TLH Book 2-12
Bree
Muli syang napalagok ng alak at tumawa na parang hindi malaman ang kanyang isasagot. Magsasalita na sana si tita Kianne pero naunahan sya ni tita Ryne.
“I better go now. My wife has been texting me kung nasan ako. Ayokong matulog sa couch pag nayamot si Ash. Bree, Kianne, I’ll go ahead.” Saka nya kinuha ang phone nya sa maliit na bag na kanyang dala. Nakita ko pa ang pag kindat nito kay tita Kianne na hindi ko alam kung ano ang ipinapakuhulugan.
“Teka, aalis ka na? Eh ako rin…” Si tita Kianne.
“Nah, samahan mo muna si Bree. Gusto daw nyang makilala ang anak mo.” Saad ni tita Ryne saka napangisi.
“Hinahanap na rin ako ng asawa ko…” Ani tita Kianne kaya napa cross arms ako at hindi maiwasan na hindi maghinala.
Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Itinaas nito ang kanyang palad bilang paalam para sagutin ang tawag.
“Love, kamusta na ang pakiramdam mo?” Sabi nya sa kabilang linya. I knew she’s talking to her wife.
“Bree, I’ll go now. You take care okay?” Si tita Ryne na humalik sa pisngi ko na agad ko namang sinagot ng yakap bago tuluyang lumabas ng pinto.
“Eto po pauwi na, uhm…may ipapabili ka ba?” Si tita Kianne ulit. “Penoy? Hmmn, love baka naman naglilihi ka na ha. Nakabuo na ba ulit tayo?” Saka ito ngumisi na parang nakakaloko. Halos mawala na ang kanyang mata sa pagtawa dahil singkit ito, pero maganda pa rin sya lalo kapag ngumingiti. Halatang sa itsura palang ay may taglay na kapilyahan. Alam kong kinukutya na nya ngayon ang kanyang asawa.
“Alright, I’ll be there in 30 minutes. I love you.” Saka nya ibinaba ang tawag at tumingin sa’kin na parang humihingi ng paumanhin.
“Bree, hinahanap na rin ako ng asawa ko eh. Dalaw nalang ulit kame next time ha?” Apologetic ang kanyang mukha but she’s still cute.
“Okay lang po tita. Next time nalang. Siguro po ang saya kapag mayron ka nang sariling pamilya no? Meron ka palaging uuwian…” Ewan ko kung bakit bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi kong ito.
Tumayo ito at mas inilapit ang sarili sa akin saka ako niyakap. “Yaan mo someday, magkakaroon ka rin ng pamilya mo. Wag kang magmadali, darating din yan.”
Tumango na lang ako dito at ngumiti. “Sige na tita, baka mapagalitan ka na ng asawa mo. Basta tita next time ha, gusto kong ma-meet ang anak mo. Pati na rin yung wife mo. I know you have a wonderful family.”
Napangiti nalang sya at tumango. “Sure, next time. Ipapakilala kita sa kanila. Wag ka ng malungkot about kay Zy okay? Talk to her, at kapag na-confirm mo na talagang niloko ka lang nya, isumbong mo sa’kin. Lagot sa’kin yan.” Sabi pa nya.
“Thanks tita. Ingat po.” Paalam ko dito at inihatid ko sya hanggang sa pintuan.
Now I’m alone again. Pero mas magaan na ang pakiramdam ko kesa kanina. Mabuti nalang at dumating ang dalawang superhero ko. I really love them so much.
Kinabukasan, tumungo ako sa hospital na pinag dalhan kay kuya Nathan para dalawin ito. Pero wala na akong inabutan doon. Tumakas daw ito ng hospital na talagang ipinag taka ko. The nurse explained to me na may mga pulis na dumating sa lugar pagkatapos mawala ng kuya ko. Wanted pala sya sa patong patong na kaso. Marami syang pinagkakautangan, meron din syang kaso ng pagnanakaw, at iba pang paglabag sa batas tulad ng paggamit at pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.
Malungkot akong umuwi ng bahay noong araw na ‘yon. Kuya Nathan is the only one left for me. Sya nalang ang natitirang alala ng pagiging isa kong Moltalban. My world now, revolves around completely with new people who were there for me. I’m not saying I am not happy, but for some reasons, I still want to have a hold of someone who reminds me of my root. Si Kuya Nath nalang ang natitira sa pamilya ko before, and now I lost him again.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
ChickLitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...