CHAPTER 8

177 17 6
                                    

"Tres!" napatingin ako sa tumawag sa'kin at nakita ko ang pagtakbo ni Jao papunta sa'kin. "Samahan mo ako sa SCC office(student council club), tapos sabay tayo pumunta sa Gymnasium." Sabi nito kaya tumango nalang ako.

Unang araw ngayon ng intramurals kaya busy siya dahil bukod sa class president ay SCCofficer din siya.

"kanina ko pa hinahanap si Suson, practice niya ngayon sa pageant." Sabi pa nito habang inaayos namin ang mga box sa SCC office. Last week kasi ay napagdesisyunan nalang nila na si Suson na ang isasali sa Mr. and Ms N Academy.



"Nakita ko kanina, kasama naman niya si Marj." sagot ko. "Baka nagpapractice na sila." patuloy ko pa at tumango naman siya.


Nang matapos naming ayusin ang SCC office ay pumunta na kami sa gym dahil may laban sa basketball ang grade 10. Kalaban namin ang grade 12. Kailangan kasi na full support kami sa kanila dahil plus points daw 'yon sa grade namin. Umay.


"First time mo pala maranasan intrams dito, promise mage-enjoy ka." Sabi ni Jao habang naghahanap kami ng mauupuan. May dala pa siyang banner na ang nakalagay ay 'Go Grade 10'. May dala rin siyang balloon na kulay red dahil iyon ang color ng grade 10 tapos sa grade 12 naman ay yellow.



"Kasali rin si Parn?" tanong ko sa sarili ko pero narinig ata ni Jao kaya napatingin siya sa'kin.



"Kilala mo 'yan?" tanong niya sa'kin kaya tumango ako. "Teh remind lang kita, grade 10 tayo. Isipin mo nalang na hindi mo 'yan kilala." irap niya sa'kin kaya natawa ako.



Nagsimula ang laban at mas naunang naka score ang grade 10 kaya ang lakas ng sigaw ni Jao. Chini-cheer niya 'yong crush niya raw na si Taneo.



"Taneo, mahal na talaga kita!" sigaw niya pa kaya napailing nalang ako at ipinagpatuloy nalang ang panonood.



Nakuha ni Parn ang bola. Pumwesto siya para tumira ng tres, I mean ng three points. Ayaw ko na talaga mag tagalog kapag numbers. Grrr.



"Nice." nasabi ko nalang nang ma-shoot ni Parn ang bola. Nawala naman ang masiglang sigaw ni Jao dahil bumabawi na ang grade 12.



"Anong nice, mas magaling pa rin si Taneo kaysa diyan." sabi nito sa'kin kaya tumawa ulit ako sa itsura niya.


Another three points galing kay Parn kaya napuno na naman ng sigawan ang buong gymnasium.



"Asar naman." bulong ni Jao sa tabi ko. "Bawi nalang next game." patuloy niya pa.



Natapos ang laro at nanalo ang grade 12, of course kaya matamlay si Jao nang lumabas kami sa gym.



"Pres, kumusta 1st game?" tanong nung isang classmate namin kay Jao nang makita kami.


"Talo." sagot naman niya. "Galingan niyo sa volleyball ah, hampasin ko kayo isa-isa kapag natalo kayo." patuloy niya pa na ikinatawa nung classmate namin.


"Baka ikaw hampasin niyan, volleyball player 'yan baka nakalimutan mo." I joked kaya siniko niya ako. Sakit ah.


Nang lunch break, sabay ulit kami ni Jao na kumain sa cafeteria. Sa pinakadulo kami dahil mainit kapag sa may bandang gitna.


Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang dumating si Felip. Salubong pa 'yong kilay niya na umupo sa tabi ko.


"Katatapos lang practice niyo?" tanong ni Jao sa kanya. Kinuha niya naman iyong pagkain na nasa tapat ni Jao kaya sinamaan siya ng tingin nito.

"Bayad na 'to sa pagpilit niyo sa'kin na sumali sa pageant na 'yon." sagot niya at mukhang badtrip.


"What happened ba?" tanong ko.



"Kasali rin si Stell. Alam niyo naman na kaaway ng dance club ang president ng music club. Tapos magkalaban pa kami sa pageant." sagot niya. Hindi nalang ako sumagot dahil hindi ko naman knows 'yang mga issue nila sa buhay.



"'yan gawin mong inspiration para manalo ka!" Sabi ni Jao at hinampas pa ang mesa kaya nagulat ako. Ayaw talaga patalo.



Nagpatuloy kami sa pagkain nang magulat ako dahil sa lagsulpot ni Parn at umupo sa katabing upuan ni Jao at sa harap ko.


"Lah, hindi ka belong dito teh. Kalaban ka." masungit na sabi na naman ni Jao na masama ang tingin sa katabi niya. Natawa tuloy si Felip.


"Hindi naman ikaw ipinunta ko rito." hindi naman nagpatalo ang isa at nagpataliman pa sila ng tingin. Bwesit na 'yan.


"E 'di hindi, duh. Wala naman akong pakialam?" pag-irap ni Jao kaya tumingin na sa gawi ko si Parn.


"Sabi kong sabay tayo ngayon." kunot ang noong sabi niya sa'kin. Oo nga pala. Nakalimutan ko.


"Sorry pres, mas pinili niya kami." sagot ni Felip kaya nalipat sa kanya ang masamang tingin ni Parn.


"Hindi ikaw kausap ko." pangbabarda niya kay Felip pero tinawanan lang naman siya nito.


"I forgot, sorry." sagot ko.

Nang matapos kaming kumain ay sumama muna ako kay Parn dahil uuwi lang siya saglit para kumuha ng extra na damit. Sumama na rin ako dahil gusto ko rin magpalit ng damit. Bumalik din naman kami agad sa school.


"Hintayin mo nalang ako mamaya, ah." Sabi nito bago ako sumama kay Jao dahil siya lang naman ang pwede kong samahan.


"Saan tayo ngayon?" tanong ko nang maglakad kami. Bukas pa kasi ang laro ng volleyball.


"Sa stage, ako na-asign mag announce ng mga song request at mga dedication." sagot niya. Tumango nalang ako dahil wala naman akong gagawin dahil wala naman akong sinalihan na sport.


Umupo lang kami sa stage at naghintay na may mga mag request ng song dedications at may mga greetings din ata.


"Sino 'yang kasama mo, Pres?" may dumating na babae at umupo sa tabi ni Jao at nakangiti pa sa'kin kaya napangiti rin ako.


"May bakod na 'yan, tumabi ka." sagot nitong attitude na kasama ko.


"Kahit kailan ka talaga, Jao napakq-attitude mo." irap naman nung babae at inabot ang isang maliit na lalagyan na may laman na mga papel. "Pakibasa nalang 'yang mga 'yan, atabs." Sabi nito kay Jao at kinuha na sa bulsa ang phone niya. Bawal ang phone, e. Iba talaga kapag officer.


Sinimulan naman na magbasa ni Jao ng mga request habang ako ay bored na nakatingin sa baba ng stage at nanood nalang ng laro ng lower grade. Mga grade 7 and 8 ata ang naglalaro ngayon.


"I just wanna ask Klare to be my girlfriend, from Jiggs." napatingin ako kay Jao nang marinig ang greetings na binabasa niya. Wtf? Seriously?

"Kung sino ka man Jiggs, sana hindi ka sagutin ni Klaire." patuloy ni Jao at nakita ko naman ang tawanan ng mga students na nasa baba ng stage. Siraulo.

"Ikaw nga magbasa, Tres, kaumay ah." Sabi nito at inabot sa'kin 'yong mic kaya wala akong ginawa kung hindi ang magbasa.


Marami ring request, greetings at dedications ang binasa ko hanggang sa kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Parn doon sa papel.


"I just want to dedicate the song 'Pano' to Parn Santos, by Ms. unknown." kunot parin ang noong basa ko roon. Marami rin akong nabasang dedication at greetings kay Parn. Sana all sikat.


"Astig ng bebe mo ah, maraming admirer." Sabi nitong katabi ko kaya tinignan ko lang siya ng nagtataka.


"Anong bebe? Baliw."


"Ay hindi ba? Akala ko kasi bebe mo 'yon." Sabi nito kaya inirapan ko siya. "Pwede ko pa palang agawin 'yon." he added kaya inirapan ko siya.



"Kung maaagaw mo, why not."







tbc...

EDITED

PaRes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon