TLH BOOK 2-17
Bree
“So how’s Australia?” Tanong ko kay Zianne. Nandito sya ngayon sa condo ko at sabay kaming kumakain ng niluto kong adobo.
“Hmm…” Nilunok muna nito ang pagkain sa bibig at uminom ng tubig. “Ayos naman, masaya. Sabi ko naman kasi sa’yo, sana sumama ka na.”
“Zy…alam mo namang biglaan ang lahat di ba? Ayokong maging gate crasher, at isa pa, hindi mo ako maipapakilala ng maayos sa pamilya mo kung isasama mo ako agad sa kasal ng pinsan mo.”
Oh yes, kasal ng pinsan nyang si Princess ang ipinunta nila sa Australia ng buong pamilya nito. Sinasama naman nya ako pero tumanggi ako. Una, pakiramdam ko ay hindi pa tamang panahon dahil busy ang lahat sa paghahanda. Pangalawa, took these two weeks after kuya Nathan abducted me para mag isip isip.
Si kuya Nath ang dumukot sa’kin nung nakaraan. Ofcourse nagalit ako dito noong una, nagpaliwanag ito sa’kin kung bakit ganoong paraan ang naisip nito. Isa syang wanted sa batas at pinaghahahanap ng mga pulis. Inamin naman nito ang lahat ng pagkakamali at sinabing kasalukuyan na nyang iniiwasan ang droga at nagnanais ng pagbabagong buhay. But he really need some help and support, at ako lang daw ang nakikita nyang makakatulong sa kanya.
He also said something that until now, hindi matanggap ng utak ko.
FLASHBACK
“Bree, alam kong hindi tayo magkadugo pero minahal at tinuring kita bilang tunay na pinsan ko. Please, pag isipan mong mabuti. Yung mga taong tumulong sa’yo, nakikilala mo ba talaga sila ng husto? Hindi mo ba naisip kung bakit ang bait bait nila sa’yo hanggang ngayon? Binigyan ka ng mga bagay tulad ng condo na tinitirhan mo ngayon at sasakyan. Sa tingin mo gagawin yon ng ibang tao?” Pag susumamo ni kuya Nathan.
“Kuya, please naman. Wag sila. Mahal ko ang dalawa na ‘yon. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon kung hindi nila ako tinulungan.” Pagtatanggol ko sa dalawang taong tumayong guardian ko sa loob ng maiksing panahon.
Napasuklay ito sa kanyang buhok at umupo sa maliit na upuan sa harap ko. “Bree, don’t you get my point? Ang dali nilang nakuha ang loob mo. Hindi ka ba nagtataka dahil simula ng dumating sila sa buhay mo, doon din unti unting bumagsak ang negosyo at kayamanan ng pamilya natin?”
“So, are you saying sila ang may kinalaman sa lahat? Kuya please, gusto ko ng umuwi. Pagod ako dahil galing ako sa byahe.” I told him at hindi na maitago ang irita sa boses ko.
“Yes Briana. Sila ang unti unting sumabotahe sa lahat ng pag aari ng pamilya. I’ve been investigating for how many months now. At nung nalaman kong sa kanila ka nag ta-trabaho at sila ang nagpaaral sa’yo, doon tumibay ang hinala ko na nasa kanila ang lahat. Nasa kamay nila ang yaman ng pamilya natin Bree. Alam kong mayaman sila kaya hindi mo ‘yon mapapansin, pero please….maniwala ka sa’kin.” Pakikiusap pa ng kuya Nathan ko.
Napailing lang ako at natawa ng pagak. Perhaps kaylangan na talaga ni kuya na magparehab dahil mukhang nag ha-hallucinate na sya. “Kuya Nathan…” Hinahawakan ko ang pisngi nya at tinapik tapik. “Puyat lang yan, matulog ka na at kumain ka ng maayos.”
Napabuntong hininga ito at bagsak ang balikat na napasandal sa kinauupuan. “Bree, tandaan mo. Ako at ikaw nalang ang natitirang magkakampi dito. Sila?” Turo nya sa kung saan na ang tintukoy ay yung mga taong tumulong sa’kin. “They are just using you Briana and you are letting them. Akala mo napaka swerte mo dahil ano? Binigyan ka ng lahat ng kaylangan mo, pero ang totoo, pinag tatawanan ka lang nila. Sa’yo rin galing ang lahat ng binibigay nila sa’yo at alam nating pareho na barya lang yan kumpara sa kayamanan na dapat ay sa’yo. Truth will reveal itself soon enough, at kapag nalaman mong tama ako, you know I am always here for you, because I am your only family.”
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
ChickLitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...