian ng Moltalban. She said there is someone behind all of this, at naniniwala rin ako na kung sino man ‘yon, sya ang nakinabang ng lahat. And that someone is powerful, smart and influential. Nagawa nitong pabagsakin at angkinin ang yaman na dapat ay sa’tin, ah… I mean, sa’yo…” At muli syang tumingin sa’kin kasabay ng muling pag hawak sa aking braso. “Because you are the rightful heir Bree, you just have to bring yourself out and claim what’s rightfully yours. You have to make your stand, appear to the public and claim your throne, that you are the lost heiress, the last heir of the Montalban estate. That you are still alive. Then it will be the government itself who would help you.”

I was shocked at everything I heard from him. Hindi ko lubos ma proseso ang lahat, una patay na ang tita ko. Pangalawa, wala na daw ang lahat ng kayamanan at negosyo ng aming pamilya.

“Papaanong nangyari ‘yon kuya? Bilyon bilyon ang halaga ng ari arian ng mga magulang ko, bilyong dolyar na kahit magwaldas ka ng sampong milyon kada oras sa casino buong buhay mo, hindi pa rin ‘yon mauubos.” Ngayon ay may kasamang inis sa boses ko. Sino ang hindi maiinis? Ang lakas ng loob ng sakim kong tyahin na angkinin ‘yon to the point na pumatay na ito ng tao, tapos anong katangahan ang kanyang ginawa na sa loob ng tatlong taon, basta nalang naglaho ang lahat. It’s not just the fortune that we’re talking about, it about my parents’ effort to give me a bright future as they say.

Napahilot sya ng kanyang sentido at napatango bilang pagsangayon. “Exactly my point Bree, hindi ‘yon basta mawawala kahit pa sabihing natin na nagkaroon ng pagkukulang ang mama ko. It won’t be lost that easy. My point is, there is someone behind all of this. Someone, yet still unknown.”

Napakunot ang noo ko at aaminin ko na kahit natutuwa ako na wala na ang taong kinatatakutan ko, bigla akong nalungkot na ganun ganon nalang nawala sa pamilya namin ang lahat.

“You know kuya Nath, I actually accepted my defeat when your mom claimed everything. Nagpakalayo layo ako, at oo, aaminin ko na binalak ko rin na gumanti. But then I realized many things, hindi ko naman kaylangan ng karangyaan para maging masaya. I just accepted that maybe, it was Aunt Mae’s fate to be the one managing the business and everything my parents left for me.” Then I clenched my fists at humarap sa kanya. “Pero alam mo ang nakakainis? Hindi naman pala nya kayang panindigan, hindi nya nagawang ingatan ang kinuha nya sa’kin at nanganib pa ang buhay ko. Three years lang naglaho ang lahat? Seriously? Ganun ba ka-tanga ang mama mo ha?” Hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin dahil sa galit at huli na nang maisip kong anak sya ng babaeng iniinsulto ko.

“Bawiin mo ang sinabi mo Briana! Hindi bobo at mas lalong hindi tanga ang mama ko!” Ibang iba na ngayon ang kanyang mga mata, nanlilisik sa galit kasabay ng tiim bagang.

Pero I had no remorse with what I just said. “Hindi ko babawiin kuya. Matapos ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko dahil sa punyentang kayamanan na inangkin nya, tapos nawala nalang ng parang bula?” Saka ko humalakhak ng may panunuya. “Eh di sana nagpakasasa nalang sya, pumunta sa ibang bansa araw araw, o gawin nyang disposable ang Louis Vuitton bags tapos itapon nya pag nagamit na nya. Kuya, kahit magsunog sya ng pera buong buhay nya, hindi nya ‘yon kayang ubusin ng ganon nalang…”

“Stop!”

“Ano? Hindi ba totoo naman ang sinabi ko? Pinagtangkaan nya ang buhay ko para lang pala sa wala…”

“I said stop!”

“No! I won’t. Your mom is so stupid! Tapos ngayon na ubos na? Anong ginawa nya? Nagpakamatay? Oh hindi ba stupid ang tawag don—“

With that, naramdaman ko nalang ang pag lapat ng likod ng kanyang palad sa aking mukha. He slapped me hard, halos malaglag na ako sa aking kinauupuan.

Kuya Nathan stood infront of my. “How dare you Briana! Kakamatay lang nya at kahit ano pa sya, mama ko pa rin sya!” He said at muli na naman nya akong lalapitan pero bigla nalang may mga lalakeng lumapit at sumuntok sa kanya. Siguro ay nasaksihan ng mga tao dito ang pag sampal na ginawa nito sa’kin kaya agad silang lumapit para tulungan ako.

“Tarantado ka! Bakla ka ba ha!” Sigaw ng isa habang pinag sisisipa nila ang kuya Nathan ko na ngayon ay nakahiga na sa damuhan.

“Eto dapat ginagawa sa’yo gago!”

“Sa susunod, humanap ka ng katapat hindi yang babae lang ang kaya mong patulan!”

“Tumayo ka dyan at harapin mo kameng gago ka!”

Sigaw ng tatlong lalakeng patuloy ang pagsipa at pag suntok sa kuya ko habang ito ay namimilipit at nagmamakaawa.

“Tama na po!” Biglang sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ayokong mapahamak ang kuya ko. Kahit galit ako sa ginawa ng kanyang ina, hindi naman nya iyon kasalanan. Hindi sya katulad ng kanyang ina at ang totoo, noong mga bata pa kami ay sya ang palaging kakampi ko sa lahat. He spoiled me and protected me dahil malaki ang agwat ng aming edad, sya ang taga protekta ko kapag may nambubully sa’kin sa school.

“Tama na! Kuya ko po yan!” Sigaw ko sa mga lalake na agad rin namang huminto sa kanilang ginagawa. Agad akong lumapit kay kuya Nathan na puno ng dugo ang mukha at katawan. He barely move at halatang masakit ang buong katawan. “Oh my gosh, sorry kuya. Hold on…”

“Miss? Sigurado ka bang kuya mo yan? Sinaktan ka nya—“

“Opo, he’s my cousin.” Sagot ko agad sa isang lalaki.

“Help me bring him to the hospital…” Saad ko sa kanila. Alanganin man at pakamot kamot sa batok ay nakita ko naman ang kanilang pag sunod. Binuhat nila si kuya Nath at dinala patungo sa aking sasakyan. Pero sa kamalas malasan naman, flat ang gulong ng aking sasakyan sa harap.

“Damn!” Hindi ko mapigil na hindi mapamura dahil kung kelan emergency, saka pa nagkaganito. Okay naman ito kanina eh!

“Bree!” Boses ng isang babae na umagaw ng aking atensyon. “Oh, ikaw nga. You’re Bree right?” Tanong pa nya.

“X-xera?” I asked. Nakatingin ako sa kanya at nasa loob sya ng kanyang kotse, naka bukas ang bintana habang nakatingin ito sa’kin na may halos pag tataka.

“Uhm, no, I’m Cielo, Xera’s twin sister. What happened?” Tanong nito.

It didn’t take long for us to bring him to the hospital. Mabuti nalang din at dumating agad si Cielo na tinulungan pa kami na iayos si kuya pasakay sa kanyang kotse dahil yung mga lalaki kanina ay mabilis nagpulasan ng may dumating na pulis. Malamang ay natakot ang mga ito dahil sa pambububogbog na ginawa nila sa aking kuya.

“What happened?” Masuyong tanong ni Cielo habang nakaupo kami sa labas ng hospital.

“Uhm…he’s my cousin. Napagtripan sya kaya nabugbog kanina.” Paliwanag ko nalang.

Nagpumilit ako na umuwi na sya but then sinamahan nya ako muna sa pagbabantay. Hanggang sa naging okay naman ang naging lagay ni kuya but he needs to stay confined until the next day. Cielo insisted to take me home para makapag pahinga at hindi ako nakatanggi. But before we headed to my unit, nakiusap ito sa’kin na daanan muna ang kapatid nyang si Xera. She’s worried about her twin dahil kanina pa daw ito hindi sumasagot sa tawag. She called Xera’s friend at sinabing hindi raw ito pumasok sa klase.

“Hey…” I held her hand dahil halatang balisa ito mula pa kanina. Nandito na kami ngayon sa elevator paakyat sa unit nila ni Xera. “She’s okay. Don’t worry too much.” Then I gave her a smile.

Naramdaman ko rin ang kanyang pagpasil sa aking kamay at pagngiti nito ng tipid.  I must admit, these twins are gorgeous, walang tulak kabigin. They looked almost the same, except their styles. Cielo is obviously playful, halata sa kanyang mga ngiti na parang palaging nagbibiro at naglalaro. Xera on other hand is sweet and smooth. Masyadong mahinhin at girl na girl kung manamit at kumilos. But they are both gorgeous, and like Gabrielle, they also have green eyes.

At nang marating na namin ang floor, ako naman ang biglang nakaramdam ng kaba, at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung bakit sumunod lang ako kay Cielo hanggang sa makarating ito sa tapat ng pintuan ng kwarto ng kapatid. Siguro ay dahil naalala ko ang sinabi ni Zy kanina, balak nitong kausapin si Xera. At kung hindi pumasok si Xera kanina, pwedeng si Zy ang dahilan. Hindi kaya, magkasama sila?

“Xera!” Sigaw ni Cielo pagbukas na pagbukas ng pinto. “W-hat the hell?”

At halos takasan na ako ng dugo sa aming nasaksihan. It’s Zy, kandong si Xera without her pants on. Nakapanty lang sya at bakas ang kanyang nipples sa suot na manipis na polo.

Napabuga ako ng hangin habang hawak ang door knob papasok sa aking unit. Ang daming nangyari ngayong araw na ito. It’s too much for me to bear. Pagsara ko ng pinto, agad akong napasandal dito at doon inilabas ang mga luha sa mata. Napaupo nalang ako sa sahig at napahawak sa aking bibig habang mag isang humihikbi. I was deeply hurt. She’s just using me, she fooled me para makuha ang gusto nya. Hindi pala totoo ang kasal! Damn! Pinagmukha nya akong tanga! Ano ang pinagkaiba nya sa tita ko na nagpahirap sa aking buhay?

And the worse is, she is the woman I ever loved…

“Bree?”

Nag angat ako ng tingin sa pinag mulan ng tinig. Like a knight in shining armor, para akong nakakita ng kakampi sa kanyang katauhan. Agad akong tumayo at sinugod sya ng mahigpit na yakap habang umiiyak sa kanyang dibdib. At sa lahat ng nangyari ngayong araw na ito, nabawasan ang bigat na nararamdaman ko ng maramdaman ang kanyang bisig na nakapulupot sa aking katawan.

“Ssshh…I’m here…” She said.



The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon