CHAPTER ONE: THE PAST

243 23 1
                                    

(A/N:
Reminder na ang story ay nasa POV ni Devon except sa past/flashback scenes na naka-third POV.
italic paragraph means flashback or past yung binabasa nyo )




CHAPTER ONE
THE PAST

✧༺✦✮✦༻∞ ❦ ∞༺✦✮✦༻✧


    Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Devon habang nakatingin sya sa mga nagsasayang mga bisita nya. It's his fifteenth birthday party at tanging pagkabagot lang ang nararamdaman nya. Sinabi naman na kasi nya sa Mama nya, ang Reyna Melinda na ang gusto nya ay mag-celebrate na lang sila sa Royal vacation house nila sa San Francisco dahil nandon na din naman sya but his father insisted na sa Pilipinas gawin ang party nya para maipakilala na din daw sya sa mga tao. Kaya naman kahit di nya ginusto ang mga ganitong kagarbong party ay heto sya at nagtitiis para sa mga magulang.
    "Bakit parang hindi maipinta ang muka mo?" pabulong na tanong ng Kuya Ethan nya na nasa tabi na pala nya at di nya napapansin, nakangiting kinakawayan nito ang mga ibang bisitang dumadating.
     "You know that I'm not into this kind of party." pabulong na sagot din nya. Natawa naman si Ethan.
"Pero wala ka naman magagawa. It what the king wants." anito, mula pa noon Ethan called their parents in their honorific titles and Devon feel lucky na matawag pa din nya ang mga magulang ng Mama at Papa.
    "Pwede ba akong umalis na lang?" baka sakaling tanong nya.
   "The party is for you, Dear brother there's no way that you can escape it." para pang nanunukso na sabi ni Ethan saka nito kinawayan yung anak ni Judge Hermano at iniwan na sya nito. Napailing sya napaka-palikero talaga nito the last time na may party kapatid ng congressman ang kasama nito, ngayon iba na naman. Napahinga sya ng malalim saka iginala na lang ang paningin nya hoping he would find someone or something na mag-aalis ng boredom nya.

    Hanggang sa napatingin sya sa may pintuan ng function hall. There's this teenager na sa tingin nya ay kaedaran ng Kuya Carson nya. Isang simpleng suit ang suot nito na kung ibabase ni Devon sa mga ibang bisita ay nasisiguro nya na barya lang ang halaga ng suot nito, pero kahit na ganun ay di naman iyon nakabawas sa lakas ng dating nito. Then he walked as if he own everything and somehow Devon felt like he knew him kung saan at paano ay di nya maalala. And from that moment di na maalis ang paningin ni Devon sa lalaki. Sinundan nya ito ng tingin kahit saan man magpuntang sulok ng function hall at ng makakuha sya ng pagkakataon ay agad syang umalis sa kinauupuan para lang makalapit sa lalaki na nakatayo sa may fountain sa may garden.
   Nang nakalapit si Devon ay di nya maipaliwanag pero may nararamdaman syang kaba. Bakit ba sya kakabahan? Kung sa mga magulang nga nya na hari't reyna di sya kinakabahan dito pa kaya sa lalaking ito? Pinakalma muna nya ang sarili nya bago sya ngumiti. Hindi sya nagkakamali may kagwapuhan ang lalaki at ang lakas ng dating ng morenong kulay ng balat nito.
   "Hi!" Pagbati nya dito, agad naman na napalingon ito sa kanya. Kita nya ang pagkabigla sa mga mata nito.
   "Kamahalan, may kailangan po kayo?" tanong nito at sasagot sana sya ng biglang sumingit si Ethan at inakbayan pa ang lalaking kinakausap nya.
   "Dev... Di mo na maalala si Avery?" napakunot ang noo nya sa sinabi ng Kuya Ethan nya at agad naghalukay ang utak nya sa kung ano ang meron sa Avery na toh at familiar nga sa kanya ang pangalan.

False Promises And YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon