#2 Aamin na ako

32 0 0
                                    

Ilang beses ko ba siyang inaabangan, tinitingnan at sinusundan sa loob ng isang araw? Hay nako maraming beses na talaga.

Alam na alam ko na kung anong pangalan nya, halos lahat sa kanya alam ko na, stalker nya kaya ako.

Minsan nga habang naglalakad ako pauwi saktong nakita ko siyang mag-isa alam kong nakita niyang naglalakad ako sa may likod nya, talagang kung saan siya dumaan doon din ako dumaan.

Minalas nga lang ako kasi biglang nag-go ang stop light kaya paglingon ko hindi ko na siya naabutan.

Pero kahit madaming beses ko na siyang nakasabay, nalapitan at nakikita, hinding hindi ko pa naririnig ang boses niya at hindi ko pa rin siya nakakausap.

Minsan nakita kong kasama niya ang kaibigan niya, tapos tumatawa siya ewan ko ba kung anong meron pero parang naging masaya din ako nung nakita kong tumawa siya.

Tinamaan na talaga yata ako sa kanya at bukas na bukas sisimulan ko na ang plano ko.

Sa wakas halos 1 week na ang nakalipas ng simulan ko ang plano ko.

Araw araw akong naglalagay ng love letter at favorite niyang chocolate sa locker niya.

Lagi kong inaabangan kung anong magiging reaction niya, nung una nagulat at nagtaka siya, pero sa nakikita ko ngayon parang nasasanay na sya.

Masanay na kung masanay, wala akong balak itigil ito. At tama ba ang nakikita ko, ngumingiti siya habang binabasa ang love letter ko.

Pinapangako ko, sa February 14, Aamin na ako.

Yeah puchu puchu, wala talagang magawa eh. Hahaha.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon