44

10.9K 341 31
                                    

TLH BOOK 2-16

Bree

“I really love your eyes…” I almost whispered while staring at her ocean blue eyes. Pareho kaming nakahiga sa kama, nakatakip ng kumot ang hubad na katawan at nakatingin sa isa’t isa. Ang isa kong kamay ay nakatukod sa bed at nakapatong doon ang aking ulo, habang ang isa naman ay nakahawak sa pisngi ni Zianne at hinahaplos na parang kinakabisado ng aking kamay ang perpektong hubog ng kanyang mukha.

“I love your eyes too…” Sagot naman nito saka ngumiti. Pinisil pa ng kaunti ang aking pisngi.

“No, yours are prettier. Ang ganda ng pagka asul nya.” May paghanga kong sagot sa kanya. It’s our last day here in Palawan. Sa mga araw na nakalipas ay naging abala kami sa pag sabak sa mga activities like snorkeling, island hopping, diving, at hiking. Sa hapon naman ay bar hopping kahit napaka simple lang ng mga bar dito sa El Nido. Ibang iba sa mga bar kung ikukumpara sa Manila. At itong huling araw ay wala kaming ginawa kundi magpahinga at magbabad sa bed. Hindi ko naman pinoproblema ang kaibigan kong si Gerald dahil hindi naman sya iniiwan ng kambal na si Xera at Cielo. Silang tatlo ang palaging magkakasama lalo lapag nagsosolo kami ni Zy.

Kinuha nito ang kamay ko na gumagapang sa kanyang pisngi at inilapit sa kanyang labi at hinalikan.

“Kapag nagka-baby tayo, gusto ko makuha nya ang kulay ng mata ko. Saka sana makuha nya yung ganda mo, yung ngiti mo, yung labi mo, lahat sa’yo…except sa height syempre.” Okay na sana eh, napapangiti na ko pero siningit pa yung height.

Pinitik ko ang ilong nya and I made sure masaaktan sya. “Aray! Babe…” Reklamo nito na nakatingin sa ilong.

Inirapan ko nalang sya pero pasimpleng kinurot ang pisngi. Ewan ko ba kung ano ang meron sa araw na ‘to, nilaan lang namin para maglambingan.

“So sinasabi mong maliit ako ha!” Tinampal tampal ko pa ang braso nya na ikinatawa nya lang. Sa isang iglap lang, nahatak nya ako at natagpuan ko ang sarili na nakadapa sa ibabaw nya. Nakayakap sya ng mahigpit sa aking balakang for support at magkalapit na ngayon ang aming mga mukha.

“Of course not. But babe, admit it, mas maganda ang height ko sa’yo.” Nakangiti nyang sabi.

“Whatever Zianne…” Ang tanging nasabi ko nalang at tuluyan akong humiga sa dibdib nya. Gusto kong marinig ang tibok ng kanyang puso sa aking tenga, habang ang pag angat-baba ng kanyang tyan ay parang naghehele sa aking katawan. Ngayon ako nakakaramdam ng antok kahit hindi pa kami nag di-dinner.

“Bree, pag balik natin ng Manila, ipapakilala na kita sa parents ko.”

Agad akong nag angat ng tingin buhat sa narinig. Aaminin kong pinangarap ko rin ang sandaling ito pero ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan.

“Pero—“

“Hey, why are you worried?” She cupped my face using both hands. “Mababait sila promise, lalo na si mommy. Si mama naman, malamang kulitin ka non pero wag kang mag alala, I’m sure magugustuhan ka nila.” Pag a-assure nya.

Nginitian ko sya ng tipid. “Sige, and in return, I would like you to meet my two guardians.” I told her. Alam na nya na ang dalawa kong tita ang tinutukoy ko.

She smiled at mas humigpit ang kanyang yakap sa aking katawan. “Alright then. I love you Bree…”

Ang totoo, ilang beses ko na bang narinig mula sa kanya ang salitang ito, but there is something to the way she said those words to me right now. Parang ngayon ko palang totoong naramdaman that really meant it.

“I—I love you too.”

She smiled pero hindi umabot sa kanyang tenga. Yung ngiting parang nakukulangan.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon