42

11.7K 380 7
                                    

TLH BOOK 2-14

Zianne

Paggising ko kinabukasan, wala na si Bree sa tabi ko. Tatayo na sana ako para mag usisa sa paligid pero bigla kong nakita ang hubad kong katawan. I smiled as I remember what we did last night. It was hot, and intense love making session with my wife. Nakangiti akong bumangon ng kama at nagbihis gamit ang damit na maayos na nakatiklop sa side table. Damit ko ito na hinubad kagabi pero sure akong inayos ito ni Bree bago sya umalis. Pero nasa’n na ba sya?

This is Bree’s hotel room. Actually, dito rin kami naka check in ni Xera but in different room. Agad akong bumalik sa room ko sa kabila, naligo at nagbihis. Saka ako lumabas para hanapin si Bree.

“Xera?” Tanong ko sa babaeng sexy na nakatalikod at nagtitingin ng mga sombrero na binebenta sa mga shop sa labas ng hotel. She’s wearing a polo na nakabukas ang butones kaya kita ang suot nitong bikini top. Humarap ito sa’kin at ngumiti kaya nakita kong nakabukas din ang zipper ng suot nitong maong shorts at kita ang katerno ng bikini nya na pang baba. This girl is so hot and sexy, I tell you. Minsan nga, naiisip ko bakit ba hindi ko ito tinikman? De joke lang, of course I respect her. She’s like a little sister to me.

“Hi Zianne.” Ngumiti ito sa’kin ng makahulugan, may kasama pang kagat ng labi. Alam kong may gustong ipakahulugan ang babaeng ito.

“Hi, ahm…X, nakita mo ba si—“

“Si Bree?” She asked excitedly. I nodded kaya mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. “I saw her there…” Turo nito sa hilera ng mga resto sa bandang gilid. “Kasama nya si Cielo.”

Napataas ang kilay ko. “Cielo? Nandito sya?”

“Yeah, don’t ask.” She smiled again.

“Okay, kumain ka na?” I asked.

“Not yet. Last night, hindi na kayo nakasunod mag dinner ah. Uhm…” Saka umikot ang mata nya na parang may kalokohang naiisip. “Let me guess, you just had a steamy hot s—“

Hindi ko na sya pinatapos dahil niyakap ko ito at isinubsob sa dibdib ko para patahimikin. Well, lambingan lang naman namin ito. Ginulo gulo ko rin ang kanyang wavy brown hair.

“Zianne! Oh gosh, my hair!” Reklamo pa nito pero tawa naman ng tawa.

Nasa ganun kaming pagbibiruan ng may marinig na pumalatak sa bandang likod.

“What’s going on here?” A familiar voice said.

Paglingon ko, I immediately let go of Xera. Halos maitulak ko na nga ito palayo dahil nakakatakot ang tingin ni Bree. Nakatayo ito at naka cross arms pa. Sa tabi nya ay nandun si Cielo at si Gerald naman sa kabilang gilid. Parang isang reyna na nasa gilid ang dalawang kawal na anytime ay susugurin ako.

Oh, I’m not scared of them, not a bit. Pag untugin ko pa sila eh.

“Babe…” Bati ko kay pero umikot lang ang tingin nito at parang may binulong na hindi ko narinig. Obviously, hindi nya nagustuhan ang nasaksihan kanina. Siguro ay iniisip nitong nakikipag landian ako kay Xera.

“Hi guys, have you done with breakfast yet? Bakit ang bilis nyo naman. Susunod na sana kami ni Zy.” May halong alinlangan na sambit ni Xera.

“Ah, we’re actually looking for a good dessert. Right guys?” This is Gerald at agad lumapit kay Xera. Ikinawit pa nito ang braso sa bewang ng huli.

“Hey…” Si Cielo na sumunod rin. “Hindi naman siguro si Xera ang gusto mong gawing dessert right Gerald?” Taas kilay na tanong ni Cielo na pumagitna sa dalawa. Inialis pa ni Cielo ang kamay ni Gerald na nahawak sa bewang ng kapatid kaya nagsamaan pa sila ng tingin ni Gerald. Bahagya akong natawa sa kanilang tatlo. Obviously, Gerald has a thing with Xera at hindi na ako magtataka kung bakit napasunod dito ang kakambal ni X na si Cielo. She’s so protective when it comes to her baby sister.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon