CHAPTER 18.5

117 1 1
                                    

CHAPTER 18.5

Nakakunot pa rin ang noo ni Jazer, pero nananatili pa rin syang nakatayo dun sa hagdanan

"Back up? Bakit? Nangangain ba ng tao yun?" tanong ni Jazer

"Pwede?" sagot ko

"Hala, bahala ka," sabi nya at nagpatuloy na sya sa pag-akyat ng hagdan pero may nakasalubong syang lalake

Kaklase namin sya alam ko, ito yung katabi lagi ni Jazer sa computer laboratory pag may klase kami so hindi na kagulat gulat na magkakilala na sila

"tol Jazer," sabi ng lalake sa kanya at tinapik sya sa likod

"Aray," reaksyon ni Jazer dahil napalakas yung pagkakatapik sa likod nya

"Sorry, tol, haha," sabi ng lalake

"Geh na, teka kaninong gitara yan," tinuro ni Jazer yung gitarang dala ng lalake

"Aken tol," sagot ng lalake

"Ah so marunong kang mag-gitara," sabi ni Jazer

"Oo," sagot ng lalake

Pagkatapos ay biglang lumingon si Jazer sa akin tapos pinalapit nya ako sa kanilang dalawa

"Dark halika," sabi ni Jazer

"Baket?" sabi ko at tumayo naman ako sa kinauupuan ko

"Halika dali," ulit ni Jazer

Umakyat ako ng ilang hakbang para marating ko sila, hindi ko alam kung anung pinaplano ni Jazer nung mga sandaling yun eh

"Dark, meet Kiel," sabi ni Jazer tapos tinuro nya yung lalaking kasama nya

"Huy anong pakulo yan?" reaksyon ng lalaki

"Kiel, diba chickboy ka," sabi ni Jazer dun sa lalake

"Chickboy ka dyan, palakaybigan lang sa babae tol grabe ka naman, haha," sabi nya

"Ah so ma-alam ka sa mga ugali ng mga babae," sabi ni Jazer

"Ahm konte?" sabi ng lalake pagkatapos ay ako naman yung kinausap ni Jazer

"Oh Dark, sa kanya ka humingi ng tulong," sabi ni Jazer tapos tinuro nya ulit yung lalaking yun

"Huh?" O_O reaksyon ko

"Bakit? anong tulong yun?" sabi nung lalaking si Kiel daw

"Ah eto kasing si Dark, magsosorry daw sa babaeng nangangain ng tao," paliwanag ni Jazer at dun na ako naliwanagan :-/

Hindi ko pa naman gaanung kakilala itong si Kiel so nakakahiya naman sa taong ito kung magkekwento ako sa kanya

"Ay di na, salamat na lang," sabi ko

"Babaeng nangangain ng tao haha," natatawang si Kiel

Nagdere-deretso na lang ako paakyat ng hagdan at balak kong iwan silang dalawa ni Jazer dun sa hagdanan pero nung makalampas ako sa kanilang dalawa ay nagsalita ulit yung Kiel na sa tingin ko ay ako yung kausap nya

"Brad, meaning nangangain ng tao, so may pagkataray ba ang taong paghihingan mo ng tawad? Mahirap yan pero I think kaylangan mo lang gumawa ng something special sa kanya, para mapatawad ka nya," sabi ni Kiel kaya napahinto ako sa paglalakad

"Naks tama ka Kiel," pagsang-ayon ni Jazer

"Okey anu naman yung something special na yun?" sabi ko nung pagharap ko sa kanila

Umupo si Kiel dun sa hagdan kung saan sya nakatayo kanina kaya nakatalikod sya sa akin at saka pinatunog yung gitarang dala nya

"Alam nyo pumatok to nung highschool kami eh, yung kakantahan mo yung girl tapos may gitara kang dala," sabi ni Kiel

"Anong gusto mong mangyari? kakantahan ko sya ganun ba?" tanong ko dahil di ko gagawin yun eeww.. ~__~

"Oo ganun nga, alam mo ba yung kantang sorry na ng bandang parokya ni edgar?" sabi ni Kiel na nagpataas ng kilay ko

Seryoso ba talaga ito, nakakahiya naman kung gagawin ko talaga yun eh di naman kami magkakilala halos ng Diane na yun

"Ah yung kanta ng parokya ni edgar," sabi ko, sa totoo lang memorize ko yung kanta kaya kinanta ko yung ilang parte para maipamukha ko na alam ko yung kanta "yung Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga. . ." pagkanta ko sumingit si Jazer

"Ayan bagay yung lyrics sayo," sabi ni Jazer

"Oo na tanga na ako," sabi ko

"Huy, di yan yung ibig kong sabihin, I mean yung lyrics na sorry," sabi nya

Ngek! Mukhang di naman nagbibiro si Jazer at seryoso naman yung mukha nya, so dedma lang

"Kabisado mo yung kanta?" tanong ni Kiel

"Oo," sagot ko

"Oh yun na lang, kantahan mo sya ng ganun, tyak lalambot puso nun sayo tapos mapapatawad ka na nun," sabi nya

"Ay ayoko," mabilis kong sagot

"Bakit?"

"Eh ayoko nun, kakahiya," sabi ko

"Ay bahala ka, ako na nga maggigitara eh," sabi ni Kiel

Sa tono ni Kiel parang kinokonsensya pa ako, pero ayoko talaga nakakahiya yun ->.<-

"Ay Dark sayang, libre na nga performance ni Kiel eh," sabat ni Jazer

"Haha, Oo nga," sabi ni Kiel

Pagkatapos ay lumingon ulit si Jazer sa akin

"Oy Dark, ikaw na nga tinutulungan ayaw mo pa?" sabi ni Jazer na parang kinokonsensya din ako

"Pano kung di umubra yan, edi pahiya ako," sabi ko pero nagdadalawang isip na rin ako

"Hindi yan brad, akong bahala," sabi ni Kiel

"Hayst, sige sige," sagot ko

Ewan ko pero parang nagkusa na lang ako na pumayag pano eh ang kulit ng dalawang ito, pero di pa rin ako sigurado kung gagawin ko talaga yun, depende sa sitwasyon siguro

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon