46

10.3K 362 81
                                    

TLH CHAPTER 18

Bree

“…and my favorite aunt, tita Ryne.”

This line makes me clenched my jaw. Pero pinilit ko pa ring ngumiti dahil sa isang sulok ng mata ko, nakikita ko ang inosenteng ngiti ni tita Bry at tita Ash. Naramdaman ko na rin ang pag upo ni Zianne sa tabi ko.

I heard noises in my surroundings, alam kong nagsasalita ang lahat ng tao sa paligid except to us three, ako, si tita Kianne at tita Ryne. Pare-pareho kaming nagkakatinginan sa isa’t isa. Si tita Kianne halos maubos na ang isang pitsel na tubig kaiinom. Si tita Ryne naman, mukha pa ring kalmado pero sa mga tingin nya, nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

“Babe…” Hinawakan ni Zy ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. “Okay ka lang? Bakit nanlalamig ang kamay mo?”

Iniiwas ko ang kamay kong hawak nya at hinawakan ang isang baso na may laman na tubig at ininom. Napayuko ako, at pagkuway napapikit. How can I face her? When my emotions are all over the place?

Lumingon ako sa kabilang side, at nakita kong nakangiti si tita Bry. Sa mga kwento ni Zy, mabait daw ang kanyang mommy. Well, masasabi kong totoo nga ito base sa nararamdaman ko ngayon. Unang kita ko palang sa kanya, magaan na ang aking loob. Yung pakiramdam na gusto ko syang yakapin para maibsan ang pangungulila ko sa aking ina. The way she caress tita Kianne’s back, alam kong mapagmahal itong asawa sa kabyak. The way Zy told me how her mother takes care of her, alam kong maalaga at mapagmahal syang ina.

This is her day, at hindi ko dapat sirain ‘yon. But the looks of her, pati na rin kay tita Ash, na asawa ni tita Ryne, mukhang wala silang alam sa ginawa ng mga asawa nila.

“Bree…” Naramdaman ko ang daliri ni Zy sa aking mukha at iniharap ito sa kanya. Pinahid nya ang aking luha na hindi ko na napansin na lumandas sa aking pisngi. “Why are you crying?” Pabulong nalang na sabi nya at halata sa mukha at pag aalala.

Napailing nalang ako. As much as I want to pretend that everything is fine para lang hindi makagawa ng eskandalo, I really can’t.

“G-gusto ko nang umuwi.”

May pagtataka sa kanyang mukha. To be honest, gusto kong maawa sa kanya, and at the same time, magalit. Whether she likes it or not, damay na sya sa gulong ito.

“Uhm, sige. Pero, tapusin muna natin ang dinner. Ihahatid na kita.” Ang naisagot nalang nito. Alam kong gusto nyang magtanong pero dahil nakaharap ang lahat sa may kahabaang lamesa, pinigilan nalang nito ang sarili nya.

I just nodded to give her the satisfaction. Pero kinuha ko ang cellphone sa maliit na bag na dala ko and texted Gerald. Sinabi ko dito na sunduin ako since wala akong car na dala. Tinext ko na rin sa kanya ang address.

“Bree…” This is Zianne again. Hinawakan nya muli ang kamay ko after kong itago ang cellphone sa bag.

“Uhm?”

“May problema ba?” Tanong nito.

“Wala.”

Muli akong napasulyap kay tita Kianne at tita Ryne. Nakatitig pa rin sa’kin si tita Ryne pero umiiwas ng tingin si tita Kianne. How many years have they been guardians to me? Three? And up until now. At sigurado ako na alam nila na ang girlfriend na iniyakan ko before ay si Zianne na anak at pamangkin pala nila. Nagtanong naman ako before pero bakit nagsinungaling sila? Wala akong tinanong sikreto sa dalawa dahil ang buong akala ko, mapapagkatiwalaan sila. Hindi pala.

Kahit ayoko pa ring paniwalaan hanggang ngayon, maybe kuya Nathan is right. Wala akong ibang nakikitang rason sa pag tulong nila sa’kin kundi mga pansariling kapakanan nila. Yung unti unting pagkalusaw ng kayamanan ng pamilya namin, sigurado akong sila rin ang may pakana.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon