Chapter 86

547 40 122
                                    

Imelda POV

Galing ako sa isang meeting at bago lamang ako nakauwi

Pag-uwi ay hinanap ko si Ferdinand nang tinanong ko sa mga gwardiya

"Andiyan ba si Ferdinand?" tanong ko

"Wala pa po ma'am eh pero baka maya maya ay uuwi na iyon" sagot naman nito

Tumungo na lamang ako sa kwarto at nag-ayos ng gamit. Napagtanto kong doon nalang ako matutulog sa aming mansion na bago lamang natapos na dito parin sa Maynila

Lahat ng mga nangyayari ay nag-uwi sa amin ni Ferdinand na hindi magsama sa isang silid

Kinuha ko ang iba kong mga damit habang ang iba ay iniwan ko parin dito sa palasyo. Lumuhod ako at tiningnan kung may mga gamit din ba ako sa ilalim ng kama

Maraming mga kahon

Inisa-isa ko ito at pagbukas ko ay nakita ko ulit ang box na ipinadala sa akin araw nung nakunan ako

Itong kahon na puno ng litrato ni Ferdinand na kasama si Y/N. Ulit ako nakadama ng sakit sa puso na parang nahulugan ng langit

Naalala ko nanaman ang mga panahong akala ko ay masaya at okay kami ni Ferdinand pero bumabalik na pala siya kay Y/N. Nagkaanak narin pala sila

Pinasok ko ulit ang mga picture sa loob at baka iiyak nanaman ako nang wala sa oras

Isang kahon nanaman ang inabot ko at pagbukas ay isang tambak nanaman na mga litrato

Wedding pictures namin ni Ferdinand at mga litrato bago kami ikasal sa simbahan

Hindi ko mapigilang mapaluha pero dali ko itong binura nang may pumasok sa kwarto

"Ma'am, andito na po ang presidente" pagpapaalam sa akin

Dali akong tumayo at pinadala na sa gwardiya lahat ng bag at maleta ko papuntang sasakyan

Sinundan ko na din ito palabas ng kwarto


Ferdinand POV

Pag-alis ni Y/N ay umalis na din ako

Pagpasok ko sa sasakyan habang naghihintay ang driver ay pinaabot ko na sa kaniya ang salamin ko

Mukhang mamamaga ang mga mata ko nito

"Uwi na tayo sa palasyo" pasabi ko at bumiyahe na kami pauwi

Ngayong medyo na traffic at napatagal ang biyahe pauwi ay ako'y biglang napaisip ulit

Pupuntahan ko kaya siya sa airport? Sundan ko sa amerika?

Pero ulit akong bumalik sa realidad na baka nababaliw na ako at kailangan nang gumising sa katotohanang hindi ako ang pinili. Mas pinili niyang ayusin ang kung ano ang meron sa kanila ni Greg kasama si Andy at ang magiging kambal sana naming ni Y/N

Uuwi ako ngayon sa Malacanang na walang natira sa akin

Iniwan na ako ni Imelda at Y/N

Wala nang natira

Ito pala siguro ang kapalaran ko. Kagagawan ko rin naman to

Napaka gago kong hindi na ako naghintay kay Y/N na bumalik galing Amerika matapos niya akong tanggihan sa pag-alok ko sa kaniyang magpakasal

Pero mas lalong napaka gago kong iniwan ko si Imelda sa gitna na ng aming buhay na nagbunga sa aming tatlong mga anak para lang balikan si Y/N

"Sir, andito na po tayo" sulpot na pagkasabi ng driver

Hindi ko namalayang andito na pala kami

Bumaba ako at napansin kong may isa pang nakaparadang sasakyan sa harapan

"Si Imelda?" tanong ko sa isa sa mga gwardiya

"Nasa loob po kakarating lang din" sagot nito sa akin

Tumungo naman ako sa loob at dumiretso nalang sa study room total ayaw pa din naman akong kausapin ni Imelda

Habang kausap si Enrile sa loob ng aking study room ay nakalimutan kong isang paperwork ko pala ay nasa kwarto kaya naman ay tumungo na rin ako doon

Pagpasok ko ay hinahanap ko kung saan-saan at muntik ko nang makalimutang sa ilalim pala ng kama ko ito nilagay sa isang kahon

Lumuhod ako para kunin nang napansin kong may nakalabas na at nabukas nang kahon

Tiningnan ko kung andito pa sa loob ang papeles na hinahanap ko pero pagtingin at paghalungkat ko ay puro mga litrato namin ni Imelda at ng mga bata

Bigla akong nakadama ng sakit sa dibdib

Maitatama ko pa kaya ang mga maling ginawa ko? Sa mga pagtataksil ko kay Imelda at sa mga bata?

Ngayon pa ako magbabago nang iniwan na ako ni Y/N at binigyan ng divorce paper ni Imelda? Ang gago ko talaga

Ilang oras din akong nakaluhod at tutok na tutok sa mga larawang nakaipit sa aking mga kamay

Nang tumunog ang telepono

Tumayo ako at sinagot kung sino man ang tumatawag sa aming telepono

Paglagay ko nito sa aking tenga ay hindi ako bumati kundi hinintay ko munang una itong magsalita

"Hello, good day! This is Ariston. To whom am I speaking to?" bati nito sa akin

Bakit parang pamilyar ang pangalan nito?

Isa lang din naman ang kilala kong Ariston

Si Ariston Nakpil. Ang first love ni Imelda. Hindi lamang sila nagkatuluyan dahil hindi pa annulled si Nakpil sa kaniyang unang naging asawa

Pero imposible. Ba't ba to tumatawag dito?

Ilang segundo din ata akong nag-iisip at hindi ko na naisagot ang tanong nung nasang kabilang linya dahil panay ito "Hello?"

"Anyway, please tell Imelda I will be waiting here in Las Casita Mercedes and Manila Hotel" dagdag nito bago babaan ako ng telepono

May kakita si Imelda ibang lalake?

Biglang kumulo ang aking dugo sa selos

Dali akong lumabas at hinanap si Imelda pero hindi ko ito mahanap

"Ano pong hinahanap ninyo, Mr President?" tanong nung isang kasambahay dito sa palasyo

"Si Imelda"

"Sir, bago lang po umalis. Pinabuhat nga po sa amin ang mga maleta at ibang gamit niya patungong sasakyan" paliwanag nito

Putangina? Alam kong wala na akong karapatang magalit pero ang paghihinala kong magkikita sila ni Nakpil sa isang hotel ay labis na ikinagagalit ko ngayon

Ipinatawag ko ulit ang aking driver at pupuntahan namin ang hotel na binanggit kanina ni Nakpil sa telepono

-

Andito ako ngayon sa labas ng hotel habang nagmamasid masid kung saan si Imelda

Nasa loob lamang ako ng sasakyan nang nakita kong nasal abas na si Nakpil at tila may hinihintay

Mukhang asawa ko nga ang hinihintay nito

Tutok ako dito nang napansin ko din may nakapara sa mismong harapan ng hotel na sasakyan at ilang saglit ay lumabas na nga si Imelda

Nagyakapan sila at nag-usap saglit bago tuluyan nang pumasok sa loob ng hotel

Imelda, ano bang ginagawa mo?


-- 

A/N: hi, sorry sa late update :> pero ito na nga!! hahahaahah what do u think?

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon