Chapter 21

2 0 0
                                    

Adventure No. 2 Sagada



"Ayan, tanga kasi" malakas kong tinawanan si Quen when he flipped at buti nalang nakahawak sa akin kasi hindi niya nakita yung bato. Napasimangot nalang siya at naunang maglakad habang walang tigil parin ako sa tawa.


It's the 12th of December, a day before our first monthsary and we decided to celebrate it by climbing up Sagada and stay there for a night to meet the Sunrise. Papalubog na ang araw ng makarating kami sa taas. May ibang nag se-set up na ng tent at may iba ring nag ca-camp fire.


"Where should we set up?" I asked Quen, tinuro niya naman yung bakanteng part kaya nilapag ko na ang mga gamit ko at naupo sa malaking bato. Napagod ako sa kakaakyat noh. Buti nalang nasanay ako noon na todo training sa volleyball kaya hindi na ako masyadong nahirapan at madaling napagod. Pero pagod ako ngayon.


"Babe can you hand me the water please" aniya kaya inabot ko naman yung tubig sa kaniya. Ang pawis pawis pa niya kaya kinuha ko yung face towel niya at pinunasan ang gwapo niyang mukha. "Thank you love" he said and kissed my cheek.


Tinulungan ko siyang mag set up ng tent, at habang nag peprepare siya para gumawa ng camp fire ay naglagay ako ng foam doon sa loob ng tent at inayos yung ibang gamit namin. Nilabas ko rin yung ibang pagkain para sa dinner. I brought my polaroid camera with me kaya nag picture-picture ako doon. I took a stolen of picture of him na nakatingin lang sa langit dahil gabi na at visible na yung stars. I also took a picture of the camp fire, myself and also a picture of both of us.


"This one's nice, let me keep it" sabi ni Quen matapos ihipan yung picture


Kumain lang kami ng dinner at tumambay lang sa camp fire para mag usap ng kung ano-anong bagay. We asked each other what we wanted to do sa next anniversary namin and we both had different ideas.



"Should we go abroad?" He asked



"Libre mo pamasahe ko?" I chuckled habang ngumunguya ng marshmallow



"Sure" he said like it wasn't a big deal



"At saan naman tayo pupunta?"



"Where do you wanna go?"



"Marami, pero Japan siguro dahil malapit lang"



"Have you been there?" Umiling ako "I've been there and it's nice, we should go"



"Kung papayagan ako" I chuckled "Malayo rin yun, hindi Camiguin lang" I chuckled



"Well if hindi ka papayagan, we can go somewhere Local naman"




"Next month pa naman yon, malay mo payagan ako"




Sana nga




The next day, dahil sa sobrang excited kong maabutan yung sunrise nag alarm talaga ako at ginising si Quen. His brows were furrowed but when he opened his eyes and saw me, agad siyang ngumiti.



"Babe let's go! Anjan na yung araw!" Parang batang akala mo first makakita ng araw yung exitement ko te kaya walang nagawa si Quen at sinundan ako palabas. It was only 5:15 in the morning pero may kaunting ilaw na mula sa araw kaya na exite ako. Nasa labas narin ng tent yung ibang tao, inaabangan yung pagsikat ng araw. Quendrick wrapped his arms around my weist and laid his head on my shoulder. I was even holding my polaroid camera kaya hindi ko na napigilan ang kumuha ng pictures. Quen was just smiling, and I was smiling too. When the sun slowly came out, I just can't help but be amazed by the view. The sea of clouds, and the beautiful sunrise.



My Greatest Adventure (BRKDA SERIES 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon