[Xylandria's POV]
Hindi ko na maitatago ang nararamdaman ko. I'm completely in love. Inayos ko na ang mga gamit ko nung agad akong natapos sa mga reports at natawagan ang office ng DepEd para i-follow up ang registration ng school para sa nalalapit na inter-high.
"Parang maputla ka yata. Mag-oorder ako ng meryenda. Kumain ka muna bago umuwi." Pag-offer sa akin ni Mr. Gutierrez na agad kong ikinailing.
"Thank you, Sir, pero nagmamadali kasi ako."
"Okay, hindi na kita pipilitin." Nakatayo lang siya sa harapan ko habang patuloy naman ako sa pagligpit ng mga kagamitan ko. Madaming office works kaya naman sobrang messy ng desk ko.
"By the way, may relasyon ba kayo ni Mr. Holloway?"
"What?" Napanganga ako at natigilan sa ginagawa.
"May relasyon ba kayo kako ni Mr. Holloway? Nakita ko kung paano kayo magtawanan nung nakaraan. Alam kong hindi ka masyado nakikipag-usap sa mga lalaki kaya tiyak kong mahalaga sayo si Mr. Holloway dahil sa pakikitungo mo sa kanya."
"W-we're close friends and I think papunta na kami roon." Nakangiting sagot sa kanya. Agad na nabahiran ng pag-alala ang kanyang mukha dahil sa sagot ko.
"Are you serious? Do you like him, Xylandria?"
"Nahulog ho ang loob ko sa kanya, Sir. Mabait si Walter at masaya akong kasama siya."
"Xylandria... he's a PWD. I mean, nirerespeto ko kayong dalawa pero baka maghirap ka niyan sa huli at tsaka, sigurado ka na ba talaga sa nararamdaman mo?" Naguluhan ako sa kung paano magtanong at sumagot si Mr. Gutierrez sa akin.
"Sigurado ho ako at kung ano man ang mangyayari sa hinaharap ay tiyak kong magagawan namin ng paraan. Salamat po sa pag-alala, mauuna na ako." Paalam ko at agad na tumalikod.
Habang nasa biyahe ako papuntang Sky Autumn ay tumawag sa akin si Mom na agad kong sinagot.
"Hey, Mom."
"Andria, where are you?"
"N-nasa office," pagsisinungaling ko.
"Tumawag ako kay Mr. Gutierrez at sinabing umalis ka na. Sabihin mo, pupunta ka na naman ba sa Walter na iyun?" Binasa ko ang pang-ibabang labi at nakaramdam ng mabigat sa dibdib ko sa tono ng pananalita ni Mom.
"Yeah, so what?"
"Xylandria, you're going to get yourself hurt!"
"Oh come on, Mom. Stop it, I don't care. Alam kong mahal ko si Walter at hindi niyo ako mapipigilan." Isang mabigat na buntong-hininga ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"I'm worried, don't give it all... leave some for yourself. I want you to be brave enough to face the consequences. Hindi biro ang pinapasok mo, Walter is not just an ordinary guy."
"I know, Mom, pero hindi ko kayang hindi siya makita. Masasaktan pa rin naman ako kung maging malapit o lumayo man ako sa kanya kaya pipiliin ko ang desisyon na alam kong magiging masaya ako kahit na masaktan pa ako sa huli." Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya at agad kong pinatay ang tawag.
Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nung makita ko siya sa usual spot niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin nung makaupo na ako.
"Hindi ka talaga nagsasawa rito ah."
"I love coffee and of all coffee shops, Sky Autumn has everything to be called the perfect café." Nagpangalumbaba ako at tinawag na si Fiona para mag-order. Budol na naman!
"Mag-iisang buwan na akong kumakain dito pero hindi ko pa nata-try yung specialty niyo."
"Opera Deluxe po, Maam. Owned recipe po yan ng Sky Autumn. It's a French Opera Cake but in an ice cream version. Sure po akong magugustuhan niyo."
"Interesting... parang ice cream cake rin pala but in a French style. Magkano yung slice?"
"Nakalagay po diyan, Maam." Nakangiting hinanap ko yung specialty sa menu at mabilis na nawala ang ngiti ko sa labi nung makita ang price.
₱469 per slice?!
Alam kong hindi naman ako yung magbabayad pero no, nahihiya akong pagbayarin si Walter ng ganito kalaking halaga. Sobrang mahal at tsaka, hindi naman ako mabubusog sa isang slice.
"I-isang tart citron na lang-"
"We'll have the Opera Deluxe... make it two. Two orders." Nagulat ako nung pinutol ako ni Walter.
Tumingin ako kay Fiona at bumubungisngis dahil sa ginawa ni Walter.
"Yun lang ba, Sir?" Tanong ni Fiona na halatang pinipigilan ang kanyang pagngiti.
"Xylandria, may iba ka pa bang gusto?" Mabilis akong umiling.
"W-wala na at tsaka huwag mo nga akong tawagin sa full name ko!"
"That's your real name, why shorten it?"
"Nakakasagwa pakinggan."
"I'll call you whatever I want, i'm the one who's paying your foods."
"Edi ako na magbabayad."
"Edi lumipat ka ng upuan." Napaismid ako at inirapan ko siya. Suplado niya talaga, ayaw paawat.
"I-i'll go get your orders po." Nakayukong umalis si Fiona at nagulat naman ako nung mapagtantong hindi pa pala siya umaalis.
Nahihiya akong napayuko at ramdam ang pamumula ng buong mukha ko.
Sinilip ko ang mukha ni Walter at sarkastiko akong ngumiti nung tinaasan niya ako ng kilay.
"Himala at hindi mo pinarentahan ang Sky Autumn."
"Baka kasi hindi ka na naman dumating."
Natigilan ako. Saan nga ako kahapon? Ah, nakipag-usap sa Tita niya.
"H-hindi ka naman kasi nag-text."
"May number ako sayo."
"Oo na, oo na! Huwag ka na kasing makipag-away." Hindi nga talaga siya umimik.
"Tumawag ako kagabi, save mo yung number ko. Text mo ako palagi ah!"
"I'm always busy."
Nagsimula na siyang gumuhit at maigi ko siyang tinitigan. Something inside him is pulling me. I want to touch him... I want to be closer to him.
I was about to touch his scar but Fiona suddenly came. Binaba ko ang kamay ko at nagkunwaring busy sa pag-aayos ng buhok. Kinabahan ako lalo na nung nag-angat agad si Walter ng tingin.
"Akala ko you don't like sweets."
"But I love coffee. Opera cake is made of almond sponge cake soaked in coffee syrup."
Na-amaze ako nung sinabi niya sa akin kung ano ang Opera Cake. I've heard it couple times since french pastry din siya, but I never tasted it... ngayon lang siguro.
"Paano mo nalaman?"
"Nakapunta na akong Paris para sa grand slam ng Lawn Tennis at doon ako nakatikim ng Opera Cake. Sinabi rin ng waiter ang mga ingredients kaya alam ko." Humahangang ngumisi ako sa kanya. Sana ol, big brain.
"Or gusto mo lang mag-order nang kaparehas sa akin."
"Why would I do that?" Binaba niya ang kanyang pen. Nakangisi at naka-cross ang mga brasong hinamon niya ako gamit ang kanyang mga titig.
"Kasi gusto mo ako."
"Saan mo napulot yan? Nakakatawa kung may kagustuhang magaganap sa ating dalawa."
"Oo nga, nakakatawa. Ako kasi, mahal kita."
BINABASA MO ANG
Teardrops on a Sketch Pad
Romance[COMPLETED] Xylandria Rodriguez, the most gorgeous woman alive who consider things worthy if it possesses beauty. Her ideology took a huge turn after picking up a forgotten sketch pad owned by a world-class athlete, Walter Holloway, who is now stuck...