1.LIII: Section X.0

840 38 8
                                    

Bigla kong dinilat ang mga mata ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bigla kong dinilat ang mga mata ko. Nilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa kuwarto na ako sa dorm ko at maliwanag na sa labas.

Naalala ko naman bigla 'yong nangyari kagabi. 'Yong huling araw ng festival. Bago tuluyang umalis sina Ernesh at Iorghu, nawalan ako ng malay dahil nanibago ang katawan ko nang gawin ko ang second skill ng Hades Sword.

Pero pagkatapos no'n, puwede ko na ulit gamitin ang skill kahit kailan puwede. Hindi gaya ng third skill na isang beses sa isang laban lang puwedeng gamitin.

Dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kama. Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa banyo para maligo.

Trenta minutos lang ang tinagal ko at paglabas ko ay nagbihis na ako ng uniform ko. Humarap na ako sa salamin para mag-ayos at nang makuntento ay lumabas na ako ng dorm.

Pagbaba ko ng hagdan ay dumeretso na ako sa study area. Magaan naman ang pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko maayos at kumpleto ang naging tulog ko.

"Good morning, Aika!"

Napagtanto kong nasa study area na ako at tumingin ako sa mga bumati sa'kin.

Nandito na lahat ng kaklase ko at nasa dining area sila kaya naman nagpunta na rin ako ro'n at umupo sa puwesto ko. Nakahanda na rin ang mga pagkain at kukuha na lang.

"Oh, Xavier. Mabuti't okay ka na," sambit ko nang makita ko siya. Sa pagkakaalala ko kasi, nawalan siya ng malay matapos niyang gamitin ang third skill ng Nerthus Warhammer.

"Oo, okay na naman ako. Iyon nga lang medyo nanlalambot pa rin ako ngayon, pero kaya ko na naman," sagot niya.

"Ikaw? Okay ka na ba? Wala kang malay nang dalhin kita sa kuwarto mo kagabi," sambit naman ni Jerome na katabi ko lang.

"Okay na ako. Salamat," sagot ko.

Pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

"Good morning, students!"

Napatingin kami sa biglang nagsalita.

"Mr. Smith."

"Aba, mukhang masarap 'yan almusal niyo, ah," aniya sabay tingin sa mesa namin.

Egg, sausage at tinapay ang almusal namin. Meron pang nag-iisang sausage na natira sa plato.

Kumuha ng tinidor si Mr. Smith para kunin 'yong nag-iisang sausage. Pero naunahan siya ni Xavier. Nanlulumong tumingin si Mr. Smith kay Xavier habang kinakain nito ang huling sausage.

"Xavier de Sauvetere!" nanggigigil nitong tugon.

"Bakit po pala kayo nandito?" usisa bigla ni Klein.

"Ah, gusto ko lang ibalita sa inyo na mamayang gabi na kayo aalis para ipagpatuloy ang paghahanap sa mga nalalabing piraso ng spellbound artifacts ni Persephone," sagot ni Mr. Smith sabay baba ng tinidor niya sa mesa.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon