𝗨𝗡𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 (9)

18.5K 669 39
                                    

𝗨𝗡𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 (9)

"Princess, you're okay na ba tlaga?" Tumango ako. Kanina pa ako tinatanong ni Yuna if I'm okay lang ba kase sa itsura ko daw, para akong mahina... Kasama din namin si Vianna, bagong friend ko at kasection namin

"You look not okay po princess, grabe yung step sis mo noh? She's soo evil tlaga" Ramdam ko ang irita sa boses nya

"Yeah right, sinabi mo pa, kung ako yung nasa position mo princess baka nalampaso ko na yun" Tumawa ako dahil sa hirit ni Vianna.

"Hayaan nyo na sya, wag nyo dapat patulan yung mga immature na tulad nyan" Saad ko. Inangat ko ng konti yung kamay ko dahil medyo sumakit din ito. I found out na nabalian ito ng konti sabi ni Laira

"Why princess? Binubully nya kayo, you should fight her too. Kala mo naman kung sinong prinsesang pabida bida" Kahit di ko nilingon, I know, Yuna rolled her eyes.

"Shh, hinaan mo lang Yuna, alam mo na, baka marinig tayo ng mga immature na alipores nung bruhang yun" Saway ni Vianna.

"Pero yung totoo princess, sino po ba yung nauna? Some rumors said kase na kayo daw yung nauna. Meron ding nagsasabing sya daw , kase some of the students here is kakampi nyo naman" Mahinang saad ni Vianna.

"Everyone felt sorry for you po kase they judge you without knowing na kayo na pala yung parating nag aadjust. Konting kembot nalang po princess, malilinis na pangalan mo sa academy na to" Sabat naman ni Yuna.

"Kapag ba di ko pinaglaban yung side ko magiging okay ba? You know what? Ilang beses ko nang gustong ipaglaban yung side ko but hindi ko magawa, siguro, uhaw ako sa atensyon at nasasaktan ako kase they doesn't favored me..." Sagot ko. Until now, naiisip ko parin yung pinagdaraanan ng totoong Veronica. She's a brave woman. Kahit minsan naiinis ako sa kanya sa loob ng novel pero yung totoo, may side din sya na dapat ipaglaban. Pero ang problema, no one is interested to listen to her...

"Hayaan mo na princess, we're here naman for you and we will promise na pagsisilbihan namin kayo kamahalan..." Nagbow silang dalawa at tumawa. Pasimple din akong ngumiti dahil sa kanila...

Magsasalita pa sana ako pero nakarinig ako ng pamilyar na boses. Nakakainis! Why is she here? Pepestehin na naman ba nya ako?

"Hello my dear sister... How are you?" Ramdam ko sa boses nya na nang iinis sya. Tumawa yung mga alipores nya...

"Why are you here my dearest step sister? Nandito ka na naman ba para mameste? Pwes, I don't have a time talking to a useless t*sh like you" Pang iinis ko din. Napakapit naman si Yuna sa braso ko.

"T*ash? Tinatawag mo ba yung sarili mo? Sating dalawa, mas mukha kang basura" Tumawa lang ako. Wewss, ang babaw. Di man lang ako napikon

"Oh tlaga? Kahit bali baliktarin man natin ang sitwasyon, mas lamang padin ako sayo... Oo at nakukuha mo nga ang gusto at paborito mo pero hindi naman ang posisyon ko... Ang totoo" Diniin ko ang sinabi ko para matauhan sya sa katotohanang, naging prinsesa lang naman sya dahil nagpakasal ang bruhilda nyang nanay sa ama ni Veronica...

"Isa rin akong prinsesa, at mas nakatataas sayo... You're a t*ash and nothing compared to me... I'm more special than you..." Tsk! Di tlaga sya magpapatalo, tsaka ano daw? I'm nothing compared to her? Tsk! Alam nya ba pinagsasasabi nya?

"Tsk! Tlaga? Sige, namnamin mo na yang pagiging special mo kuno. I know hindi yan magtatagal, we all know naman kung sino tlagang totoo satin eh." Kampante kong saad. Nakita ko namang naikuyom nya ang kamay nya.

"You know what?! Palagi mo nalang akong sinsagot! I swear makakarating ito kay ama! And sasabihin ko na bibigyan ka ng punishment" Galit nyang sigaw. I remained silent kase may mga nakatingin na din samin and some of them ay nagbubulung bulungan na. This b*tch is making a scene para mapansin. Looks like, may mas uhaw pa ng atensyon kesa kay Veronica.

"Oh. Palagi na ba? Sorry, I'm just explaining lang kase kung bakit kita sinasagot sagot. It's because, nauna ka eh. Ang bastos ko naman pag di kita sinagot..." Saad ko. Buti at may palusot ako. Lagot ka sakin babae ka. Igaganti ko tlaga si Veronica makikita mo tlaga

"Kahit naman sinagot mo ko, kahiya hiya ka parin naman. You're not a favored one. How pity you are... Kawawang prinsesa" Ramdam ko sa boses nya na iniinis nya ako. Aba! Di rin naman ako papayag noh?

"Okay lang maging kawawa, atleast ako, alam kong walang tinatapakang iba. Tsaka, luma na yang word na hindi ako ang favored princess, you know, sanay na akong matawag na ganun. Hindi na ako tatablan nun" Nakangiti kong saad. Nakita ko namang parang naiinis na sya

"You! Buti pala binalian nalang kita! You know what?! Sagabal ka lang! A useless like you ay hindi bagay sa mundong ito! Sana tinuluyan nalang kita!" Nagsimulang mag bulung bulungan ang lahat. Pati ako ay natulala dahil sa sinabi nya. Did she just say na dapat na nya akong tinuluyan?

"Oh my god! I told yah, sya ang nauna between her and princess Veronica"

"Shemms. Kumampi pa naman ako sakanya"

"Nagbago lang si Princess Veronica naging ganyan na sya?"

"I thought mabait sya?"

"Hala! Sya pa naman yung manok ko betweent he two of them!"

Dahil sa naging bulung bulungan, Aisha left at the center nervous and crying. Malamang, sino ba namang hindi iiyak? Di ba? Napahiya mo yung sarili mo. Tsk! Lumabas din yung totoo nyang kulay. I told you, lalabas tlaga ang katotohanan

"What's happening here?!" Biglang sigaw ng kung sino. Napatingin ako doon at nakita ko si Lyford. He's with Gavin and Aiden. Agad namang nagpanggap na bumagsak sa sahig si Aisha. Dahil dun, dali dali naman syang sinalo ni Lyford. If ako si Veronica iiyak na ako dito at magwawala dahil sa selos. You know, ang corny nila

"What did you do to her?!" Nagulat ako sa biglaang paghablot ni Gavin sa braso ko. Napangiwi ako dahil sa sakit...

"O-ouch! Bitawan mo ko! Nasasaktan ako!" Mas lalo syang nangalaiti dahil sa naging reaksyon ko. Mas hinigpitan nya ang hawak nya sakin

"Masasaktan ka tlaga kapag hindi mo sinabi samin ang totoo! What did you do to her?!" Sinamaan ko sya ng tingin

"Bitawan mo muna ako sabi bago ako magsalita!" Sigaw ko dahilan para matauhan sya. Tiningnan nya ako ng matalim at sa isang iglap ay lumipad ang kamay nya sa ere at sinampal ako ng pagkalakas lakas dahilan para matumba ako.

Nagkaroon naman ng bulung bulungan s apaligid dahil dun. Para akong nahilo dahil sa ginawa nya. Napahawak ako sa ulo ko. Agad naman akong nilapitan nina Yuna at Vianna

"Oh my god! Princess! You okay?!" Nahihilo ako kaya di ko masyadong alam kung sino ang nagtanong

"We should bring her to clinic! May pasa yung pisngi nya!" Narinig kong sabi ng isa. Nang mahimasmasan ako ay kaagad na tumaas ang dugo ko. Inilibot ko ang paningin ko at agad na dumapo sa kinatatayuan ni Gavin na ngayon ay nakatulala habang tinitingnan ako

"P*tang*na!" Malakas kong sambit. Namalayan ko nalang yung sarili ko na pinagsusuntok sya. May mga umawat samin pero mas nanaig yung galit sa katawan ko. Doon ko lang narealize na hindi ako ang komokontrol sa katawan ko, si Veronica... P*t*!

Sinubukan kong pigilan pero hindi ko kinaya. Mabibigat na suntok ang napakawalan ko. Hanggang sa naghina ako bago ako napaatras. Tiningnan ko ang gawi ni Gavin, nakahandusay sya at dumudugo ang mukha nya. Bigla naman akong pinagpawisan ng malamig.

Sinubukan kong magsalita pero agad akong napahiga. Naramdaman ko yung pagod sa katawan ko. Pagkatapos nun ay unti unti akong nilamon ng antok

Reincarnated as Vampire's Unwanted MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon