"Magandang Umaga Zykeeeeh" , bati ni Haya.
Bahagyang gumiti lamang si Zyke. Habang patuloy siyang naglalakad papuntang classroom, marami sa mga studyante ang nakatitig sa kanya at hindi niya iyon gusto. Naiinis siya sa twing may nagkakagusto sa kanya.
Samantala, naghahanda na si titser Zendee para magturo. Pumasok na siya sa room 201.
"Magandang umaga ma'am Zendee", sabi ng mga estudyante Niya.
***********************************************
Sa Ceil Tower may nagaganap na pagpaparusa."Ahhhhhhhhh,ahhhhhhhhh . Tama na bossssss", sigaw ng nagmamakaawang tauhan.
"Balatan niyo siya ng buhay". Isang mababang tono ng boses ang narinig mula sa kadiliman.
***********************************************
Sa paaralan, nakatitig lang sa bintana si Zyke. Wala siyang anumang reaksiyon o emosyon.
Pinatayo siya ng guro para sagutan ang tanong na nakasulat sa pisara. Nasagutan naman niya ito kayat muli na namang nabighani ang kanyang mga kaklase.***********************************************
Sa underground, nag- uusap ang mga bodyguard."Siguradong isang pitik lang mauubos ang mga tao dito sa Japan. Kapag nagalit talaga ang dragon kahit saan ka pa magtago , mahahanap ka niya", pabulong na Sabi ni Erc.
Sa opisina ni Cain.
"Kailangan ko ng update sa pamilya niya. Siguraduhin niyong walang matitira", mahinahong pautos ni Cain.***********************************************
Gabi na ng makauwi ang magkapatid na Zyke at Zendee. Inihain na nila ang kanilang pagkain.
"Zykeeeeh kailan mo gustong umuwi sa bahay"?tanong ni Zendee.
Walang reaksiyon si Zykee pero makikita sa kanyang mga mata ang kalungkutan.
"Zykeeeeh alam mo kung gaano kita kamahal. Hindi kita pinagtatabuyan pero hindi ko kanyang ibigay ang mga bagay na pwedeng makapagpapasaya sayo.Isa lang akong hamak na guro", malungkot na boses ni Zendee.
"Kain na tayo ate,"bilang sagot sa sinabi ni Zendee.
Hindi ito ang inaaasahang sagot ni Zendee mula kay Zyke. Pero masaya pa rin silang naghapunan.***********************************************
Alas 7 ng umaga ng kumatok si Leon sa opisina ni Cain Yamada.Pumasok siya sa loob at yumuko siya habang nagrereport Kay Yamada." Ginoong Yamada tinapos na namin lahat ng problema at sinunog na namin ang mga bangkay",pagsasalaysay ni Leon. Ngumisi lamang si Yamada at pinaalis na niya ito.
***********************************************
" Haiiiiiiii ,ang sarap gumising kapag alam mong paggising mo may katabi kang mahal mo", nakangiting sambit ni Zyke habang nakatitig kay Zende sa higaan.Alam ni Zyke na hindi susuklian ni Zendee ang pag-ibig niya gayunman mahal pa rin niya ito. Hinalikan niya ito sa pisngi. Siya namang paggising ni Zendee. " Good morning baby boy. Gutom ka na? Tanong ni Zendee habang nakatitig kay Zyke. Gumiti naman si Zyke. Kayat bumangon na sila para mag- almusal.***********************************************
Papaalis na si Cain Yamada at ang kanyang mga bodyguard ng may tumawag sa telepono." Kailangan ka namin dito sa Russia Cain" ,pagalit na sabi ng tumawag.
Sumakay na sila sa Limo. Habang nasa sasakyan, wala siyang ibang iniisip kundi ang kayamanan at kapangyarihan. Napakasikip na ng trapiko kayat nagalit na siya. Bahagya siyang tumingin sa bintana at nakita nya ang magkapatid na naglalakad sa sidewalk. Ngunit lumuwang ang trapiko kayat muli na namang umandar ang sasakyan nila. Nilingon nya ang magkapatid . may naramdaman siyang kung ano sa kanyang puso.
**********************************************
Sa kabilang banda. Masaya ang magkapatid habang nasa tabing dagat sila. Nakaupo lang sila habang nagkukwentuhan at kumakain sa baon nilang tinapay at soda.
"Zykeeeeh mahal mo talaga ako no?" tanong ni Zendee sa knyang kapatid.
" Oo naman higit pa sa buhay ko. Hindi kita ipagpapalit sa anumang kayamanan", saad ni Zyke.
Mas lalo namang nakaramdam ng kirot si Zendee dahil sa mga narinig nya sa kanyang kapatid. Alam niya sa sarili nya na mahal din niya ito. Pero itinatanggi ng isip niya dahil natatakot siyang masaktan lang niya si Zyke. Masaya siya pero sa kabilang banda takot siya dahil sa mata ng Diyos at sa mata ng tao magkapatid sila. Hinalikan nya si Zyke sa pisngi. Nakaramdam siya ng labis na pagmamahal.Niyakap naman siya ni Zyke.

YOU ARE READING
My Weak Spot
RomanceSi Zyke ay isang highschool student. Anak sya ng isang successful business man. Naglayas siya sa edad na 13. Tumira siya sa kanyang kinikilalang kapatid na SI Zendee. SI Zendee ay isang magandang baabae. Isa syang guro sa Isang eksklusibong paaralan...