𝗨𝗡𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 (5)
"Oh my god! Hindi ko inexpect na magagawa mong ipaglaban ang side mo princess! Ang galing mo kanina!" Napatingin ako sa kakapasok lang na si Laira. I wonder kung bakit sya lang ang nakakausap ko.
"Yeah... Dapat na akong lumaban Laira. Grabe na si Aisha. Palagi nalang akong ginagawan ng kasalanan" Agad kong hiniga ang katawan ko sa malambot na kama sabay pagulong gulong.
"Princess, ito ba yung sinasabi mong perfect revenge?" Napalingon ulit ako sakanya. May sinabi ba akong ganun?
"Huh? Perfect revenge? Wala naman akong sinabi ah?" Inayos nya muna ang sarili nya bago magsalita
"Meron... Sabi mo pa nga eh gaganti ka" Napahinga naman ako ng malalim bago magsalita
"Kalimutan mo na yun... Ayoko na ng gulo. And besides, I just want a peace... Ayoko nang may away... Masakit na ulo ko" Saad ko. Napatango naman sya bago tiningnan ako.
"What time na ba? Gabi na? Inaantok na ako eh" Saad ko.
"Mga 8 na ata ng gabi princess. Sige tulog ka na ah? Aalis na ako" paalam nya pero pinigilan ko sya"Ahmm. Pwede timplahan mo ko ng gatas? Gusto ko kase matulog kapag nakainom ako ng ganun" Nagtaka naman ang mukha nya
"Gatas? Di ba hindi ka naman umiinom nun? Bakit? Hindi po ba kayo makatulog?" Nanlaki ang mga mata ko. So hindi pala mahilig si Veronica sa mga ganun?
"Hindi naman... Wala lang, nag c-crave lang ako ng gatas ngayon... Tsaka dito ka matulog sa kwarto ko ah? Ayoko nang walang kasama" Saad ko. Napatango naman sya bago lumabas. Agad akong naglakad papunta sa may salamin at tiningnan ang sarili ko. Gosh! Ang ganda tlaga ni Veronica noh? Pwede na ako sumabak sa miss universe...
Sinuklay ko ang buhok ko at nagulantang ako nang biglang may pumasok sa room ko. Hindi ko nalang ito pinansin. It's Lyford. Nakatingin ako sa salamin kaya naman ay pumunta sya sa likod ko at walang emsoyon akong tiningnan
"Kailangan mo?" Tanong ko habang pasimpleng pinahiran ang mukha ko ng mga nakikita kong skin cares. Meron din pala sya nito. Ang gara! Sabagay, mayaman ba naman tsaka prinsesa
"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Ramdam ko sa boses nya ang inis.
"Edi good evening. Kailangan mo mahal na prinsipe?" Tanong ko sabay kagat ng labi ko dahil parang may dry skin na natanggal. Hindi ba sya umiinom ng tubig? Bakit ang tuyo ng lips nya?
"I just want to inform you... That we have our meeting together with my parents tomorrow... Ayoko sanang isama ka... Si Aisha sana kaso ikaw yung mate ko, tsk! Useless..." Nandidiri nya akong tiningnan
"Nandito ka ba para mang insulto? Pwes, kung di mo naman ako naaapreciate. Pwede ka nang umalis. You're just wasting your time here. And one thing, si Aisha nalang isama mo. Wala din naman akong balak makasama ka " Saad ko. Natahimik naman sya at kita kong nagulat sya. Bakit? Akala ba nya hahabulin ko sya? Nahh. Never kong gagawin yun sakanya. Manigas sya
"Why are you like that? Something was change on you" Saad nya. Tahimik ko namang inayusan ang sarili ko
"Yeah... Binago ko. Bakit ba? Tsaka wala ka namang pake di ba? Umalis ka na. I'm tired and i want to sleep" Saad ko. Dahan dahan naman syang umalis. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na nilingon nya ako. I'm jus hallucinating? I saw pain plastered on his eyes. Nagkibit balikat lang ako bago nagpatuloy sa pag aayos"Princess! Here's your milk!" Ngumiti ako kay Laira bago ininom ang gatas na ibinigay nya sakin.
"Laira, dito ka matutulog?" Tanong ko kaya tumango sya.
"Opo princess! Gaya ng sabi nyo. Dito nalang po ako sa sahig" Saad nya. Inayos din nya ang hihigaan ko at ang hihigaan nya
BINABASA MO ANG
Reincarnated as Vampire's Unwanted Mate
VampirosTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 One day, she just reincarnated as vampire's unwanted mate