CHAPTER 2

33 2 0
                                    


"so, pano bayan mauuna na kami khera ha?" si benj

tumango lang ako sakaniya.

"bat kasi ayaw mong sumabay? sa labas lang naman eh" pamimilit ni shay

natawa naman ako sakaniya. alam ko pero ok nako sa paglalakad. hindi naman maaraw kaya masarap ang hangin.

"sige na umuwi na kayo, mapagalitan pa kayo ng mga driver ninyo eh. masarap ang hangin kaya maglalakad ako" sabi ko sakanila at wala namang naka angal. alam nila kung gaano ko ka-gusto ang kalikasan.

ang kukulit.

nang nagsimula na akong maglakad Pauwi ay nagsimula naring mag lakbay ang aking isip. 'Akhera asan naman ba tayo kukuha ng pera?' tanong ko sa sarili ko

Paano ba naman eh may babayaran kami sa  school, at kelangan ay makabayad na ako sa isang linggo.

"Asan naman ako kukuha ng 150 pesos?
Ang laki nang halaga nun. Isipin ko palang ang magiging reaksyon ni nanay ay naluluha nako." nanlumo ako bigla
May mga araw kasi na 20 pesos lang ang nabibinta ni nanay.

"Asan naman ako kukuha nun?"  Tanong ko ulit sa sarili ko. habang naglalakad ako ay panay sipa lang ako sa  Lahat ng nakikita kong maliit na bato.

"Kung pwede lang na tumigil nalang ako sa pag aaral at tumulong nalang sa paglalako ng tinda ni nanay, ginawa kona. Pero hindi pwede." Umiling iling ako. Hindi ako dapat mag isip ng ganun. Dahil paano ko maibibili si nanay ng mga magagandang damit pag wala akong trabaho?

"Hindi yun pwede.. Kaya ko to"  malakas kong sinipa ang bato at bigla akong nakarinig ng sigaw pero hindi kona pinansin. sinilip ko ang kanang sapatos ko, sira na talaga 'to at mas lalong lumukot ang mukha ko ng muli akong maglakad ay naghiwalay na ang katawan nito.

Umupo ako sa may malaking bato at hinubad  ang sapatos ko. "Suko kana?" Tanong ko sa sapatos, kahit alam ko namang kung kaya nitong magsalita ay matagal na ako nitong pinagsabihan na tapos na. Napabuntong hininga nalang ako.

"Ahm-" Liningon ko kung sino ang nagsalita. haluh! Oo nga pala!

"Hindi kaba mag so-sorry?" Seryosong sabi niya.

"Bakit naman ako mag so-sorry?" tama bakit naman??

"Nung sinipa mo ang bato ay sa-" bigla siyang tumigil at nakakatitig lang siya saakin

umiwas ako ng tingin. "ano bang trip niya?" bulong yun dapat pero narinig niya!

"hey look nung sinipa moyung bato sa shoes ko tumama" biglang naiba ang tuno ng boses niya. sumuplado bigla

Nailang ako bigla dahil napaka laki ang pagkakaiba namin.  Tinago ko sa likuran ko ang sapatos ko. Pupunasan lang yan at magiging  makinang na ulit ang sapatos ng lalakeng to. Pero yung sa akin ay kahit gaano kopa punasan ay wala na.

"May nasabi ba ako" alanganing tanong niya.  Agad ko namang pinahid ang luha sa mukha ko.

Tumingala ako sakaniya. Dahil medyo may katangkaran siya keysa saken. At ngayon kolang napag tantong siya yung lalake kaninang umaga. Yung naka sakay sa magarang sasakyan.

Kinuha ko yung panyo sa bulsa  ko at hindi nag dalawang isip na punasan ang dumi kung yun ang ibig niyang sabihin.

Agad siyang umatras ng akmang pupunasan kona'yun.

"What are you doing?!"sigaw niya!

'ano bang problema nito? akala ko ay ganun!'

"Wala akong pera para bayaran ang pang palinis sa sapatos mo kaya ako nalang ang pupunas" sabi ko habang naka luhod parin.

The Moment You Left Me (The Moment Series #1)Where stories live. Discover now