Chapter fifty four

1.7K 32 9
                                    

Isang linggo na simula nang lumuwas kami ng manila, nasa iloilo kami ngayon, malapit sa bundok. Naghanap lang ako ng mauupahan dito pansamantala. Gusto ko lang makapag isip isip. Matapos ang pangyayaring yun nung araw nayun ay agad akong umuwi at nag impake at sinabi kayla nanay na gusto ko muna mag bakasyon at tatawag nalang ako mamaya para i-explain sa kanila ang lahat.

"Mommy! Look, we got one big watermelon!" Masayang ani ng anak ko na may kasamang mas matanda sa kaniya ng apat na taon, si Uno, anak ng isang mayaman dito sa baranggay namin. Sila din may ari ng bahay na tinutuluyan namin pansamantala.

"Sabi ni Kuya Uno dalhin daw namin ito sayo," dati nag tataka ako bakit two years old palang ang anak ko ay maalam na sa pananalita at matalino gayong hindi naman ako ganiyan. Ngayon ay tuwing naiisip ko ’yun ay napapangiti nalang ako. Nagpapasalamat at namana ng anak ko ang katalinohan niya sa ama. Sana ganon ang nasa sinapupunan ko.

Kinain namin ang dinala ni Uno na pakwan, matamis ito kaya naubos naming tatlo. Maganda talaga mamuhay sa ganitong lugar, napaka presko ng hangin. Hindi ko narin masyado naiisip ang mga nangayari dahil iniiwasan kong isipin iyun, ayukong mastress.

Turning three na si Darklyn ngyaon June ten, parang kailan lang ’no.

Kamusta na kaya ang mokong nayun? Namiss ko na siya, gusto ko siyang makita araw araw at alagaan kami ng magiging anak niya pero mukang malabo. Ni hindi man nga lang ako hinanap. Hayts. Wala na nga siguro kaming chance,

***

Kinabukasan ay pumunta kaming bayan kasama sila Lara, mas matanda lang ng ilang taon sa akin si Lara, anak niya si Uno at isa silang may malapad na farm dito sa Iloilo at ang asawa niya ay isang mayor ng Iloilo.

"Mas okay parin pala dito sa probinsya kaysa sa manila ’no." Ani ko.

"Oo nga, kaya nga dito ko mas pinili dahil mas magandang mamuhay sa probinsya." Aniya. Gusto ko rin tuloy sa probinsya magpatayo ng bahay.

Namasyal lang kami at enjoy na enjoy ni Uno at ni Darklyn ang lugar. Salamat kayla Mayor Alas at Lara dahil kahit papano ay hindi kami na bored ni Darklyn dito.

Alas tres na nang umuwi kami, malayo palang ay natataw ko na namaraming tao sa bahay.

"Anong meron sa inyo, Tine?" Tanong ni mayor,

"Hindi ko rin po alam. Wala rin naman po kaming bisita na inaasahan," ani ko.

Puros naka itim at mga pormado ang nandun, makikita mo palang sa malayo na kung gaano sila kadami. Mas hinigpitan ko pa ang hawak kay Darklyn.

Nang malapit na kami ay naririnig ko ang pamilyar na boses na sinisigawan ang mga pormadong lalaki. Hindi maaari....

"Sir," ani ng mga nakakita sa akin sa boss nila at tumabi para maka daan kami.

Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang taong hinihintay ko. Mas lalong humigpit ang hawak ko kay Darklyn ng mag tungo ang tingin nito sa kaniya.

Bakit siya nandito?!

"Dark..."

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now