"Ang daya mo naman, Ash! Sabi sa'yong sasabay parin ako sa'yo eh! Kung 'di pa sinabi ni Ava na nakauwi ka na, uunahin ako sa paghihintay doon."
Ashley pouted her lips, looking like a baby squealing about something. Hindi ko na kasi siya naalala kasi sa akin sumabay si Keifer kanina. Bakit? Nag-commute lang din naman pala siya papunta roon dahil nagtitipid daw siya ng gasolina. Pero kunsabagay, mahal naman talaga ang gasolina sa panahon ngayon.
Pero kalahati sa utak ko ang nagsasabing sinasadya niya talaga ang lahat.
Napailing nalang ako bago itinuong muli ang pansin kay Crystal.
"Hindi ko naman alam na seryoso ka sa sinabi mo." I reasoned.
"Hindi ako marunong magbiro, Ash. Sayang yung singkwenta ko..."
Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi nito. "Mas better 'yung 50 pesos mo sa 80 pesos na ipambabayad mo sa gasolina ko. Tumigil ka na sa paghihimutok diyan dahil wala ka nang magagawa. Ang mabuti pa, matulog ka na't pupunta pa tayo sa conference room bukas."
She rolled her eyes acting like she's really mad at me. Pero hindi ko iyon sineryoso. Umakyat na siya sa double bed atumiga na sa kama at natulog. Ang dalawa naman naming kasama ay tulog na rin nang makarating kami. Napaupo nalang ako sa kama habang muli na namang sumilay ang ngiti sa mga labi ko.
"Kailangan ko na rin bang mag-aral paano mag-guitar?"
"What? Why?" Nalilitong tanong ni Keifer habang nakatingala sa akin.
"Who is that girl you liked back then? Di'ba sabi mo magaling siyang mag-guitar? At 'yun ang nagustuhan mo sa kaniya. Do I have to learn how to guitar then?"
"No way. Saan mo ba nakukuha'yang tanong mo na yan?"
"Just answer me." Matigas kong sabi.
"No you don't have to. I liked you in a different way that only you showed me, bitchy-baby. At noon lang 'yun. And actually, hindi ako sigurado kung siya nga ba iyong nagustuhan ko o iyong paggigitara niya. I was too obsessed of guitars back then—up until now. Kaya nakuha niya ang atensyon ko, dahil napakadali lang para sa kaniyang kuskusin ang gitara habang ako'y nahihirapan pa. So please, do not ever do that just because you thought I'm still into girls playing guitars. Bakit pa ako maghahanap ng ganoong babae kung marunong naman na ako? Di'ba?"
After saying that, he smiled so sweetly at me before hugging my waist once again.
Sa mga oras na ito, nakangiti ako. I smiled in assurance.
At least, he's not into girls playing guitars now.
He's into something like me.
A bitch.
Kinaumagahan ay sabay-sabay kaming naghanda para pumunta sa conference room. Kahapon pa kasi sinabi ni Maeve sa amin na may sasabihin daw iyong boss namin na importante. Hindi ko naman pwedeng tanungin sa kaniya. Work is work. Bawal ang bias.
"Lahat ba talaga ng empleyado sa garden pupunta?" Ava asked me while we're currently walking towards our destination.
"Siguro? Kita mo nga oh, lahat sila papunta sa direksyon na pupuntahan natin."
Ava agreed.
Mukhang malaking announcement nga talaga ang sasabihin ni Sir ah? Lahat kami pupunta?
Nakapasok kami sa conference room. I can't help but to look amazed on how big the conference room is. It was round and it has a mini-stage infront. Maraming upuan na nakapalibot at talagang kasya lahat ng empleyado ni Keifer sa loob. Ngayon lang naman kasi ako nakapasok rito. Si Ophie palang ang una, noong inutusan siya ni Maeve.
YOU ARE READING
Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]
RomanceMONTAIRRE SERIES #1: THAT BITCH IS MINE Keifer Joshua Montairre has been depressed for a vey long time. His mom cheated on his dad and it gave him an incomplete family. He had been resenting this man his mom had a relationship with. And it turns out...