"I'm sorry ma'am but fully book na po kami," ang narinig ni Ocean na sagot ng babaeng kanina lang ay kausap niya sa front desk,
"Ugh, please? Kahit anong kuwarto? Lahat kasi nang napuntahan ko na fully booked na rin baka naman meron pa paki-check mo na naman," ang narinig niyang pakiusap ni Elise.
"I'm sorry,"-
"Elise fully booked na talaga sila, ako ang nakakuha ng huling villa," ang kanyang sabi kay Elise. Nakita niyang bumagsak ang mga balikat nito and she got that disappointed look on her face. At halata rin ang pagod sa maganda nitong mukha na dati niyang lubos na hinahangaan.
"I am so tired driving around looking for a place to stay nang hindi na kami padaanin pa sa highway dahil sa not passable pa ang major roads pabalik ng Manila," ang sagot ni Elise sa kanya and felt the frustration and tiredness in her voice. At naintindihan niya ito, siya man ay nakaramdam na rin ng frustration kanina nang hindi rin siya makadaan sa major roads nang dahil sa pagbaha.
"I know, ganun din ang nagyari sa akin kanina," ang sagot niya.
Napabuntong-hininga na lang si Elise at muling nakitaan niya ng panlulumo ito at sa sandaling iyun ay nakaramdam din siya ng pag-aalala at awa sa dating nobya na si Elise. She looked defeated and tired.
"Maybe I'll drive farther pa,"-
"Just...stay with me Elise," ang kanyang putol dito. It is dark at hindi niya hahayaan na mag-drive si Elise sa kung saan lalo na at halos lahat ng daan ay lubog pa sa baha at unpredictable pa ang panahon.
"Are you sure?" ang paninigurado ngunit may agam-agam na tanong sa kanya ni Elise. Nakakunot ang noo nito na mukhang hindi ito sigurado sa kanyang alok dito.
He's only thinking of her safety at oo may pinagsamahan pa rin sila ni Elise, maybe this is the chance para makapag-usap silang dalawa at mapatawad na siya nito sa nagawa niyang pagkakamali rito kahit pa sa sandaling iyun ay wala siyang pinagsisisihan.
"I am sure, malaki ang villa na nakuha ko apat ang kuwarto, maybe...this is the time that...we talk about things?" ang kanyang malumanay na patanong na sagot niya kay Elise. Nagtama ang kanilang mga mata and he saw the thoughtfulness in her eyes before she nodded her head.
"Okey," ang matipid nitong sagot sa kanya.
"Uhm, will you please wait for me outside? Magpapadagdag lang ako ng pagkain para sa room service, pareho na siguro tayong ginugutom," ang saad niya kay Elise at nakita niya ang ngiti sa mga labi nito para sa kanya na matagal na rin niyang hindi nakita.
"Sinabi mo pa, kanina pa kumukulo ang tiyan ko," ang sagot ni Elise sa kanya na nanatili ang ngiti sa labi nito. At hindi niya naiwasan na hindi rin sagutin ng ngiti si Elise at magaan iyun sa kanyang pakiramdam. Mukhang ang pagkakataon na iyun ay sadayang ibinigay sa kanila upang makapag-usap sila ng maayos at masinsinan.
***
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na si Elise na papasok na ito sa loob ng inokupahan nitong silid sa malaking bahay. Siya naman, sa kabila ng pagod ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. He sat on the sofa and looked for something to watch pero wala siyang nagustuhan na panoorin. Mas gusto niyang manood ng movies habang nasa kanyang tabi si Aspen at sabay silang kumakain ng chips at popcorn. He turned it off at saka siya tumayo mula sa sofa at naglakad siya palapit sa French doors na daan palabas patungo sa beach front. Pinihit niya ang knob at saka niya hinila ang isa sa dalawang pinto at bumati sa kanya ang malakas na hangin na nanggagaling sa dagat. Dinig na dinig ang malakas na alon ng dagat na humahampas sa kulay puting buhanginan. Maliwanag sa labas dahil na rin sa mga poste na nagbibigay ng liwanag sa harapan ng mga villas. At nang humakbang siya palabas ay napansin niya na hindi na umuulan. Though malakas pa rin ang ang hampas ng hangin ay maliwanag na ang kalangitan. Mayroon nang mga bituin na nagpakita nang mahawi na ang mga ulap. Mukhang gaganda na ang panahon at bukas ay makakauwi na siya. At nang maisip niya iyun ay nakaramdam ng pananabik ang kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Любовные романы"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...