Chapter 21.2

3.1K 87 16
                                    

CONTINUATION

"Mina? " Tawag ni Kavin sa akin. Pero hindi ko siya pinakinggan ne ayaw kong makausap siya o kung sino pa man. Masaya akong nakaligtas siya pero sana mag muna niya akong kausapin ngayon masyadong magulo ang isip ko. Pumikit ako at malaya na namang tumulo ang mga luha ko. Araw araw nalang ata akong iiyak, sa tuwing gigising ako tingin ko parin ay nasa bahay ako ng Triplets mapait akong natawa. Sasanayin ko na lang ata ang sarili ko na nasa bahay ako mismo at hindi sa bahay ng triplets

Isang linggo na ang nakakaraan ng pumunta sila rito pero naghihintay parin ako na baka sakali babalik sila. Pero sinong niloko ko tinaboy ko nga diba babalik pa ba yun.. baka nga galit na sila sakin. Napamulat ako ng naramdaman ang daliri ni Kavin sa pinge ko na marahang pinahid ang luha. Malungkot na ngumiti siya sakin

" Naalala mo yung sinabi mo sakin dati...pag pagod kana sa buhay pwede kang magpahinga pero hindi ka pwedeng sumuko....ganon din sa pag-ibig pag pagod kanang masaktan pwede mong pagpa-hingahin ang puso mo then laban ulit .. sumuko ka kung yung taong pinaglaban mo ay hindi naman deserving na ipaglaban, minsan isipin mo din yung sarili mo" pag paalala nito sa sinabi ko nung high school palang kami. Napangiti ako pero hindi umabot sa mata

" Pero nakita ko mismo sa mga mata ko na totoong minahal ka ng triplets nung lumuhod sila at nagmakaawa na bumalik ka sakanila. Pinaglaban nila ng pagmamahal nila sayo kahit parang ubos na ubos na sila. Pinaglaban ka nila Mina, why don't you do the same? " Parang nagkaroon ako ng kunting pag asa sa sinabi nito. Pero paano ang mama ko? Ang planong paghigante ng triplets sa amin? Kakalimutan nalang ba namin yun?

" Pinaglaban nila ako.. " mahinang bulong ko at agad na may sumilay na ngiti sa labi ko. Tama! Bakit hindi ko din gawin..hindi pa naman siguro huli diba?

Nagmamadaling umalis ako sa kama. Nagtataka pa ang tingin ni Kavin pero nang ngumiti ako sakanya. Nakuha niya agad ang ibig kung sabihin

" Ihahanda ko lang ang kotse " natarantang sabi nito. Ngumiti ako at nagmamadaling tumakbo sa bathroom upang maligo at upang paghandaan ang pagkikita ulit namin ng triplets

Nang natapos ay nagmamadaling akong bumaba pero agad din akong napahinto nang nakita si Dad na nag aalmusal. Makapaghintay naman siguro ang triplets kung kakain muna ako..nitong nakaraan wala akong matinong kain tapos nag cre-crave pa ako sa mangga. Nang dumaan ako sa likod ni Dad ay mabilis na napatakip ako sa ilong. Grabe ang baho niya.. naliligo ba to si Daddy?

" Dad ang baho mo! " reklamo ko sakanya. Nagulat pa ito ng nakita ako inaasahan ko na ganito ang expression niya, kasi naman sa loob ng isang linggo nagkukulong lang ako sa kwarto. Inaangat nito ang kwelyo niya at inaamoy pagkatapos nitong naamoy ang sarili ay sinamaan ako ng tingin na para bang may nasabi akong mali

" Kaliligo kulang Mina.... nitong nakaraang araw napapansin kong medyo tumataba ka. Alam kung hindi ka maniniwala sakin pero ganito din kasi yung mama mo nung pinag---" nahinto sa pagsabi si Dad ng tumayo ako. Nang na amoy ko yung pagkain parang umikot ata ang tiyan ko at mabilis na tumakbo sa kitchen para doon sumuka .

" Call the Doctor, Vlad!" Sigaw ni Dad kay Vladimir na kadadating lang ata at parang walang alam pero nagmamadali din namang tumawag ng Doctor

Lumuluha ang mga mata ko habang nagduduwal na walang tigil. Sumusuka pero wala namang lumalabas. Nahihilo na din ako .. naghintay muna ako ng ilang segundo nang bumuti ang pakiramdam bago maghilamos at naghugas ng kamay. May idea na pumasok sa isip ko pero umiling ako. Hindi naman siguro

" Buntis ka, f*ck Lolo na ako " mahinang sabi ni Dad pero may saya sa tono ng boses nito kanina lang nag alala pa siya sakin. Kahit hindi pa sigurado, siya ay parang siguradong sigurado na talaga.. naging Doctor kaya to si Dad ng hindi namin alam. Nang narinig yun ni Vladimir ay para siyang tangang ngumingiti, ewan ko naiinis ako sa mukha niya parang b*liw

Hinawakan ko ang tiyan ko at napangiti sa sobrang saya. Then masaya akong ibalita Ito sa triplets sigurado akong magiging masaya sila. Na iimagine ko palang ang expression nila sa masaya sa ibabalita ko parang gusto ko nalang na pumunta agad sa kanila. Nilagpasan ko si Dad at si Vladimir na nakatulala sa gilid. Bahala sila riyan

Excited nako! Halos hindi ma alis alis ang ngiti sa labi ko ng pumasok ako sa kotse. Si Kavin ang driver ko ngayon, dahil hindi ako sigurado na buntis ako huminto kami sa Mercury drug store upang bumili ng pregnancy test at doon na rin nag check hindi kona mahintay ang personal doctor namin dahil gusto ko nang malaman agad.

Halos tumalon ako sa sobrang saya ng nalaman na buntis talaga ako. Naiiyak ako sa saya naghahalo na ang ibat ibang emosyon sakin, ang nervous at ang excited. Nalaman na rin ni Kavin, masaya siya para sakin pero nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya kanina ipinagbahala ko nalang iyon

Habang pupunta kami sa bahay ng triplets hindi matangal tanggal ang ngiti sa labi ko. Para na nga akong baliw, excited ako sa magiging expression nila siguro magugulat? Sa sobrang excited ko narereklamo na akong ang tagal naming makadating

" Hi po! Good morning. Si Samantha to " bati ko sa security guard dito sa gate at nagpakilala narin ako, gulat pa kasi ang mukha nito na nakatingin sakin inilabas ko kasi ang ulo ko sa window ng kotse. Muntik na nga akong tumawa dahil para kasi siyang nakakita ng multo.

Malayo pa talaga ang mansion ng triplets sa gate nila.. then pag nakapasok kana madadaan mo pa ang nakahilirang mga puno sa bawat gilid ng daanan tapos makikita muna ang mansion

Nagtataka parin ang mukha ng security guard bago kami pinapasok. Bakit ganon ang expression niya? Ang weird lang.

" Ihinto muna ang kotse Kavin. Maglalakad nalang ako malapit na rin naman " sabi ko sakanya. Hindi pa naman masyadong mainit atsyaka masarap ang hangin kaya gusto kong maglakad. Hininto nito ang kotse nagmamadali pa itong lumabas para pagbuksan ako pero naunahan ko na siya

Nasa likuran ko lang si Kavin habang sumunod sakin tahimik lang naman siya habang ako naman ay nag eenjoy na pagmasdan ang mga puno. Nakakatawang isipin na sinubukan kung tumakas rito pero hindi din naman ako makatakas dahil kailangan ko pang lumabas sa gate bago makalayo. Paano ko ba susuprusahin ang triplets? nakangiting pumikit ako upang damhin ang hangin na tumatama sa mukha ko

Pagmulat ng mga mata ko nakita ko si Wena sa balcony. Nililipad ang buhok nito dahil sa hangin, naka dress siya at pansin na rin ang tiyan nito na malaki. Nakangiti siyang nakayakap sa tiyan at marahan na hinahaplos iyon

Ang ngiti sa labi ko kanina ay nawala na nang nakita si Lucifer sa gilid nito habang hinawakan niya ang malaking tiyan ni Wena na nakangiti. sa likod nito lumabas si Hellion at Damon na may dalang pagkain. Rito sa kinatatayuan ko nakikita ko ang kasiyahan sa mga mukha nila at Sino ba naman ako para sirain ang kasiyahan nila diba? Sino ba naman ako? Tinaboy ko na sila diba? ang selfish ko naman kung babalik ako para sirain ko ang kasiyahan nila

Ang selfish mo Samantha. You want to see them to make you happy. But how about them? Does seeing you make them happy. Baka nga makasira kalang

Tumalikod ako at ang nag aalalang mukha ni Kavin ang sumalubong sa akin

" Do you need someone to cry with? " malungkot na sabi nito. Awtomatikong yumakap ako sakanya at sa balikat niya ako umiyak. Patuloy na umaagos ang mga luha ko sa mata ang puso ko ay parang sinaksak ng libo libong punyal sa sobrang sakit. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib ni Kavin at walang kapaguran ang luha ko sa pag patak

" I- ilayo muna ako rito ..p-please " puno ng pagmamakaawa kung sabi. I tightly grasped at his shirt

Gustong gusto kong mag lupasay sa sakit at isigaw ang lahat pero parang wala ata akong lakas para gawin yun, ang gusto ko nalang ang lumayo at mag wag ng magpakita pa

----------
A/N: taguan ba nang anak ang gusto niyo?😂

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now