Chapter 24.1

3K 90 0
                                    

CONTINUATION

Naalinpungatan ako nang naramdaman ang maliliit na halik sa pisnge ko. Pagdilat ng mga mata ko bumungad sakin ang napaka gwapong mukha ng mga anak ko

" Good morning Mommy!" Masiglang bati nila at hinalikan ako isa isa sa pisnge. Natatawang bumangon ako at hinalikan din sila

" Good morning mga babies ko " nakangiting sagot ko sakanila. Bumangon na ako sa kama at dumeritso na sa bathroom. Kailangan kung magtrabaho ngayon hindi ko kailangang iasa lang lahat kay Kavin at kay Vlad. Si Vladimir naman yung nagbabantay sakanya ngayon.. magiging ok din si Dad

Pagkatapos kung maligo at magbihis nandito parin ang mga anak ko sa kwarto ko. Pinagmasdan lang nila ako habang nakahalukipkip sila..

" Mommy are going to work? Aren't we going to visit lolopa? " Heixon seriously said and my jaw almost dropped. Napasinghap ako ngayon ko palang narinig na ganyan siya ka seryoso magsalita. Sa kanila kasing magtriplets si Heixon lang yon pinapakita na sweet talaga sakin kaya hindi ako sanay sa tono niya ngayon. Lumapit ako sakanilang harap at nagsquat upang magpantay ang tingin namin

" Babies. Mommy's needs to work..Wala kasing maghahandle ng company ng lolo niyo and then hindi pa siya pwedeng magtrabaho dahil sa kalagayan niya..iiwan ko muna kayo kay tita Eurika ok? Don't worry bukas bibisitahin natin siya pagkatapos punta tayong mall ok ba yun?" Marahan kong sabi upang maintindihan nila iyon pero binigyan lang nila ako ng maliit na ngiti

" We understand Mommy. Mag ingat po kayo we love you always " nakangiting sagot naman ni Devon. Niyakap ko silang tatlo. This is my first time na iiwan sila dahil trabaho. Nung sa Hong Kong kasi work from home lang ako lagi kaya sanay silang lagi ako sa bahay.

" Anong gusto niyong pasalubong ko sa inyo pagkauwi ko? " Pag ooffer ko nalang baka sakaling mabawasan ang pagtatampo nila sakin. Balak ko na ring ipa enroll sila dito sa Pilipinas dito na sila magtutuloy sa pag aaral. Madali lang naman nila maintindihan ang lecture rito. Ang kailangan ko nalang gawin ay ang iwasan na magtagpo ang landas namin ng Triplets

" Ma'am Mina, here are the papers you have to review for the meeting today. Ito naman po ang dapat na permahan ng president and also the future projects are inside the folders " Dad secretary said and put the folders on my table.

" Thank you" I said. she bowed slowly before going out of my office.

Binuklat ko ang folder at ilang oras ko pang ni review yun pagkatapos humarap ako sa glass wall na kita ang naglalakihang mga building. Medyo nakakarelax iyon

May alam naman ako sa Business....kayang kaya kong i handle ang company ni Dad . Nang pumunta ako naabutan ko si Kavin na nagtatrabaho sa opisina ni Dad pero sinabi kong ako na kaya ko naman gawin ang mga gawain ni Dad. Ayaw pa sana niyang pumayag pero pinilit ko kaya nandon siya sa bahay.. siya ang pinabantay ko sa mga anak ko natuwa naman siya. Tumayo na ako ng napansin na oras na nang meeting

I was wearing a red bodycon dress topped with my black coat and a 3 inch heels. Ang makulot at mahaba kong buhok ay hinahayaan kung nakalugay. Hawak ang handbag nagsimula na akong lumakad.

Pagkalabas ko at nasalubong ang ibang empleyado. Bumabati sila sakin at sinusuklian ko naman yun ng maliit na ngiti. Pag bukas ko sa pinto ng meeting room naabutan ko ang dalawang babae at apat na lalaki.. may iilang hindi ko kilala. Mga directors na nakahelira sa kanan habang yung iba hindi ko talaga kilala .

Tumayo sila at kinamayan ako. Some looked so intimidated now.

" Glad to see you in person, Ms. Chua" pormal na bati ni Mrs. Chen. Kinamayan ko rin siya

Bumaling ang tingin ko sa pinto ng bumukas iyon at bumungad sakin ang mga taong hindi ko inaasahan na makita. Nagsimula tumambol ang puso ko sa lakas. Sh*t! Bakit hindi ko alam na kasali pala sila sa meeting na ito. G*ga Samantha bakit hindi mo binabasa kung sino sinong aatend sa meeting na ito! Relax Samantha...act like ngayon mo lang sila nakita pero bakit sila nandito? meron ba akong walang alam? Kailangan kung tanungin si Kavin tungkol rito.

Napansin kung Dali dali nilang kinamayan ang Triplets na para bang sila ang pina importanteng tao sa mundo. Kasama nila ang ibang board members. Huminga ako ng malalim at hinarap ang Triplets. Natanggal ata ang angas ko kanina. The piercing stare of someone is making me uneasy. I can feel beads of sweats forming on my forehead

Humarap ako sa kanila nakasubulong ko ang mga mata nilang walang emosyon. May duamaang sakit sa puso ko dati kasi..kahit mabilis na dumapo ang tingin ko sakanila nagkaroon agad yun ng emosyon pero ngayon wala na iyon. Tiningnan nalang nila ako na para bang hindi ako importanteng tao para sa kanila na para bang ni minsan hindi ako naging special sa puso nila. D*mn that's crazy Samantha! Wala na silang pakialam sa yo!

" Mr. Dela Vega . Nice meeting you three " pormal na bati ko at inilahad ang kamay ngunit tiningnan lang nila yun na para bang nandidiri sila. Ni hindi nila inabot ang kamay ko at nilagpasan lang ako. Narinig ko pa ang mahihinang bumulungan ng mga tao rito

Tiningnan ko ang kamay kung nasa ere pa din akmang babawiin ko na yun nang may umabot sa kamay ko nang tumingala ako bumungad sakin ang nakangiting lalaki..kita ko mapuputi at ang pantay na pantay na ngipin nito. Chinito ito then gwapo pag ngumiti, yung ngiting friendly ganon

" I am Engineer Terrence nice meeting you Miss Chua.. maganda ka nga talaga sa personal" nakangiting sabi nito. Ngumiti din ako. Napatigil lang kami ng malakas na tumikhim

" Let's start the meeting " Lucifer cold voice sent shivers down to my spine. Ngumiti muna ako Kay Eng. Terrence bago umupo. Pa simple ko silang pinagmasdan.

They looked taller and more muscular now. They matured so much ilang taon na nga ba sila 29? 30? 31? Naka busines suit sila lahat pero ang Triplets lang ata ang pinakagwapo pag nag suot non kagaya ngayon. But then their attitude changed too their more intimidating and dark now than I remember before.

Napatingin ako sa babae ng tumikhim Ito at parang may kung anong ipresenta sa harap. She's trembling a bit habang nagpresenta sa gitna. Parang hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko.. para kasing may nakakatitig sa akin naiilang lang ako.

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now