CHAPTER 1 : TINURUAN NIYA AKO MAG ACCOUNTING, TINURUAN NIYA AKO MAG-MAHAL

2 0 0
                                    

• Viy POV •

August 3, 2020 

Monday

First Day of College, wala akong friends at ayun hindi ko rin type yung kursong napasukan ko. Gustong-gusto ko na lang magpa Canada baka pag doon ako, mas madali ako makahanap na ng trabaho pag graduate.

Maaga ako nagising, kabado pumindot sa gmeet dahil ikaw ba naman bubungad sa'yo ng 7am "Total Management." Ang ganda shuta di pa nga ako nakakapag-aral e. E alam ko naman grabe ang standards dito sa school namin, Ateneo.

Pero ayun hihi medyo kinikilig ako. Pakabukas ko ng gmeet hinanap ko agad yung 'David' na sabi nung friend ko na si JC na mabait raw tapos sobrang talino. Pakakita ko sa gmeet, pin kaagad. Men ang gwapo, gusto ko na lang umiyak.

Sobrang na love at first sight ata ako yung tipong ang ngipin malilit na sakto lang, ang laki ng cheeks tas UGRHHHHH basta. Buong duration ata nung klase namin sa kanya ako naka tingin e. Pero sabi ko sa sarili ko non "WAG VEE BAWAL KA MA FALL. GUSTO MO PUMUNTA NG CANADA DIBA?" Tas ayun kinalma kalma ko.

After a week 

Monday 

Biglang tumunog phone ko tas siya pala nag chat

David: Hi! Kaw yung barkada ni Barbin? Chat ka lang sakon kung kailangan mo ng tulong ser.

(beh sinasabi ko sa'yo nung araw na yun gusto ko na lang makasapak sa totoo lang kinilig ako) 

tas nireplyan ko ng "Ah oo haha sige salamat". 

(putanginaaaa AHHHHH sana kainin na ako ng lupa sa ginagawa ko shuta)

Tas ayun as day goes by, nag-uusap na kami tas lagi kaming mag kachat. Nagbibigay na ako sa kanya actually ng hints na 'Uy mehehe kausapin mo naman ako. Busy ka ba? Uy kinakabahan ako pumasok sa gmeet, sabay na tayo' o diba parang tanga.

Tas umabot sa time na since hindi naman ako galing from Ateneo, may bridging na kung saan kami may dagdag na subject which is Basic Accounting tas sobrang hilong-hilo ako kasi hindi naman maganda masyado yung turo sa dati kong school. Hiyang-hiya kong sinabi sa kanya, "pwede mag paturo sa Basic Accounting?" tapos ayun nag call amfutaaaaa. Tas nakalapag lang yung phone ko sa lamesa tas habang ako nakatago kasi nahihiya ako magpakita kaya ceiling lang talaga yung nakikita mo. 

David: Ah hello Viy? Andiyan ka ba? *sabay tawa* Present mo na lang sakin yung screen or isend mo sakin yung files turuan kita 

mahinhin niyang sabi. 

Me: Ah eh oo sige wait lang. paano ba tong google docs? 

nahihiya kong sabi kasi ngayon ko lang to nalaman buong buhay ko jusq. 

David: Ah sige ganito, ako na lang gagawa tas punta ka na lang dito sa link na bibigay ko sa'yo. 

Me: Salamat. 

Tas ayun tinuruan niya ako mag Accounting, tinuruan niya din ako magmahal. AHCK

Matagal tagal rin kaming nag kakilala o friends. Kada sabi niya na "Hayop ka" in a joke way nirereplyan ko lagi siya ng "I love you." I-take niya man o hindi pero alam kong seryoso ako sa sinasabi ko sa kanya. Naisip-isip ko, gusto ko na din atang seryosohin si David kaso nga lang hindi ko alam kung saakin lang siya ganito na tinutulungan ako sa Academics tas sobrang bait o baka sa lahat. As in teh ginagawan niya ng assignments ang ibang tao pag kailangan ng tulong niya. Kaya medyo ouch naman nun pare na wala lang pala ako huhu. Pero yan to cut the drama, I really like him as who he is. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Moon is beautiful, isn't it?Where stories live. Discover now