"Bonak, andoon na si Yandiel sa labas, nakagayak na."
Natigilan ako sa pagsusuklay. "Hala, totoo ba?"
Simula noon ay sobrang aga na niyang nagpupunta sa bahay para sabay na kaming magpunta sa church at mag-ayos ng mga bagay doon. Anong oras kayang nagigising 'to, eh sa San Jose pa siya bumabyahe? My goodness.
Matapos magsuklay ay kinuha ko ang maliit kong bag na kagabi pa nakagayak. Basta sabado ng hapon ay nakagayak na ang lahat ng kailangan ko para sa sunday service, bag na may laman na notebook, Bible at mga ballpen at yung aking susuotin. Tapos maagang matutulog para maagang magising.
Nilabas ko si Yandiel na nakaupo sa kanyang motor at pinaglalaruan ang clutch nito habang nakakagat sa ibabang labi nang parang bata.
"Aga na naman natin, ah. Anong oras ka bang nagigising?" bati ko dahil literal na hindi pa sumisikat ang araw dito, medyo natatakpan kasi ng mababang bundok.
Ngumiti si Yandiel at nagkibit balikat. "Pinupuna nga mama, daig ko pa raw matandang nananalbos sa ampalaya."
"Totoo naman kasi," dugtong ko at tumawa. "Doon na tayo magkape garod sa church tapos bumili na rin ng pandesal at baka sikmurain ka."
"Mmm." He nodded. "Ganda na naman natin ngayon, ah." Ginaya niya pa ang tono ko. Medyo nakaramdam ako ng hiya doon dahil talagang gini-give ko ang best ko sa pagdadamit tuwing sunday, kahit mainit at nakasuit pa ako na pinatong sa dress.
"Gwapo ka rin naman, lalo na kung aayusin mo 'yang buhok ko, ne. 'Wag mo naman ipahalatang galing ka pa sa Baclaran," pagsasalita ko habang sinusuklay ang buhok niya at inaayos iyon, para mas gwapo.
Nang nasa church na ay nandoon na si Ravi, dahil medyo male-late daw si Aiden, pero nag-text siya na gagawa siya nang paraan para hindi ma-late. Nagkaroon siguro ng emergency sa kanila. Eh, consistent kasi 'yon, kahit nilalagnat ay uma-attend pa rin.
Naging busy kami sa buong service. I was writing important parts of a sermon and Yandiel seems to write every lines.
"Kinutya Siya ng mga tao, iyong mga taong pinagaling Niya, tinuruan Niya. Pinagduduraan, sinuntok at pinagtawanan. Pero alam niyo kung sino ang nasa isip Niya noong mga oras na 'yon? Ikaw, ako, yung mga sundalong romano at mga kumukutya sa Kanya, dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa!" our Pastor shouted. "Hindi nila alam na ang nasa harapan nila ay Diyos ng mga diyos, Hari ng mga hari at Panginoon ng mga Panginoon!"
"Christ came here as a Lamb and Savior. And He will return as a Judge. His resurrection affirms that He'll return."
Tumango ako at napangiti, whenever He'll return. I'll pray that He'll see me faithful and working. I was studying for His glory, I read His Word because I love Him and I will serve Him until I die. That's where I see my worth, serving God in everything I do.
Natapos na ang sunday service na nagsisimula na nilang i-set up ang mga lamesa para sa tanghalian. Kinuha ko ang aking di-keypad na cellphone sa aking sling bag dahil naka-silent ito tuwing oras ng sermon.
There were 7 missed calls, from Aiden.
Napaawang ang aking bibig at tinawagan ang number ni Aiden. Nilibot ko ang aking tingin para hanapin sila Ravi. Anong nangyari kaya? It's okay if he can't attend the service this time.
"Rav!" tawag ko kay Ravi na nawiwiling pinapanood ang mga batang nagba-Bible drill sa ilalim ng puno ng mangga.
"Oh!"
"Tinawagan ka ba ni Aiden? Tinawagan niya kasi ako." Nakatapat pa rin ang cellphone sa aking pandinig dahil hinihintay ko ang response ni Aiden sa telepono.
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
روحانيات2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...