1.LV: The Duke

751 35 24
                                    

"So, si Gunner ay isang goblin, si Ryker ay isang demon fox, si Xavier ay isang werewolf, si Jerome ay isang vampire, at si Aika naman ay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"So, si Gunner ay isang goblin, si Ryker ay isang demon fox, si Xavier ay isang werewolf, si Jerome ay isang vampire, at si Aika naman ay. . .?" sambit ng mama ni Klein.

Nakain kami ngayon ng umagahan nang sama-sama rito sa dining table nila.

Nataranta kami nang mga kasama ko nang itanong 'yon ni Maren.

"Fairy! Si Aika ay isang forest fairy, Ma," agad na sagot ni Klein sa kanyang ina.

"Ah, fairy."

"Opo, isa akong fairy," sabad ko naman.

"Kumusta naman ang anak ko sa school? Alam kong medyo magaspang ang ugali niya kaya pasensya na kayo," ani Maren nang may kasamang mahinhin na tawa.

"Opo. Masungit po siya at suplado-"

"Ryker!" saway namin sa kanya.

Nabigla naman kami nang tumawa si Maren.

"Ayos lang. Totoo naman. Nagmana lang siya ng ugali sa papa niya pero mabait din naman si Klein. Sana mapagpasensyahan niyo pa ang anak ko," saad nito.

"Huwag na po kayo mag-alala. Okay naman po si Klein, Mrs. Schneider. Saka matagal na po kaming magkakasama kaya sanay na po kami sa ugali niya," tugon naman ni Gunner.

"Grabe naman kayo sa'kin, Ma. Mas malala pa sa'kin ang ugali ni Papa, alam niyo 'yan," sabad naman ni Klein.

"Klein, anak. Naging masungit at strikto ang papa mo para na rin sa'yo upang gawin kang matapang at malakas bilang ikaw na rin ang panganay namin," ani Maren.

"Sayang nga lang at nawala na ang papa mo bago ka pa matanggap sa university. Sigurado akong proud at masaya siya para sa'yo," dagdag pa niya.

"Nabasa ko isang beses sa isang libro ng mga bayani ng Elysium ang papa mo. Siya si Kallan Schneider, hindi ba? Isa sa mga knight ng Ground Okta," ani Gunner.

Marahan lang tumango si Klein bilang tugon sabay humigop siya ng kape sa kanyang tasa.

Mayamaya lang ay may narinig kaming parang may nalaglag sa bandang pinto. Nang tiningnan namin ay may naghulog sa mail slot ng pinto na parang isang dyaryo.

"Ako na po kukuha," sambit ni Kayson, tapos ay tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan para kunin 'yong dyaryo.

Pagkakuha niya nito ay inabot niya ito sa kanyang ina at bumalik sa kanyang puwesto.

Binuklat ni Maren ang dyaryong hawak niya.

"Hmm? Naghahanap na naman ng bagong consort ang duke?" sambit nito na tila hindi makapaniwala sa kanyang nabasa.

"Consort?" tanong ko.

"Oo. Puwedeng mag-asawa ng marami ang isang royal or noble. At ang leader ng bawat Ground ay isang Duke o isang Duchess. May limang asawa na si Duke Aenon. Tapos mag-aasawa na naman siya," ani Klein.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon