PROLOGUE

355 29 2
                                    

PROLOGUE

✧༺✦✮✦༻∞ ❦ ∞༺✦✮✦༻✧

DEVON

      "Dev come here!" Pagtawag sa akin ni Maurice, one of my friends na nasa second floor na ng bar na kinaroroonan namin ngayon. Actually medyo di ko nga gusto ang bar na ito cause medyo mahina ang security pero ayoko naman sumama ang loob sa akin ni Maurice na syang nagyaya kung saan kami ngayon. Tinanguan ko naman sya saka ako medyo sumiksik sa mga tao nagsasayaw para makaakyat sa taas. Nang malampasan ko sila ay saka ko nakita si Maurice at muntikan ng akong mailing ng makita ko kung sino ang kausap nya. It Brent, Anak ni Senator Gatchalian. Matagal na itong umaaligid sa kanya pero matagal na din naman nyang sinabi na hanggang kaibigan lang ang tingin nya dito.
   "Here na pala si Dev eh." nakangiting sabi ni. Maurice na yumakap sa akin bago ako binati si Brent.
   "Long time no see Dev." anito. Isang ngiti naman ang binigay ko sa kanya saka ko nilingon si Maurice.
  "What is he doing here?" Napakamot naman ng ulo si Maurice.
  "Sorry di ko alam pero he own the place kaya ng malaman nya na darating ka di na ako nilubayan." sagot nito. Napailing naman ako. Wala na akong magagawa kundi tiisin buong gabi si Brent. He's good-looking, mabait sabi nga ng iba good catch na daw pero I don't know I just don't see some sparks between us.
 
   "Same drink pa din ba Dev?" Tanong nito ng may lumapit na waiter sa amin.
  "Sure." Sagot ko na lang at nagfocus na lang ako sa music at sa mga sumasayaw ng maramdaman ko na lumapit sya sa akin.
  "I didn't know na umuwi ka pala. Kundi ko pa nakita si Maurice di ko pa malalaman." medyo may kalakasan na sabi nya.
  "I'm sorry... I'm just here for a short period of time para sa binyag ng nephew ko." sagot ko last sunday ay binyag ni baby Benjamin.
  "And kailan balik mo sa San Francisco?"
  "Maybe on Wednesday." nakangiting sagot ko kahit next Sunday pa naman talaga ako uuwi ng San Francisco ayaw ko lang malaman nya na medyo magtatagal pa ako sa bansa kasi sure ako na kukulitin nya ako to spend more days with him.
  "Oh that sad...aayain pa naman sana kita sa Calatagan." I knew it.
  "I'm sorry Brent, maybe next time na lang." aniko saka ako humarap sa kanya.
  "Wait lang ah...comfort room lang ako." paalam ko saka naman sya tumango. Agad akong bumaba trying to call Maurice at sasabibin ko sa kanya na mauna na ako pero bago ko yun magawa ay may nakabangga na sa akin na paakyat naman ng second floor.
  "Sorry...."
  "Look who's here." may nakakalokong tono ng kaharap ko ngayon saka ako tiningnan ito
  "Troy Generoso..." banggit ko sa pangalan ng anak ng ex vice president Generoso na ngayon ay nakakulong pa din sa bilibid at sana ay pinagbabayaran talaga nito ang mga kasamaan na ginawa nito.
  "The younger prince." rinig na rinig ko sa tono nito ang pagkadisgusto.
   "Nice to see you, Troy." aniko na lamang saka ako nagpasintabi para makadaan pero mukang wala syang balak na gawin yun, mas humarang pa sya.
  "Nabalitaan mo na ba kung gaano naghihirap ang Papa ko sa loob ng bilibid?" Tanong nya.
  "Oo...at tama lang yun para pagbayaran nya ang kasalanan nya sa pamilya ko at sa bansa. Kung ako sayo Troy dadamayan ko sya kesa sa nagsasayang ka ng oras at pera dito." matapang na sagot ko sa kanya. Kita ko naman ang pag-init ng ulo nya at di na ako nagulat ng hawakan nya ako ng mahigpit sa braso.
  "You bitch!"
  "Kung ako sayo bitawan mo na sya." katulad ni Troy ay nagulat din ako sa nagsalitang lalaki na nasa likod nito.
  "Avery...." tumingin naman ito sa akin na parang nagtatanong kung ano na naman kaguluhan ang pinasukan ko. Pero kanina pa ba sya doon? Bakit di ko sya napansin?
  "Oh... The royal dog. Wala ka na bang gagawin kundi sundan ang bawat isa sa mga prinsipe?" May pangungutya sa tinig nito, ang alam ko ay naging magkaklase sila nung college. Nginitian naman ito ni Avery at umiling bago hinawakan ang kamay ni Troy na nakahawak sa akin at inalis yun bago nya pinilipit papunta sa likod nito.
  "Aray puta---"
  "Sa susunod na hawakan mo si Devon... Babaliin ko na ito." ani Avery saka tinulak si Troy na muntikan ng masubsob sa hagdan bago nya ako hinawakan at hinila paalis dahil nakakakuha na kami ng attention at alam kong pareho naming ayaw maisa-publiko ang nangyari.

    "I'm fine..." pero di ako nito pinansin
   "I said I'm fine...bitawan mo na ako." ulit ko kay Avery ng makalabas na kami sa bar at nakalapit sa kotse nito. Saka sya tumingin muna sa akin bago nya ako binitawan.
  "There..."
  "Kailan ka pa dun? No... Bakit ka nandun?" Tanong ko agad sa kanya.
  "Well tama si Troy... Binabantayan ka." anito lalo naman kumunot ang noo ko.
  "For what? From what?" Tanong ko ulit.
  "Nakita mo na yung nangyari kanina di ba?" sabi nito sala binuksan ang pintuan ng kotse.
  "Si Troy? I can handle him."
  "Di yun ang nakita ko kanina."
  "Whatever...di na ako yung fifteen years old na lagi mong pinagtatanggol." Iritable kong sagot sa kanya saka ako sumakay agad naman itong sumunod at sumakay sa driver seat.
  "Hindi na nga ikaw yun but you still act like one." anito saka pinatakbo ang kotse pabalik ng palasyo. Nakita kong tinawagan nya ang mga bodyguard na kasama ko para sumunod na lang pauwi. Hindi ko maiwasang mainis na wala na akong maibato pabalik sa kanya. Matured naman ako eh. Ewan ko ba pagdating kay Avery para rin talaga ako yung fifteen years old na Devon na laging humahanga sa kanya.
   Damn stop it! Walang patutunguhan ang mga iniisip ko.




✦✮✦༻∞ ❦ ∞༺✦✮✦




    "Kuya!" pagtawag ko agad kay Kuya Ethan ng makabalik kami sa palasyo. Agad akong dumiretso sa office nya at pumasok doon, I don't care about the protocol lalo na ngayong mainit ang ulo ko. Napataas naman ito ng tingin mula sa binabasa. I must say being a King added some matured vibes to him. Nagtataka naman ang tingin na binigay nya sa akin habang si Avery naman ay nakasunod lang sa akin.
   "What Dev?" Tanong nito at pinalabas muna si Secretary Fred at naiwan kaming tatlo.
  "Tell me ikaw ba nag-utos sa kanya para sundan at bantayan ako?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko. Nagkatinginan muna ang dalawa kaya alam ko na agad ang sagot wala pa man sinasabi si Kuya Ethan.
  "Kuya naman eh! Bakit? I can perfectly handle myself." aniko saka umupo.
  "That not what I heard." ani Kuya Ethan na isinantabi muna ang mga binabasa. Agad naman ako na napalingon kay Avery.
  "At talagang naisumbong mo na yung nangyari."
   "Dev, Avery is just doing his job. There's nothing wrong about it." Mahinahon na sabi nito.
   "I know but the thing is I don't need it. I'm big enough for this." Pangangatiwiran ko sa kanya. Nananatili naman na di nagsasalita si Avery na hinahayaan lang kami mag-usap.
  "I know. But Devon you are a Prince... at alam natin na habang buhay ng may banta sa buhay natin kaya di ko pwedeng totally tanggalin ang nagbabantay sayo...saka pagtyagaan mo na si Avery. Ikaw na din naman ang huli nyang assignment." anito magsasalita pa sana ako pero natigilan ako sa huli nyang sinabi. Huling assignment ni Avery?

     "What do you mean?" Tanong ko saka ako napatingin kay Avery na nakakunot ang noo at nakatingin kay Kuya Ethan na nagkibit-balikat naman.
  "Anong ibig sabihin nun?" Tanong ko kay Kuya Ethan pero kay Avery na ako nakatingin.
  "Well... Avery decided to leave. Iwan na ang trabaho and start a new life." sagot naman ni Kuya Ethan lalo naman nagbuhol ang mga kilay ko sa pagkakakunot. Leave? Aalis sya? Bakit?
  "Devon.... " tumikhim naman ako to gain my composure.
  "Aalis ka? Bakit?" for a seconds I hate myself na di ko pa din napigilan yung sarili ko to asked that stupid question pero wala na nasabi ko na. Lumabas na sa bibig ko.
  "So silence means yes pero bakit? Ikaw na nagsabi sa akin na di mo kailanman iiwan ang palasyo?" Ayoko man magtunog bitter pero ano magagawa ko kung yun ang lumalabas sa akin ngayon. Di naman sumagot si Avery. He still have that cold facade.
  "Devon... It Avery's personal matters. I think ako na commanding in chief nya ang dapat lang na makaalam nun." pamamagitna nI Kuya Ethan sa amin ni Avery. Napatango naman ako saka ko hinarap si Kuya.
  "Tama ka...bakit pa ba ako nagtatanong. Pagpasensyahan nyo na kamahalan." aniko sa kanya at wala na akong lingon na lumabas ng opisina ng hari.

   Agad akong nagpunta sa kwarto ko at di ko hinayaan ang mga lady-in-waiting na pumasok. Ini-lock ko yun kahit labag yun sa protocol sa palasyo. Napahinga ako ng malalim ang sama-sama ng pakiramdam ko sa nalaman ko. Pakiramdam ko niloko ako ni Avery. Hindi ba at ang trabaho na ito ang dahilan kung bakit ayon sa kanya hindi kami pwede dahil sa propesyon nya at sa sinumpaan nyang tungkulin sa palasyo? Pero bakit ngayon aalis na sya? Bakit parang iiwan nya ako at sinasaktan nya ako ulit sa hindi ko na mabilang na pagkakataon?
    Pabagsak akong humiga sa kama at di maiwasan ng isip ko na alalahanin kung paano ba kami ni Avery noon. Paano ba kami noon bago masira ng panahon at estado sa buhay ang lahat sa amin.

✦✮✦༻∞ ❦ ∞༺✦✮✦

A/N:

Slow update sya guys ah kaya please be patient with me.

And most importantly hindi sya MPreg.

False Promises And YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon