CHAPTER 26
Samantha POV
" Alam ba nang triplets na may anak sila sayo?" Tumingin ako kay Wena dahil sa tanong nito. Pasulyap sulyap ako sa likod namin baka hindi namin namalayan na nasa likod napala namin ang Triplets at yung mga doctor na kasama nila.
" Hindi. Eh ikaw? alam ba nang mga doctor nayun na may anak sila sayo? " Nanlaki ang matang tumingin ito sa akin. Well obvious naman kasi siya at hindi ako pwedeng magkamali Dela Vega din ang mga doctor na yun.
" Hindi nila pwedeng malaman " sagot niya. Mabilis kaming nakadating sa room ni Dad dahil narin siguro sa pagmamadali kaya ganon nagtaka pa ako ng wala ang isang taong nakabantay sa harap ng pinto ni Dad.
Yumuko ito ng nakita kami
" Lady Mina and Lady Wena. Wala po ang Dad niyo at ang mga anak niyo dahil ipinasyal po nila ang Dad niyo sa garden ng Hospital" sagot nito.
Nakatinginan kami ni Wena at dahil siguro pareho kami ng inisip kaya dali dali kaming tumakbo upang hanapin kung saan ang garden ng Hospital. Ipinalangin ko nalang na hindi sila nagkasalubong dahil lagot na talaga katapusan kona.
" Teka lang Mina, hinihingal ako pwede bang maglakad nalang tayo" reklamo pa ni Wena. Hinihingal nga rin ako kaya huminto narin ako
Sabay atang nanlaki ang mga mata namin ni Wena ng nakita ang Triplets at yung mga doctor na papunta sa gawi namin pero mukhang hindi ata nila kami nakita ni Wena kaya dali dali kaming humarap sa pader at tinabunan ang mukha ng buhok namin. Abot ang tahip ng puso ko ng dumaan sila sa likod namin hindi ata talaga kami napansin. Nakahinga ako ng maluwag at mukhang pati rin ata si Wena.
" Samantha girl!!" Napapikit ako dahil sa lakas ng boses ni Eurika. Badtrip! naman ang babaeng to bat ngayon pa. Hindi ko siya pinansin at nakaharap padin kami sa pader. Naramdaman ko nalang na nasa gilid ko na siya
" Hoy ano bang tinitignan niyo diyan, botiki? " Pwede bang kahit ngayon lang sabunutan ko lang siya sa buhok.. kahit ngayon lang.
" Mina? " Dahan dahan akong humarap sa Triplets ngayon ay nakataas na ang kilay nilang pinagmasdan ako. Napairap ako nang naalala ang nangyari kahapon.
Hindi na ako bumalik sa company ni Dad nang nalaman ko na meron palang partnership between our companies. Kaya pala nandon sila. Si Kavin muna ang tumapos sa trabaho ko kahapon sa isipang baka magkita ulit kami don, hindi nga kami nagkita don pero nagkita naman kami dito sa hospital.
" What?" Mataray na tanong ko. Kinuha ko ang phone ko ng tumunog ito.. nang tiningnan ko kung sino ang tumawag si Vladimir kaya agad ko itong sinagot
[ Hey Mina! Sinundo kona ang mga anak niyo ni Wena at si Tito. Nandito sila sa bahay gusto mo bang makausap ang mga anak mo? ] Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Vladimir. Tiningnan ko si Wena at binulungan na meron na sa bahay ang mga anak namin. Ngumiti ito sakin napansin ko ring iniiwasan niyang dumapo ang tingin don sa mga Doctor na ngayon ay titig na titig sa kanya.
" Sige " sagot ko. Narinig kong nag aagawan pa ata sila kung sino ang unang kakausap sa akin...kaya natawa ako. Nakita ko sa peripheral vision ko na hindi parin umaalis ang Triplets bakit kaya? Madilim na ang tingin nila sakin luh anong ginawa ko?
[ Hey Mommy ] boses ni Lance
" Hey baby " nakangiting sabi ko. Dumiin ang tingin ng triplets sakin umiigting na ang mga panga nila. Pero ipinagbahala ko nalang iyon
[ Hindi mo tayo natuloy sa mall Mommy. Pero it's ok, may kalaro naman po kami rito sila Blake at Blade ] medyo dumaldal ata ang Lance ko ngayon.
" I'm sorry baby buka---" napasinghap ako ng may kumuha sa phone ko at pabagsak na tinapon yun sa lapag kaya nagkahiwalay yung mga parts nung cp ko. Narinig ko pa ang singhapan ng mga nakakita
" Ang pangit ng phone mo. Bili kana lang ng bago" madiin na sabi ni Damon. Pinatid niya ang nagkahiwalay na parts nung phone ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya nakangisi lang yung dalawa tila satisfied sa ginawa ni Damon habang napailing nalang ang dalawang Doctor.
Matagal pa akong nakatunganga tila hindi pa naproseso sa isip ko ang ginawa niya. Ang phone ko!! Ang mahal non
-----
YOU ARE READING
In The Arms of Dela Vega Triplets
RomanceGENRE: ROMANCE & ACTION -TEASER- The Dela Vega triplet's are well known as a Ruthless Business Tycoon's, a Dangerous Mafia Boss's. They have the same likes, the same hobbies, and also they shared a ONE girl. Lahat ng bagay...