𝗨𝗡𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 (13)

16.5K 552 23
                                    

𝗨𝗡𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 (13)

"Princess! Hello! Welcome back!" Nakangiting saad nung mga kaklase ko kaya napangiti ako... Nasa itaas sila at nung makita ako ng isa sa kanila ay tumakbo ito pabalik dala ng iba pa naming kaklase at pinuntahan ako

"Are you alright now princess?"

"Princess okay ka na ba? Wala na bang masakit sayo?" Kanya kanya nilang tanong kaya tumango ako at agad na pumasok

"Halinakayo... Papasok na si ma'am" Saad nung isa. Agad naman nilang binuksan ng malaki ang pinto at maya maya pa ay pumasok si ma'am... Nakangiti sya samin

"Section Useless! I have a good news to all of you! I just want to congratulate Yuri Medusa at Karina Miranda for winning the poster and slogan making contest yesterday!" Masaya nyang saad. Natulala naman ako. Pero kalaunan ay pumalakpak din.

Seryoso? May ganun din dito?

"At dahil dyan, meron kayong 5,000 royal money na makukuha ng section nyo... Para ito sainyo at magsaya kayo it's because you defeat some royalties at the contest too." Nakangiti nyang saad. Tinanggap naman nila yun at nagulat ako nang bigla nila itong ibigay sakin

"B-bakit nasakin toh?" Nagtataka kong tanong at tiningnan sila. I saw their smiles saka nagsalita ang isa

"Ikaw po dapat ang magkeep nyan princess. Kase from now on, you will be our president in this section" Nagulat ako. Seryoso? Ako? Magiging president ng section useless?

"H-hindi na! The treasurer might keep this one... Hindi ko kayang mahandle to lahat. Ang dami nito" Saad ko. Tiningnan ko ang supot at naglalaman ito ng gold royal coins. Ang dami at nakakaatract tingnan...

"We don't have any treasurer here po kaya we decide na kayo nalang ang magkeep nyan" Saad naman ni Yuna at nginitian ako. Ngumiti nalang din ako bago sila tiningnan

"Sige... Pero dahil nanalo kayo... What if magcelebrate tayong lahat?" Suggest ko para naman maging masaya sila. Seems like, they have no freedom here kase nga useless ang tingin sa kanila. Base din s nabasa ko, kapag may field trip, ang mga useless section ay hindi pwedeng sumama. Tanging mga royalties or even mga vampires na kahit hindi royalties na may powers ay makakasama

"Sige!"

"Woaahhh! Exciting"

"Oh my god! Kelan ba?!"

"Shemms! Makakapag celebrate tayo!"

"I recommend sa beach!"

"Mag inuman tayo!"

"Yeyy! Excited na ako!"

Napangiti ako sa mga reaction nila. Binalingan ko si ma'am na nakangiti kaming tiningnan.

"Ma'am, do you mind if isasama namin kayo?" Nabaling ang tingin nila lahat kay ma'am. Natigilan naman ito bago magsalita

"No, okay lang ako class... Mag celebrate kayo. It's your class victory kaya dapat maging masaya kayo" Saad nya

"But ma'am. Hindi po kami mananalo if wala kayo. If di nyo po nirecommend samin na sumali... Kase nahihiya kami pero dahil sa pag checheer nyo, nanalo kami!" Nakangiting saad nung isa. Hindi ko alam ang mga pangalan nila. But familiar ang mga mukha nila. And makikilala ko kung belong sila sa section useless

"I have many stuffs to do pa kase" Pagtanggi nya. Pero pinilit sya ng mga kaklase ko

"Sige na ma'am! Magsaya din kayo! You're a teacher of useless Section kaya di rin kayo nakakatanggap ng fair treatment gaya namin" Malungkot na saad nung isa. Ngumiti naman ng mapait si ma'am. Well, gaya rin sa amin na useless section, our techer did not receive a fair treatment too... Ibabase kase sa kung anong section ang hinahandle mo kase kung sa royalties section ka ay nakakatanggap ka ng fair and good treatment and tintingala ka tlaga gaya ng hinahandle mong section

"Sige na nga! But before that, kailangan muna natin magpaalam sa mga dean" Nakangiti nyang saad kaya nagpalakpakan kami. Agad naman silang nag uusap usap sa mga gagawin nila. Kung ano ang mga dadalhin. Well, 5,000 royal money is malaki din yun... Pwede ka na ring makabili ng mga shopping items kung nasa real world ka. Mas malaki pa ata ang halaga nun kesa sa real world eh


"What are you thinking?" Napatingin ako sa nagsalita and it's Yuri. Ngumiti ako sakanya

"Nothing... Ang saya pala dito noh?" Pag iiba ko ng usapan at tinitingnan ang mga kaklase namin na masayang nakikipag kwentuhan kay ma'am...

"Yeah... We treat each other like brothers and sisters" Ngumiti sya. Napatango ako...

"You know what? Dito lang naman sa section na to nakaranas ako ng pagmamahal. Dito ko nakikita sainyo yung meaning ng salitang pamilya... Salamat din pala kase tanggap nyo ko" Saad ko. Syempre, kailangan kong iemphasize si Veronica. Veronica is always living under the dark. Crying together with the rain. And comforting herself. Nakakaawa sya. Veronica deserves better and he didn't deserve to be treated like a tr*sh...

"Always welcome... You know, ayaw lang naman namin maramdaman mo na nag iisa ka, because we experienced that too... And ayaw naming maranasan yun ng iba na nag iisa" Nakangiti nyang saad.

"Nga pala... Do you bring some guards ba?" Tanong nya bigla. Napakunot naman ang noo ko. Guards?

"Guards? Wala naman... I didn't" Saad ko. Nagtaka naman ang mukha nya

"Who are they?" Turo nya dun sa mga guards na nasa labas. Napatulala ako. If I'm not mistaken, this guards came from Hemillton Kingdom... What are they doing here?

"Seems like, he's guarding you" Tiningnan ko si Yuri and nakita kong seryoso na ang mukha nya

"Who? I mean... Sino namang magbabantay sakin? Everyone doesn't care about me kaya except this section" Saad ko. Nilingon ko ang mga kaklase ko at nakita kong nagtataka din sila kung bakit may mga guards sa labas.

"Who are they? Are they guarding someone?" Rinig kong tanong no Vianna

"I think it's princess Veronica... They're guarding her... For what?" Doon na ako napat*nga sa sinabi nila.

Biglang lumabas sa utak ko yung sinabi ni Lyford. Ito na ba yung sinasabi nyang babantayan nya ako? Akala ko ba hindi yun totoo?

Reincarnated as Vampire's Unwanted MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon