Taken ( One Shot )

4 0 0
                                    

" Now that you can't have me. You suddenly want me. "

Yan ang salita na ikinaiinis ko sa lahat. Ewan kung bakit ako naka relate dyan sa kantang yan. Pero, alam niyo ganyan din yung nangyari sakin ee. Ewan ko ba kung bakit niya ko iniwan. Ginawa ko naman lahat pero wala eh. It doesn't exist.

" Hannah naman. Please. Wag mo naman akong iwan oh. Ba't ka nakikipag break sakin? Ano bang nagawa ko sayo? Please sabihin mo. Para maayos ko. Wag mo lang akong iwan. " Sabi ko sa kanya. Naiiyak na nga ako kasi iiwan na niya ko. Wala naman akong naalala na ginawa sa kanya. Ba't niya ko iiwan?

" Prince tama na. Wala kang nagawa. WALA! Pero nakikipaghiwalay ako kasi HINDI NA KITA MAHAL! " Sagot niya. :'( Tapos umalis na siya. Bakit? Ang babaw naman. Wala man lang magandang rason para i-accept ko. Kaso. Eeeeee! Mahal ko siya. Mahal na mahal.

Ayuun. Sa loob ng tatlong buwan. Nabaliw ako. Laging umiinom. Nag hahanap ng away. Laging nangbubugbug. Muntik na nga akong mamatay ee. Kasi, alak lang ang laman ng tiyan ko. Walang iba. Tapos, nag drugs pa ko. Hahaha. Nag 50-50 ako. Pero, salamat sa Diyos may pangalawang buhay pa ko para ayusin ang buhay ko.

Hannah's POV.

"Ngayon? Okay na. Masaya kana ba ha? " Sabi ko sa kanya.

" Hahaha! Syempre naman. Nakita ko, muntik na siyang mamatay ng dahil sayo. Ang saya ko nung nakita ko siyang nababaliw. Hahahaha! " Sagot niya.

"Napakawalang ya mo. Mamatay kana. Naghihintay si Satanas sayo sa Empyerno. Sa lugar kung saan ka nababagay." Sagot ko.

"Hindi. Sa lugar kung saan tayo nababagay. Hahahaha! " Sagot niya.

" DEMONYO KA! " Sigaw ko. Naka sabi na lang ako ng bad words. At bigla nalang nagdilim ang paligid ko.

Prince's POV.

Pagkatapos ng 3 buwan, nakahanap na ako ng babaeng magmamahal sakin ng totoo. Sweet. Malambing. Cute. Mabait. Simple. At Matalino. Perfect girl. Tapos ang sarap pa mag mahal. Kaya hindi malabo na magkagusto ka sa kanya. Swerte lang ako kasi sa dinami dami ng pwede niyang sagutin, ako yung nakakuha sa matamis niyang oo. Limang buwan na kami ni Bea. Lagi kaming nagdadate. Nag-uusap. Nagkakatext. Ang sarap niyang mahalin at mag mahal. Nagkakatampunhan minsan, pero lambingin mo lang yan parang walang tampuhang naganap. Mahal na mahal ko siya at di ako papayag na mangyari uli yung nangyari noon.

*Kwarto*

*Vibrate* Vibrate*

"Ay baka si Mahal na toh. " Sabi ko sa sarili ko.

Fr. +6390926*****

Hi. :) Naalala mo pa ba ako?

Huh? Sino kaya toh.

"Sino ka?" Reply ko.

" Ano ka ba. Ako toh. Si Hannah. Nakalimutan mo na kaagad ako. Prince, pwede na. Sorry sa nasabi ko ha. Kalimutan mo na yun. Mahal na mahal kita. At miss na din kita. " Reply niya . Nagulat ako.

" Huh? Sinong Hannah? " Reply ko. Malay natin. Ibang Hannah toh.

" Hannah. Yung Girlfriend mo. " Reply niya.

" Bea ang pangalan ng girlfriend ko. Hindi Hannah. " Reply ko.

"Aa. Ganun ba. Nakahanap kana pala. :'( " Reply niya. Naiinis na ko.

"Ano ka ba? Wag ka na nga magtetext sa kin. Di na kita mahal. Di na kita gusto. Naka move-on na ko. Noon, magkaawa ako sayo. Pero, ano? Wala lang sayo diba. Diba, hinintay kita sa labas ng bahay niyo humihingi ng isang pagkakataon. Nagmamakaawa na wag mong iiwan. Kahit nabasa na ko ng ulan, hinintay pa din kitang lumabas. Ngayong may mahal na ko. Ngayong naka move-on na ko sinasabi mo na Mahal mo ako? Na miss mo na ako. " Reply ko. Naiinis na ako ee. Naiinis na ako.

"Di mo kasi naiintindihan. " Reply niya.

"Ba't di mo sakin ipinaintindi? " Reply ko.

"Kasi, masasaktan ka." Reply niya.

"Alam mo, kung mahal mo talaga ako, ipaglalaban mo ako. Pagkakatiwalaan mo ako. Ngayon. Wala na tayo. Iniwan mo na ako. Mag iba na ako. Hindi na ikaw. Si Bea na. Bea na nagpabago ng buhay ko. " Reply ko.

"Balang araw maiintindihan mo din ang lahat." Reply niya.

"Wala ng balang araw. Kasi, ang balang araw na yan, ay ang araw na di na kita maalala at makikilala muli." Reply ko.

":'(" Reply niya.

"Now that you can't have me. You suddenly want me. " Reply ko.

"I will wait for you. " Reply niya.

I ignore it na lang. Dumating na si Bea. Today is our 6th Monthsary. Yieeee. Pinag delete ko na yun. Tss. Istorbo.

Hannah's POV.

"Now that you can't have me, you suddenly want me. " Yan ang huling mensahe na natanggap ko galing sa kanya. Sana masaya siya sa buhay niya ngayon.

---------------------------------------------------------

A/N: Sino kaya yung lalaking yun? Bakit kaya iniwan ni Hannah si Prince? Ano ang dapat na intindihin ni Prince? Ano ang masasabi niyo? Sana nagustuhan niyo.

Taken ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon