57

12.6K 365 25
                                    

TLH Book 2-29

Zy

“Isang whiskey pa boss!” Ang order ni Gabrielle sa bartender sa aming harap. Napag katuwaan lang namin na mag inuman na kaming dalawa lang ngayong gabi. Actually, alas singko palang ng hapon pero heto, pinapakyaw na namin ang alak dito sa bar.

“Alam mo, masarap din palang uminom sa hapon no.” Hawak nito ang isang baso ng alak na may halong yelo. Saka nya ito itinaas. “Oh, cheers!” Nakipag cheers naman ako sa kanya at sabay kaming lumagok ng alak.

“Ano ba naman Zianne, minsan lang tayo makatakas sa mga asawa natin eh, ang tamlay tamlay mo pa. Alam mo naman na alas syete lang ang curfew nating dalawa, so samantalahin na natin to oh.” Angil nya. Kasi napapansin nya sigurong medyo matamlay ako. “May problema ba?”

Gusto ko sanang umiling dahil hindi ko ugali ang mag sabi sa iba ng problema ko. Uhm, except pala kay Xera pero mukhang busy na sya sa ngayon kaya heto, kami ni Gab ang nagbo-bonding ngayon.

“Hindi naman sa problema. Naaawa lang ako kay mommy, pati na rin kay mama.” Umpisa ko.

“Bakit naman?”

Umiling nalang ako. “Kasi napamahal na sila kay Breezy. Si Bree kasi gusto pang lumipat. Kung ako lang ang masusunod, dun nalang kami sa mansyon titira kasama sina mama.” Saka ako muling lumagok ng alak.

Napatitig sya sakin at pagkuway napangiti. “Nag iisa ka lang kasing anak, unlike kay Princess, dalawa sila. Kaya madali sa’min na bumukod.” She shrugged her shoulder.

“Malulungkot ang parents ko nyan, lalo na si mommy. Libangan na nya ang makipag laro kay Breezy. Si mama naman umuuwi ng maaga sa office para makalaro ang apo nya.” Kwento ko pa sa kanya.

“Zy, lambingin mo nalang. Kausapin mo ng maiigi para pumayag. Alam mo naman silang mga babae, pabago bago ng isip. Moody tapos sumpungin pa.” Nakangising sabi nya.

“Nilalambing ko sya palagi. Sadyang…”

“Sadyang ano?” Takang tanong nya.

“Wala.” Sagot ko nalang.

Pero kahit nakakalungkot, kahit gusto kong makasama sina mama at mommy hanggang sa pag tanda nila, wala akong magagawa kung kakailanganin talaga namin na bumukod ng pamilya ko. Besides, they are my family now. I’m gonna make sure na makakadalaw pa rin kami kina mama at mommy palagi pag nangyari na yon.

Isang hapon pag uwi ko ng bahay, ang sakit ng batok at likod ko sa sobrang daming trabaho na ginawa sa office. Pero nung makita ko ang isang cute na batang naka sakay sa walker at patakbong lumapit sakin na ngiting ngiti ay biglang nawala ang pagod ko.

“Hi baby. Hows my little kiddo?” Masayang tanong ko dito at umupo ako sa sahig para pumantay sa kanya. May dungis sya sa mukha at halatang kakakain lang ng cerelac nya. Pero hindi nabawasan ang pagiging cute nya.

Itinaas nya ang kanyang kamay at masayang nagsasalita ng kung ano ano. Tila ba kinukwento nya ang nangyari sa kanya maghapon.

“Really? You miss me? Oh, I missed you too” I told her. Ganito talaga ako, iniimagine ko kung ano ang gusto nyang sabihin sakin.

“Where is your mommy?” Tanong ko sa bata dahil isang kasambahay lang ang nakikita kong nakamasid sa kanya ngayon.

“Anak, tulog si Bree. Nagiging antukin sya, pansin ko.” Si mommy ang sumagot sa tanong ko sa bata. May dala syang putting towel na medyo wet and warm, at pinunasan nito ang madungis na mukha ng anak ko.

“Ganon po ba. Ah, puntahan ko po muna.” Paalam ko kay mommy.

“Sure, ako na bahala kay baby Breezy.” Saka nya kinuha si Breezy sa walker nya. “Guluhin natin si lola Kianne nandun sa library ha.” Narinig kong sabi pa nya habang naglalakad sila patungo sa lungga ni mama. Natawa nalang ako at tumungo sa kwarto kung saan naabutan kong natutulog nga si Bree. Pag tingin ko sa orasan, 5:30 ng hapon.

The Lost Heiress (Gxg) (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon