51

11K 390 8
                                    

TLH Book 2-23

Zy

Tuluyan nang kinuha ni mama si Breezy na agad namang sumama dito. Nakatingin lang ang bata sa mukha ni mama na parang kinikilala ito katulad sa una naming pag kikita. Ang cute kasi ng anak ko talaga. Hindi na ako mag tataka kung bakit kahit nakangiti ang dalawang mommies ko ngayon at patuloy naman ang kanilang pag luha sa sobrang tuwa sa bata.

Hindi malaman kung paano ang gagawin, pareho silang gustong bumuhat at yumakap sa kanya. Patuloy ang pag halik at pagususubok patawanin ang anak ko na paminsan ay bumabaling ng tingin sakin. Patuloy din sya sa pag subo ng kanyang maliliit na daliri habang ang isang kamay ay nakakapit sa leeg ni mama.

“May apo na tayo.” Masayang sabi ni mama at nakatingin kay mommy.

Tumango naman si mommy. “Na sobrang cute. Kamukang kamukha sya ni Zianne nung baby pa sya.” Sabi ni mommy na mas lalo nyang ikinaiyak. Saka sya bumaling sakin. “Anak ikaw na ikaw ang itsura nya. Lalo na yung mata nyo, magkamukha.” Sya sya humalik sa pisngi ni Breezy. “Parang kelan lang…buhat buhat ka namin ng katulad nito. Tapos ngayon, may anak ka na rin.” Iyak ng iyak si mommy habang sinasabi ito.

Pati tuloy ako ay nag tubig ang mata sa aking nakikita at nariirinig. Nilapitan ko si mommy ay niyakap ito. Agad naman syang gumanti ng yakap sakin. Nasasaktan ako kasi nagkatampuhan kami nung mga nakaraang araw. Alam ko naman na masakit sa kanila na bumukod ako dahil ako ang nag iisa nilang anak. Siguradong malulungkot sila kapag nangyari yon.

“I love you mom…” Bigla kong nasambit habang mahigpit itong niyayakap.

“I love you too anak.”Nag pahid ito ng luha pagkatapos humiwalay ng yakap. “Ano ang nangyari? Bakit…ngayon mo lang pinakilala ang apo namin?”

Napayuko ako at napailing. “Sorry mommy, hindi ko rin po kasi alam. Nabuntis pala si Bree nung time na nawala sya. Ngayon, nandito na sya sa Pinas at ngayon ko lang din nalaman na may anak kami.” Paliwanag ko dito.

Pansin ko na gumuhit ang lungkot sa mukha ni mama na nakikinig pala habang nilalaro ang anak ko.

“Di bale love, sisiguraduhin kong araw araw nating maaalagaan ang apo natin. Right baby?” Sabi nya na nakatingin kay baby. Tapos bumaling sya sakin. “Ano na nga ulit ang pangalan nya?” Tanong nito.

“Summer Breeze. Pero mas gusto ko na rin syang tawaging Breezy. Named after me and her mom.” Sagot ko.

Ngumiti sakin si mama at muling tumingin sa baby na hawak nya. “So Breezy it is. Bagay sayo, dahil tuturuan kita ng mga galawang breezy.” Saka sya tumawa habang hinahalik halikan ang kamay ng bata.

Napa face palm nalang ako at napailing. Yari na ko sa asawa ko neto, mukhang mahihirapan akong iuwi sya mamaya dahil ngayon palang ay binubuo na ng mga lola nya ang kinabukasan ng anak ko. Halatang sabik na sabik na nga ang mga ito sa apo.

“Kianne, bata pa yan ha. Baka naman talagang turuan mo nga ng mga kalokohan mo yan naku, di ko yan ipapahawak sayo.” Paghahamon ng kanyang asawa.

“Relax lang love. Ofcourse tuturuan ko sya ng magandang asal at palalakihin para maging mabait at matalinong bata. Right baby?” Sagot naman ni mama.

Sinong hindi maaaliw sa anak ko? Sa ganitong edad ay halatang bibo at matalino. Ang daldal nga eh. Sinusubukan nyang makipag usap sa kanila kaya tuwang tuwa ang dalawa sa kanya.

“Zy dapat ay sinabi mo nang mas maaga. Naipaayos sana namin ang magiging kwarto ni baby at nabilhan ng mga gamit at laruan.” Biglang sabi ni mommy.

Naku patay na, paano ko ba sasabihin na pinahiram lang si Breezy ng mommy nya at kaylangan ko rin itong iuwi mamayang hapon, kundi baka hindi na ako payagan ng mommy nyang hiramin ko sya.

Napakamot ako ng batok. “Mommy kasi…”

“Love ako naman pabuhat naman kay baby, kanina ka pa dyan eh.” Biglang sabi ni mommy kay mama at tuwang tuwa talaga sila sa baby.

“Sige,  tatawagan ko rin si Ryne at Ash, sasabihin kong pumunta sila dito dahil may ipapakilala akong chick.” Nagbibirong sabi ni mama na pinasa kay mommy si baby.

At kahit yakap na ni mommy si Breezy ay nagawa pa rin nya itong batukan. Montik na tuloy mahulog ang cellphone na hawak na ngayon ni mama..

“Kakasabi mo palang, puro kalokohan talaga laman ng utak mo.” Napalatak pa si mama pero nakangiti pa rin na bumaling kay Breezy. “You want toys baby? How about I dress you like a Disney princess?” Sabi ni mommy sa bata.

Si mama naman ay abala sa pag tawag sa phone. Mukang pinapapunta na nga nya ngayon ay pinsan nyang si tita Ryne at asawa nitong si tita Ash. For sure magyayabang lang sya sa pinsan na sya ang nagkaroon ng unang apo.

“Pupunta daw sila Ryne at Ash dito pero di pa nila alam ang tungkol kay baby Breezy ko. Papupuntahin ko na rin sina Louise at Shayne para kumpleto ang squad. Dapat lang malaman nila na ako ang nagkaroon ng unang apo sa aming lahat.” Mayabang na sabi ni mama saka tumawa.

See? Ipagmamayabang nga nya si baby Breezy sa kanila. Typical Kianne Dela Vega talaga. Napailing nalang ako at napangiti. Nakakatuwa na ang saya saya ng parents ko ngayon. Iba ang ngiti nila, nawala ang tamlay nila sa katawan. Parang nagkaroon sila ng bagong laruan sa katauhan ni Breezy.

Agad nagpahanda sila ng pagkain para sa squad sila mama sa mga kasambahay. Dinala rin nila si Breezy sa likod kung saan may garden si mommy at mayroong swimming pool. Halos hindi ko na nga mahawakan ang anak ko sa sobrang abala nila. Sila na rin ang nagpa dede sa bote nung magutom ito at pinalitan ng diaper.

Halos alas dose na ng tanghali ng biglang dumating si tita Ash at tita Ryne. Ako ang nakasalubong nila dahil kumuha ako ng juice para kina mama na hanggang ngayon ay nakatambay sa gazebo sa likod ng bahay.

“Zy.” Tawag sakin ni tita Ryne.

“Hi tita.” Nilapitan ko sila pareho at hinalikan sa pisngi.

“Bakit pinapunta kami dito ng mama mo? May ipapakilala daw syang chick.” Takang tanong ni tita Ryne.

So talagang yun ang ginawang dahilan ni mama? Natawa nalang ako. “Tita, nandun po sila sa Gazebo. Tara, papunta rin ako don.”

Naglakad kami papunta doon at ilang metro palang ay natigilan sila pareho nang makita ang baby na hawak ni mama ngayon habang si mommy naman ay nilalaro si Breezy.

“Zy, kaninong baby yan?” Tanong ni tita Ash habang naglalakad kame patungo sa kinaroroonan nilang tatlo.

“Ah, sya po yung chick na tinutukoy ni mama.” Ang naisagot ko nalang saka napangisi.

Agad naman napatingin ng sabay ang mag asawa at pagkuway tuluyan na kaming nakalapit sa tatlong mahahalagang tao sa buhay ko.

“Oh pinsan, nandito na pala kayo.” Bati ni mama sa bagong dating na bisita. Pero ang paningin ng mga ito ay nasa baby na hawak nya.

“My goodness, anak mo sya Zianne?” Tanong ni tita Ash na kitang kita ang tuwa sa mata.

Tumango ako ng nakangiti. “Opo tita.”

With that, biglang ipinatong ni tita Ryne ang kamay nya sa balikat ko. Paglingon ko sa kanya, nakangiti ito sakin ng matamis. “She’s pretty Zianne. Good job.” Saka nya ako tinapik tapik at sumugod na rin sa kumpulan nila habang nasa gitna si baby Breezy.

Tila naman nagugulat ang anak ko sa dami ng tao sa paligid nya na hindi naman nya kilala. Nakita kong seryoso ang kanyang cute na mukha at napapatingin sakin. Ilang saglit pa ay nag shape na naman ng upside down ‘U’ ang kanyang bibig sensyales na malapit na syang umiyak.

True enough, ngumawa na nga sya. Nastress siguro sa mga tao sa paligid nya which is normal naman sa isang baby na tulad nya.

“No baby, don’t cry.”

“Breezy, mga lola mo kami. Wag na iiyak ha?”

“Baby love na love namin ang baby na yan, tatahan na yan.”

Ang sabi ng mga lolang nakapaligid  kanya.

Pero walang epek, patuloy pa rin sa pag ngawa ang bata at nakatingin ito sakin na nakalahad ang mga kamay. Nakakatuwa kasi kilala na nya ako at larang nanghihingi ng saklolo sakin.

Agad ko itong nilapitan. “Hey baby, mama is still here.” Kinuha ko sya kay mama at agad naman itong sumama. Hinele hele ko ito at natutuwa lang na pinanood kami ng mga lolas nya. “Ssshhh baby don’t cry. They are your lolas, and they love you too.” Sabi ko pa at tumigil naman ito sa pag iyak pero patuloy pa rin sa pag hikbi.

Ang maliit nitong braso ay nakakapit sa leeg ko habang nakatingin pa rin sya sa mga lola nyang nakatingin din sa kanya.

“This is your lola Kianne, mama ko sya. And this is your lola Sabryna, mommy ko naman sya.” Pakilala ko sa dalawa. Tinignan lang sila ng anak ko na parang muling kinikilala. “And this is your lola Ash and Lola Ryne. Soon, you will meet your cousins too, sina Phoenix, Aeriel, and Oceane. Pero nasa tummy pa sila ni tita Princess mo.” Paliwanag ko dito na para bang naiintindihan ako nito.

“Ang galing, kilala ka na nya anak.” Manghang sabi ni mommy sa nasaksihan na pagpapatahan ko sa anak.

“Ganyan talaga, alam ng mga baby kung sino ang parents nila.” Nakangiting sabi ni tita Ash.

“Gusto ko na ring magka apo baby.” Si tita Ryne na biglang umakbay sa asawa nya.

Natawa naman si mama sa narinig na sabi ng pinsan. “Paano ba yan? Ako ang unang nagkaapo satin Ryne?” May manunuksong sabi ni mama na nakangisi pa.

Natawa naman si tita Ryne sa banat ni mama. Parang alam ko na ang susunod nyang sasabihin…

“Di bale kahit nauna ka, tatlo naman yung akin eh.” Saka tumawa ang pinsan nya.

See? Para silang mga bata kung minsan. Hanggang ngayon, wala pa ring gustong magpatalo sa kanila kahit sa maliit na bagay lang. But don’t get me wrong, lambingan lang nilang mag pinsan yan. Mahal na mahal nila ang isat isa at magkasundo naman talaga sila.

Ilang saglit pa ay dumating na rin sina tita Louise at Shayne na halos same reaction ng makita ang anak ko. Pero hindi ko na masyadong pinahawak sa kanila si Breezy dahil naku-culture shock pa ito sa dami ng taong nasa paligid. Halos ayaw na nga nyang humiwalay sa akin at nakakapit sa leeg ko ang kanyang maliliit na braso.

Masaya rin kaming kumain ng tanghalian. Si mommy na ang humawak kay Breezy habang sinusubuan sya ni mama para makasabay sa pagkain. Pwede na rin namang kumain ng soft foods si baby like gerber and cerelac pero hindi ko muna binigyan dahil baka mapagalitan ako ni Bree pag sumakit ang tyan ng bata.

Nakatulog rin si Breezy pagkatapos ng tanghalian. Binantayan ko ito sa kwarto at natulog na rin. Pero paggising namin bandang alas tres ng hapon, umuwi na daw ang mga bisita sabi ng katulong.

Pero ang ipinagtataka ko ay ang mga paper bags at kahon na hinahakot ng mga ito papunta sa isang room na katabi ng kwarto ko.

“Ah Sabel.” Tawag ko sa isang kasambahay. Hawak ko pa rin si Breezy na wala pa sa mood kaya nakahilig pa ang ulo sa leeg ko na parang inaantok pa rin.

“Ano po yun mam?” Napatigil naman ito sa paglalakad.

“Para saan ang mga yan?” Tukoy ko sa dala nilang paper bags.

“Ah, pinabili po nila mam Kianne at mam Sabryna. Mga gamit po ng bata.” Sagot nito na ikinalaki ng mata ko.

“Gamit? Bakit ang dami. At teka…” Then it hits me. Agad kong pinuntahan ang kwarto na tinutungo nila. Nakita ko si mama at mommy na abala sa pag aayos ng…crib. Paglalagay ng laruan at pag sasalansan ng mga bagong damit ni baby. Pati na ang room nito ay puno na ngayon ng gamit pang bata. Omaygash. Wala na nga silang balak ibalik si baby.

“Mommy? Ma? Ano po to?” Tukoy ko habang nililinga ang kabuuan ng kwarto.

“Why? Di mo ba nagustuhan? Para ito kay baby.” Masayang sagot ni mommy.

Napalunok ako. Patay na talaga.

“Kulang pa nga eh, bukas mamimili ulit kami. Dapat lang ay kumpleto at mamahalin ang mga gamit ng apo ko.” Nakangiti ring sagot ni mama.

Napailing ako agad para patigilin sila bago pa mahuli ang lahat.

“Mommy, mama teka po.” Napatingin naman ang dalawa sakin at napahinto sa kanilang ginagawa.

“Ano yon anak?” Si mommy.

“Mommy…” Panimula ko at bigla akong naging malungkot. Paano ko ba sasabihin ang totoo? “Kasi po, hindi nyo yan kaylangang gawin. Hindi po kasi dito mag stay si Breezy. Katunayan ay iuuwi ko na sya maya maya sa mommy nya.” Malungkot na sabi ko.

Bigla silang nagkatinginan ay bumaling ng tingin sakin.

“Anong problema anak? Apo namin si baby, anak mo sya. Dapat lang na dito sya nakatira hindi ba?” Malungkot na sabi ni mommy.

“Mommy, mama, alam nyo naman yung naging problema namin ni Bree di ba? Hindi pa rin kasi kami okay.” Sagot ko sa kanila.

Muli silang nagkatinginan na dalawa. “Paano kung…ayoko nang ibalik mo si Breezy sa mommy nya. Dito na ang apo ko.” Sabi ni mama.

“Po? Mama naman, alam nyong mapapatay ako nun pag di ko sya naibalik ngayon.” Gulat na sabi ko hoping na nagbibiro lang si mama.

Pero tumawa lang sya ng may pagkasarkstiko. “Eh kung gusto nya, dito na rin sya tumira.” Sabi pa nya.

“Ma, please. Wag naman, hindi pa nga kami okay eh.” Protesta ko dito.

“Zy, ang hina mo naman. Parang hindi ka Dela Vega ah? Akala ko nagmana ka sakin. Tsk, trust me. Puntahan mo yang asawa mo at sabihin mong di mo na babalik ang anak nyo.” Sabi ni mama.

“Ma? Teka nga…alam mong asawa ko si Bree..”

“Oh yes anak, matagal na. Kaya sige na, akin na muna si baby.” Saka nya kinuha ang anak ko mula sakin. “Puntahan mo na sya. Sabihin mo di na makakauwi ang baby nyo.” Saka pa ito kumindat sakin. Si mommy naman ay nag kibit balikat lang kahit inexpect kong kokontrahin nya ang asawa.

Napanganga nalang ako. My gosh! I’m so dead!

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon