SUMASABAY ang mga kamay ni Crystal sa masigabong palakpakan ng mga tao para sa bagong kasal na sina Eliza at Marc. Kitang-kita niya kung gaano kasaya ang dalawa. Mula pa noong college sila, alam na niyang mauuwi sa kasalan ang relasyon ng mga ito. Naghiyawan sila nang muling maglapat ang labi ng mga bagong kasal bago sumakay sa limousine paalis ng hotel.
"Hay, ang saya, 'no? Naalala ko tuloy noong kinasal kami ni Joseph."
Nginitian niya si Sharmaine. "Eh, di magpakasal kayo uli."
Lalong lumiwanag ang ngiti nito sa kanyang sinabi. "Tama! At sa 'yo ko ibabato ang bouquet ko ng ikaw naman ang ikasal. Oh, gulay mo."
Inabot ni Sharmaine ang bouquet na nasalo niya kanina nang ihagis iyon ni Eliza. "Sus, ilang beses na 'kong nakakasalo ng bouquet, wala pa din."
"Pihikan ka kasi. Choosy na, maarte pa," singit ni Janine.
"Tingnan mo nga, may asawa na halos lahat kaming mga kaibigan mo. Pero ikaw, ni boy friend wala pa. 'Te, mag-e-expire ka na, ah. Eh, baka naman kasi, totoo 'yong sinasabi nilang madalas na tumatandang mag-isa ang mga nobelista, lalo na ang mga babae," ani Lea.
"I don't think so," tanggi ni Crystal. "Madaming manunulat na masaya sa kani-kanilang love life.At isa pa, hindi ako perishable good."
"Tsk. Simple lang 'yan. Baka may hangover ka pa kasi kay Marion hanggang ngayon."
Nakataas ang kilay na tiningnan nilang lahat si Janine.
"Huwat?"
"Seriously, Crys?"
Umiling-iling siya. "Janine, 'wag ka ngang—"
"Pa'no 'yan, eh, nandoon pa din sila ni Jena sa loob," nag-aalalang sabi ni Lea na tila may masamang mangyayari oras na pumasok siya sa loob ng hotel. "And mind you, kanina pa kung makatingin 'yang ex-best friend mo at papatayin ka na yata. Kung makalingkis kay Marion ay kulang na lang itali sa baywang niya."
"Bakit kasi hindi pa niya pakasalan?" tanong ni Sharmaine.
"Ang tanong, bakit hindi siya niyayayang pakasal?" sagot ni Janine.
Umikot ang mga mata ni Crystal sa sinabi ng mga kaibigan. Kung mag-usap kasi ang mga ito ay para siyang hindi nag-e-exist sa mundo. Tumahimik lang ang mga ito nang nasa loob na sila ng reception area ng hotel kung saan ginanap ang selebrasyon ng kasal nina Eliza at Marc. Parang naging college reunion ang kasal ng dalawa. Matapos kasi ang siyam na taon ay ngayon lang sila nakumpleto. Siniguro talaga ng mga ito na makukumpleto silang mga kaibigan nito ngayong araw. Sa isang mesa, kasama niya sina Sharmaine, Janine, at Lea at ang kanya-kanyang asawa ng mga ito. Sa mesa nila, siya lang ang walang kasamang lalaki. Lahat ng mga kaklase niya noong college na nagsipunta ngayon ay may sariling pamilya na.
Nang magsimulang tumugtog ulit ang malamyos na musika sa dance floor ay nagsitayuan ang mga kaibigan niya at nagsayaw. Naiwan siyang nakaupo sa mesa. She felt awkward. Kanina pa siya hindi mapakali mula nang simulan ang kasal nina Eliza at Marc. Parati kasing tinatanong ng iba kung kumusta na siya hanggang sa kung may asawa na siya. Kapag sinabi niyang wala, dederetso ang mga ito sa pagsasabing hindi na siya bumabata, at kung ano-ano pa na tila requirement sa buhay ang pagkakaroon ng asawa.
Pero hindi mapigilang malungkot ni Crystal. Hindi niya maitanggi sa sarili na naiinggit siya sa mga kaibigan. Naramdaman na ng mga ito kung paano ang tunay na magmahal at mahalin din. Her friends already experienced how to fall in love, how to wear a ring given by a man and how to say "I do." Pero siya, hanggang sa nobela na lang yata nakakaranas ng ganoon. Kung ano ang kinasagana ng mga nobela niya sa pag-ibig ay siyang kinatumal ng buhay pag-ibig niya. Naalala tuloy niya ang kanyang lola na si Mamang. Maging ang abuela ay nagsasawa na sa kakarekomenda sa kanya sa iba't ibang lalaking anak ng mga amiga nito mula pa nang mag-beinte-kuwatro siya. Gusto na rin nitong mag-asawa na siya at magkaroon ng apo mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
ANG CHINITO NG BUHAY KO (Soon To Be Published)
RomanceANG CHINITO NG BUHAY KO BY EMERALD JADE