<Reigan's POV>
Naaalala ko na. Kaya pala familiar ang mukha ni Drei nong una kong nalaman na boyfriend pala siya ni Heira sa Facebook ay dahil siya 'yong lalakeng nakabangga saakin na nakahulog ng dyaryo kung saan nakasulat na nawawala si Heira. Bingo!
"Hoy, bakla! Kanina pa kita hinahanap."
Tinaasan ko ng kilay si Heira. Kasalukuyan akong naglilinis ng sapatos bago pumasok sa eskwelahan. "Bakit? Ano ba kailangan mo?"
Namewang siya sa aking harapan at ngumisi. "Wala ka bang naaalala?"
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug
"B-Bakit ano bang meron?" Kinakabahan kong sagot.
"Tsk...tsk...tsk!" Umiling-iling siya saglit bago nagsalita. "Kagabi....."
"Ano naman k-kagabi???" Hinintay ko ang kanyang isasagot.
"Pinagpapawisan ka....."
Napa-ngiwi ako. "Huh? Baka naiinitan lang ako." Depensa ko sa mapang-asar niyang tingin.
"Hmmm, talaga?" Hinawakan niya ang kanyang baba at umastang nag-iisip. "Eh bakit parang naririnig ko ang mahihina mong ungol? Tapos parang hinihingal ka pa. Napansin ko rin na tigas na tigas na si Junjun mo habang natutulog ka. Yung itsura mo kagabi parang........."
"Nananaginip lang siguro ako, Heira. Alam mo na.....wet dreams. Ganyan naman talaga kaming mga may lawit." Inikot ko ang aking mga mata at pinagpatuloy ang ginagawa. Binalewala ko nalang ang naka-kunot niyang mukha.
"Hindi. Parang nakikipag-talik ka, Reigan."
Bumalik ang tingin ko sakanya. "Malamang. Wet dreams nga diba."
Tumingin siya saakin na parang sinusuri ako. "Naaalala mo ba kung sino ang katalik mo?"
Umawang ang aking bibig. Ano ba 'tong mga itinatanong niya?
"Hindi mo maalala ang nangyari noong gumising ka?"
Umiling-iling ako. "Hindi ko nga alam na nag-wet dream pala ako."
"So......there's something strange here."
***
Lutang ang isip ko buong mag-hapon. Naiinis ako dahil parang wala man lang akong kahit isang natutunan ngayong araw dahil di ko magawang ituon ang atensyon sa aking mga guro. Kanina pa kasi ako balisa pero di ko alam ang dahilan. Natatae ata ako???
Since lunch time na, nagawa kong makapunta agad sa comfort room ng aming university. Good thing, walang ibang tao ngayon sa loob kaya malaya akong makakapag-bawas ng walang makakarinig o magrereklamo sa amoy. Hahahahahaha!!!
Pumasok ako sa pinaka-dulong cubicle at ginawa ang aking mga ritual. Ngunit ilang minuto na ang lumipas habang nakaupo dito sa toilet, wala namang lumalabas na pupu. Tss!
"Hindi naman pala ako natatae."
Lumabas na lang ako sa cubicle at naghugas ng kamay. Lalabas na sana ako rito sa cr ngunit.....
BINABASA MO ANG
GAYxGIRL stories
Ngẫu nhiênIs it possible for a GAY to fell in love with a GIRL? Do you believe in the saying "LOVE has no GENDER."? If you didn't... I suggest you to read this GAYxGIRL stories.💕 1: Gay Pageant (Completed✔) 2: Ako'y Isang Sirena (Completed✔) 3: Gay's Worst N...