TLH Book 2-22
Zy
“Anak bakit ang lalim ng iniisip mo?” Tanong sa’kin ni Mommy. Nandito kami ngayon sa balcony sa taas ng bahay. It has been three days since nakilala ko si Breezy. But still I haven’t introduced her to my parents yet. Gusto ko kasi kapag pinakilala ko sya, ay kasama na ang mommy nya, ang asawa kong si Bree na kasing tigas ng kinakain kong lollipop ang puso.
Sa tatlong araw na pabalik balik ako kina Gerald, pasimple ko rin syang sinusuyo. Pero walang epekto sa kanya, parang umiiwas pa nga kapag tungkol sa aming dalawa ang topic.
“Wala naman po mom, nasan si Mama? Di pa rin po ba dumarating?” Tanong ko. Tumabi naman sya sa inuupuan kong upuan na gawa sa bakal.
I saw she smiled while looking at me. “Mommy, bakit na naman po?”
Nakangiti lang itong umiling. “Kilala na kita Zy, hindi ka titigil sa pag yoyosi at sa pag lollipop kung walang bago sa’yo. Come on, tell me what is it?”
Alright, ganyan talaga si mommy. Nanay ko nga sya, alam nya kapag may bumabagabag sa kalooban ko.
“Mom, paano kapag gusto ko ng mag asawa?” Tanong ko.
Napataas ang kilay nya at parang nangingiti. “Mag asawa? Eh di ba….” She paused. “Anak ayos lang naman samin na mag asawa ka na. Walang problema yon, pero ang problema ay ang aasawahin mo, dapat ay yung talagang mahal mo.”
Ang totoo, kasal kami ni Bree. Pero ako lang naman ang nakakaalam non. Hindi ko sinabi yon sa family ko. Si Bree naman ang alam nya, fake lang yung kasal namin, pero totoo yon. Ang talagang gusto kong sabihin kay mommy ay, gusto kong ituloy ang pagbili ng bahay na nakita ko malapit lang din dito sa’min. Gusto ko kasing kuhanin na ang mag ina ko sa poder ni Gerald.
“Kasi mommy, paano kapag nag asawa ako. Kakailanganin ko nang bumukod ng bahay para sa sarili kong…”
“Anak…” Putol nito sa sasabihin ko. “Bakit naman kaylangan mong bumukod eh ang laki laki ng bahay natin. Nag iisa ka lang na magmamana nito. Plus, ano naman ang gagawin namin ng mama mo pag umalis ka? Mas lalo lang kaming maiinip.” Sabi sakin ni mommy.
“Mom, syempre kung magkakaganon man, dapat may sarili akong bahay para sa bubuuin kong pamilya di ba?” Sabi ko pa.
Magsasalita na sana si mommy nang biglang tumikhim si mama na nasa likod na pala namin.
“Mukhang seryoso ang usapan ng mag ina ko ah.” Nakangiting sabi nya saka pumunta kay mommy at humalik. Ako naman ay lumapit din at humalik sa kanya.
“Mas maganda, ituloy natin ang usapan habang kumakain. Tara na.” Tumayo na si mommy at halatang malungkot ito. Hindi yata nya nagustuhan ang napag usapan namin kanina.
Tinignan naman ako ni mama ng makahulugan saka umakbay sa asawa at naglakad papunta sa dining area.
Pag upo palang namin habang kumakain ay namamayani ang katahimikan.
“So, ano yung pinag uusapan nyo kanina?” Basag ni mama sa katahimikan.
Nag angat ng tingin si mommy mula sa kanyang plato na hindi halos magalaw ang pagkain. Tumingin ito sakin at kay mama. “Ang anak mo, gusto na daw bumukod ng bahay. Iiwan na nya tayo…”
“Mommy, hindi naman po sa ganon.” Depensa ko naman. Ngumiti lang sakin si mommy pero halata pa rin ang lungkot sa mukha.
“Bakit mo naman naisip bumukod Zianne? Ang laki ng bahay para sa ating tatlo.” Si Mama na nakatingin ng seryoso sakin.
“Ma, kasi tinanong ko po si momny kanina kung paano kapag nag asawa na ako at kaylangan ko nang bumukod ng bahay.” Panimula ko. Nagkatinginan naman ang mag asawa at muling tumingin sa’kin.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)
Romanzi rosa / ChickLitCompleted WARNING!!! WARNING!!! Read at your own risk!!! Like I've said, this story had been deleted before so I lost everything and would start from 0. Finally nahanap ko ang back up, nasa lappy pala sya. Please support the story of Zianne and Bre...