Chapter 42

474 8 3
                                    

Chapter 42

Tahimik lang ako sa loob ng kotse. Oliver was raging in anger a while ago but I managed to calm him down. Maging ako ay nanginginig sa galit kay Alec kanina. Just who does he think he is to tell us that we have no right to be happy? I will never wish anyone that kahit pa gaano ako kagalit sa isang tao.

Ngunit naiintindihan ko rin kung saan siya nanggagaling. Maybe he truly loved my cousin that even if it has been more than a decade since her death, he could never forget. No one really did. Hindi ko lang alam kina Uncle, Papa, at Auntie pero sa aming magpipinsan, pati kina Mommy at Daddy, at maging ang mga kaibigan ni Ate Sam ay hindi nakalimot.

Galit siya hanggang ngayon at kahit ako at ang mga pinsan ko rin naman ay galit pa rin at hindi matanggap ang nangyari. But he's directing his anger at people who feel the same way as him. Maling tao ang kinagagalitan niya. At hindi ko rin gusto na nagmamalinis siya sa nangyari gayong alam dapat niya na mayroon din siyang kasalanan. Or maybe he knows his mistake and that hurt more because he also accounted for my cousin's life.

"This isn't the way to my house, Oliver", sita ko dahil nakita kong nag-iba siya ng daan.

"Tatagpuin daw po kayo ni Engineer. Hindi niya raw po kayo ma-contact", saad ni Oliver kaya agad kong kinapa ang phone ko sa bulsa ng slacks. I checked my phone and the battery's dead already. I managed to plug it in my powerbank but I couldn't turn it on right away dahil na-drain ang battery.

Kumunot ang noo ko. "Since when did he start contacting you?"

He cleared his throat before he answered. "Noong bumalik na po ulit ako sa pagiging bodyguard mo, Ma'am."

Ma'am. I wonder what kind of relationship or friendship he had with my cousin before. He calls him Samantha. Sa akin ay masyadong formal si Oliver. But I have to admit he's not as stiff as my other bodyguards.

"Naging magkaibigan ba kayo ni Ate Sam?"

"Opo. Ang Papa ko po ang taekwondo instructor ni Samantha simula pagkabata. Magkasama po kaming nagte-train. Noong naging black belter na ako, tinutulungan ko na rin po si Papa sa pagi-instruct."

"Did you finish college? If I am not mistaken... you're only two years older than her."

"I just turned 20 when it happened. I was working part-time for your grandfather because I needed funds for school. Pagkatapos noong nangyari ay nag-drop ako sa kolehiyo at pumasok ng PMA. I was turning 20 when I entered the academy and 24 when I graduated."

Tumango tango ako. He was around 25 when he became my bodyguard. Kung ganon ay halos kalalabas lang pala niya sa PMA noong pumasok sa amin. Hindi ko na tinanong pa kung bakit hindi niya naisipang magtrabaho sa gobyerno dahil ang sabi niya sa akin kanina ay gusto niyang ialay ang serbisyo niya sa amin. Maybe he still feels guilty for what happened but it wasn't his fault. Mabuti ang intensyon niya at nagkataong sa maling tao lang siya humingi ng tulong. Kahit naman ako, noong bata ako ay akala ko'y malilinis sina Uncle at Papa pero tsaka ko na lang din natanto na mali pala ako.

"Thank you for serving my family, Oliver", I said. "I'm sure my cousin's also grateful to you."

Tinabi niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan at natanaw kong mayroong SUV na kakahinto lang doon. It's Rafael's car.

"Ma'am...", tawag ni Oliver sa akin noong lumabas ako sa kotse. "Lambingin niyo po. Gigil na gigil po si Engineer kay Rivas noong nagte-text po sa akin."

I bit my lower lip and slowly nodded. Hindi naman na bago sa akin ang mapahiya kay Oliver. Kung mayroon mang nakakakita lagi ng pagkapahiya ko kay Rafael dati ay siya iyon dahil siya naman ang laging kasama ko sa paghihintay sa Trazo Real noong nagbabalak akong umamin dati kay Rafa.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon