Nung gumabi na ay napagdesisyonan ko nang umuwi kaya nagpaalam na ako sa pamilya niya, saka kami umalis ni Quen at para maihatid niya narin ako.
Habang nasa biyahe ay panay kwentuhan parin kami sa mga nangyari kanina. We laughed and smiled a lot. Natuwa kasi ako doon sa mga kwento ng lola at lolo niya. Para kasi kaming mga bata kaninang nakikinig habang nag so-storry telling sila tungkol sa love life nila. That was his grandparents sa father's side. Nasa Italy raw kasi yung sa mom side niya naman. Nandun rin ang parents niya actually.
Pagkarating namin sa kanto malapit sa bahay kung saan niya ako palaging hinahatid, nilabas ko yung gift ko para sa kaniya sa bag ko.
"Merry Christmas babe!" sabi ko at nilahad sa kaniya yun
"Wow! What's this??" Na e-excite na aniya
"Just open it, dummy" I chuckled kaya pinunit niya naman yung wrapper at napaawang ang bibig niya ng makita ang regalo ko
"Babe-wow! I've always wanted this brand, and the exact color! Babe, mahal toh!" Halo-halong tuwa at hiyang aniya
"You deserve only the best"
"Ang sweet talaga ng baby ko, thank you!!!!!" Aniya't niyakap ako saka dinadampi-dampian ng halik ang pisngi ko "I love you so much talaga!"
"Awe, I love you too babe" my heart was melting in awe
"Pero shempre, meron din akong gift para sa 'yo!"
"Talaga?! Owemji, I'm excited!" Pumapalakpak pa ako na parang bata. May kinuha naman siyang paper bag mula sa backseat at binigay sa 'kin yun.
"Merry Christmas my love" sweet na aniya kaya kinilig naman ako! This guy really knows how to make me go kilig overload.
"Owemji, where did you buy this?! This is a limited edition!" Hindi makapaniwalamg sabi ko nang buksan ang paperbag na may laman na box na may laman na heels. They were a pair of black Louis Vuitton heels. I knew damn well they were expensive.
"I have my ways" aniya't ngumisi at sa sobrang tuwa ay hinalikan ko siya sa labi. Dampi lang sana yun but he held my head and leaned me closer and kissed me deeper.
"Babe it's getting late, hinahanap na nila ako" hinihingal na sabi ko
"Five more minutes" aniya kaya natawa nalang ako.
Five minutes? Yeah right, it became 30 minutes of making out inside his car. Oh hell.
It was around 1 am when I was videochatting with the squad. Kumpleto kami. Ako, si Kaia, Amarah, Auri, Blaize at si Noeh. Nag plano kasi kami na sabay-sabay buksan ang mga regalo namin sa isa't-isa. Yung kay Noeh nga ilang buwan na naming pina ship para lang umabot siya sa araw na bubuksan namin. We do this every year, it was like a tradition.
[Okay, 1..2..3, open!] Sabi ni Amarah kaya sabay-sabay naman naming binuksan ang mga regalo namin. Una kong binuksan yung regalo ni Kaia at napasapo ako sa noo ng makatanggap ng mug rin na may nakasulat na "bestest bestfriend in the world".
[What the hell is this Kaia?!] Reklamo ni Blaize. It turns out we all had the same gift. Iba-iba nga lang yung design at nakasulat.
[Hoy, pina customize ko yan at ang mamahal kaya ng mga mug na yan kaya huwag na kayong umangal!] Aniya. Kuripot talaga kahit kailan.
[Aba kingina, fake friend spotted. Bakit double R yung Auri, ha?!] Reklamo ni Auri
[Hehe sorry, namali kasi yung gumagawa niyan. Ang mahal na kasi magpagawa ulit, hehe Merry Christmas Byang] sagot ni Kaia kaya nagtawanan naman kaming lahat maliban kay Auri