47

10.4K 389 32
                                    

TLH BOOK 2-19

Zy

“Sa halip na yan, why don’t you just suck on this thing instead?” Inis na kinuha ni Xera ang stick ng sigarilyo sa bibig ko at binigyan ako ng dalawang pirasong lollipop. Seriously?

I looked at her with arched brows.

“What? Masarap yan.” Saka sya ngumiti at binuksan ang isang lollipop na galing sa kanyang maliit na bag.

“Ako? Pakakainin mo ng ganito?” Hindi makapaniwalang turo ko sa sarili ko habang naka tingin sa dalawang stick ng lollipop na hawak ko.

Napatawa lang sya and she shrugged her shoulder. “Tikman mo…” Saka nya inilabas sa bibig nya ang isang lollipop na kulay pink. “Mas okay na yan kesa naman yosi ang palagi mong pinag didiskitahan.” At muli nyang pinasak sa bibig nya ang candy.

Inilagay ko sa bulsa ng jacket ang isang lollipop na bigay nya at ang isa naman ay tinanggal ang plastic na nakabalot. Tinikman ko ito not minding kung mukang nakakatawa na ba ang itsura namin ngayon. Infairness, masarap naman.

Nandito kami ngayon sa mall ni Xera, actually sa tapat ng dagat kami madalas tumambay. Sabado ngayon at walang pasok pero pareho kaming galing sa office dahil tumulong kami sa pag repack ng relief goods na dadalhin sa mga nasalanta ng bagyo.

“Anong bago sayo?” I asked habang nag eenjoy na rin sa pag sipsip ng candy sa bibig ko.

She deeply inhaled na may kasama pang pag pikit ng mata. “Wala. Dati lang, boring sa work. Kung hindi naman ako mag ta-trabaho, pauuwiin ako ng Australia ni mama.” Saka sya napatingin sa’kin. “Ikaw? Ano bang bago sa’yo?”

I just shrugged my shoulder. “Wala rin.”

Napatingin ako sa kawalan, hanggang sa napansin ko na nakatingin pa rin pala ito sa akin.

“Bakit?” I asked.

Umiling lang ang dyosa sa tabi ko. “Miss na miss mo na sya…at wag kang magsisinungaling. Kilala na kita Zianne.”

I just sighed, at tinitigan ang lollipop na hawak ko na ngayon ay malapit ng maubos. “Masarap pala ‘to.”

“Tsk…” Napailing sya. “Wag mo ngang ibahin ang usapan.”

Tuluyan ko ng inubos ang candy at basta nalang itinapon ang maliit na stick non na bumagsak sa mga bato malapit sa dagat.

“Oo, pero wala naman akong magagawa di ba? It’s been 18 months now, a year and half to be exact since she left. Only God knows kung magkikita pa ba kame.” Malungkot na sabi ko.

Binigyan nya ako ng tipid na ngiti at ipinatong ang palad sa aking hita. “I really have this feeling na magkikita pa kayo.”

“X, paano pag bigla mong nakita si Gerald ulit. Magagalit ka ba sa kanya? Anong gagawin mo?” Tanong ko. Bree left me 18 months ago. Makalipas na mawala si Bree, after 1 month, si Gerald naman ang nawala na parang bula. Since then, ganito na ang naging routine namin ni Xera. Madalas kaming mag kita para mag kamustahan at mag libang. But we’re just friends, and nothing more.

“I hope I won’t get mad at her. Pero gusto ko syang tanungin at pagpaliwanagin kung bakit umalis nalang din ito ng hindi nagpapaalam. Malay natin, may magandang reason sila kung bakit nila tayo iniwan…” Saka sya humarap sakin. “Ikaw Zy? Magagalit ka ba kay Bree pag nagkita kayo ulit?”

Muli lang akong nag kibit balikat. “Hindi, sana hindi. May mali naman ang naging tadhana sa kanya. Pakiramdam nya siguro napag kaisahan sya ng lahat kaya palagi nalang syang tumatakas. Mas pinipili nalang nyang takbuhan ang problema kasi akala nya, wala syang kakampi. Hindi nya alam, nandito ako para sa kanya. Hindi nya alam, handa kong kalabanin ang sarili kong pamilya kung kinakailangan, para sa kanya. Yet she chose to run away and leave me.”

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon