Napahawak ako sa Aking sentido. Sobrang daming programs Ang mangyayari next month, kailangan mag role play,folkdance,at kahit sa mga competition sa Math Festival namin. Sa susunod na Araw Rin ay magsisimula akong magtrabaho sa kanila Madre Josefa,Malaki daw Ang ibibigay na Pera kapag maglabandera doon,marami kasi Ang mga labahin na mga bed sheets, punda ng unan sa orphanage,Hindi Naman pwede na mga bata Ang gagawa,kawawa Naman mabibigat pa Naman Ang mga ito.,tuwing hapon ko ito gagawin simula bukas. Walang susundo kay Dehlila. Naging busy narin kasi si Diesel dahil exam nila sa Ngayon.
"Ayos ka lang?"Bumuntong hininga ako sa tanong ni pat.
"Ayos naman."Sabi ko at ngumiti. Kakayanin ko ito bukas,bibilisan ko lang.
"Debbie,Ikaw ba yan?"napatigil ako sa paglalakad sa Sinabi ni Tita Felice,Kapatid ni papa.
"Opo ate,bakit po?"
"Kita mo yang magandang Bahay Jan?sobrang daming libro at Saka mahilig sa pagpinta Ang nagmamay Ari Niyan."
"Oh tapos ate?may makukuha ba akong Pera kapag titingnan at malalaman ko Ang tungkol sa Bahay na iyan?"inis na Saad ko.
"Manners Deb"rinig kung wika ni pat. Hindi ko ito Pinansin.
"Ikaw talaga na bata ka, Pera na lamang Ang nasa isip. Alam Kong mahilig ka sa pagpinta,Ang Sabi ng may Ari king may gusto daw na magpunta,punta lang daw doon at Siya na bahala sa mga gamit na gagamitin."Seryoso akong Napatingin doon. Wala pa akong oras para sa Sariling gusto ko Ngayon, siguro pupunta ako kapag may free time na ako.
"Sige po ate,susubukan Kong pumunta."
Sa sumunod na Araw,maaga akong gumising ihahatid ko pa so Dehlila, pagkatapos ay titingnan ko pa si papa na ligtas at maayos na makakapunta sa Coffee Shop nila Ma'am Violet,kapag kasi andoon Siya Hindi na ito aalis at lilibangin Ang sarili sa mga magazines.
"Ano Ang bilin ni ate Kay Dehlila?"I asked her. Magkahawak Ang kamay namin habang naglalakad.
"Kapag Wala pa Ang napakagandang ate ko mamaya para sunduin ako, maghihintay ako sa labas at Hindi Muna aalis."I smiled
"Tama,at kapag mag nag away Kay Dehlila Anong gagawin?"
"Hihingi Muna ng sorry Bago saktan din."I chuckled.
Marami kasi Ang nag aaral sa kindergarten na mga mayayaman sa Probinsya namin. Yung mga mayayaman na gusto nila Probinsya lang sila dahil polluted na daw Ang siyudad. Minsan spoiled mga anak nila,kaya gusto Kong Hindi dapat mahina at magpapaapi lang si Dehlila.
Nagpaalam na ako sa kanya at umalis na din. Nakita Kong naghihintay si Patrick sa labas ng gate sa akin. Nginitian kaagad ako nito.
"Ikaw talaga sasali sa math contest?"he asked and I shrugged.
"Loko,Alam ko namang mahilig ako sa math at computations,Peru alam Kong mas gusto iyong ni Aki."
"Sure ka ba?bat naging competitive ka sa kanya tungkol doon."I smiled evily
"Dahil para masukat ko talaga kung gusto Niya Ang scholarship at baka magmakaawa Siya sa akin na sa kanya ko na talaga ibigay."
"Sinungaling,gusto mo lang talaga makausap at makaibigan Siya ulit."Sinamaan ko siya tingin.
Nagsimula Ang klase namin, Nakinig lang ako ng maigi.Pagtingin ko agad sa orasan ko tumayo ako at pumunta kaagad sa orphanage dahil may trabaho ako doon. Pagkarating ko mga ngiti kaagad ng mga bata Ang sumalubong sa akin. Sinimulan ko Ang trabaho at nilabhan ng maigi Ang bedsheets. Isang libo kasi daw Ang ibibigay sa akin,sobrang laki na iyon na tulong.
Habang ginagawa Ang mga kailangan gawin, napatigil ako ng may biglang tumawag sa akin. Kinuha ko agad Ang Hindi Naman mamahalin na cellphone para lamang may contact ako sa mga kapatid ko.
"Hello?"
"Deb,Pinapapunta ka ng teacher ni Dehlila"rinig Kong Sabi ni pat.
"Bakit daw?"nakakunot na noo na tanong ko.
"Kasi may maliit lang Naman na away Ang nangyari."napabuntong hininga ako
"Sige punta na ako diyan."wika ko at iniwan Muna Ang mga Gawain at nagpaalam muna sa kanila Madre Josefa. Napahawak ako sa bewang at likod ko. Nananakit Ang mga ito dahil sa bigat ng nilabhan ko.
Pagdating ko doon,nakaupo na si pat katabi si Dehlila na nakayuko at umiiyak,dumudugo Ang ilong nito,sa kabila Naman ay isang babae habang nasa gilid Rin Ang anak nito,pinagitnaan sila ng adviser ng mga bata.
"Nag aaway po talaga Ang mga bata Minsan,Kara pwede Kaba humingi ng tawad Kay Dehlila?"Hindi Muna ako pumasok at pinakinggan sila. Iyong Ang narinig ko na Sabi ni Pat.
"Bat pa Ang anak ko Ang hihingi ng sorry?Siya Naman Ang nangialam sa doll ng anak ko."
"Sinaktan Niya Rin Naman po si Dehlila."rinig ko na Ang inis sa mga salita ni Patrick.
"No,Hindi hihingi ng sorry Ang anak ko. Laruan Niya iyon,kung tutuusin nga magnanakaw Ang batang iyan."Napakuyom ang kamay ko dahil sa Sinabi ng babae.
Magpoprotesta pa Sana si Pat ng pumasok ako. Napatingin Ang adviser nila sa akin, nginitian ko ito. Wala akong sa wisyo para makapag away at hanapin Ang karapatan ng kapatid ko.
"Humingi ka na ng sorry Dehlila."Napatingin si Pat sa Sinabi ko.
"Deb!"
"Ate, hinawakan ko lang Naman po saglit Ang doll niya eh."nginitian ko Siya.
"Mahirap ba humingi ng sorry Dehlila?"napayuko ito.
"Sorry po, sorry po talaga Hindi ko na uulitin."Niyakap Niya ako at umiyak.
"Sorry po ate."lumabas kami dalawa. Peru Pag labas namin Kita ko Ang pag iyak ng bata na Dala dala ng babae, I smiled evily.
Pinauwi ko si Dehlila. Nasa gilid ko si Pat at sinasamahan ako sa paglakad. Tumigil ako ng may Nakita akong basurahan itinapon ko doon Ang manika ng bata, kanina. Akala nila ayos lang da akin saktan nila Ang kapatid ko?. Hindi ako papayag kapag ganoon.
"You're such a smart ass"rinig kung Sabi ni pat. Natawa ako.
"Ang sarap nga tingnan ng bata kanina na umiiyak dahil nawala Ang manika Niya."napapailing nalang si pat sa akin. Ala sais na ng tumakbo ako pabalik sa kanila Madre Josefa tinapos ko Ang mga Gawain. Rinig ko na din Ang tiyan kung gutom. Alas nuebe ako natapos,binayaran Rin kaagad ako ni Ate Josefa. Pag uwi ko nakayuko lang ako sobrang pagod ako sa Araw na ito.
Nakita ko si Patricio na nakatayo hinihintay siguro ako. Naglakad ako papunta sa kanya at bigla nalang isinandal Ang ulo sa chest Niya. Ganoon lang ako sa kanya habang lumalalim Ang paghinga ko. Inilagay Niya Rin Ang kamay Niya sa balikat ko.
"Pagod ka?"he asked,I smiled
"Hmmm,sobrang pagod. Peru worth it Naman,Ang laki ng binigay sa akin."
Niyakap Niya ako ng mahigpit kaya napapangiti nalang ako.