“MAGANDANG ARAW at mabuhay, sir at ma’am. Daan po kayo sa Grinders Espresso Bar. We have anything you want, from coffee to best breakfast na pagsisishan niyo kung hindi niyo matitikman,” saad niya sa pinakamataas na energy na makakaya niya.
Kasalukuyan siyang nasa labas ng cafe kung saan siya nagtratrabaho bilang isang part-timer. Usually ang kaniyang puwesto ay sa counter siya ngunit dahil sa unfortunate events na nangyari sa kaniya ng umagang ‘yon na naging sanhi ng kaniyang pagka-late ay sa labas siya ipinuwesto ng kaniyang manager bilang parusa. Suot ang napakainit na mascot kung saan balot na balot ang kaniyang buong katawan.
Hindi naman siya nagkimkim ng sama ng loob dahil kasalanana naman talaga at saka hindi naman madalas na magalit ito sa kaniya. The truth is mabait naman nito sa kaniya.
“Pathetic girl.”
Pakiramdam ni Sania ay nanigas ang kaniyang buong katawan ng muli niyang marinig ang boses ng isang lalaki na bumulong sa kaniyang kaliwang tenga. The same voice she heard when she met the man a while ago. Iginala ni Sania ang kaniyang tingin sa likuran upang tingnan kung mayro’n bang tao ngunit sa kaniyang pagtataka ay wala ni isa ang naroroon kun ‘di siya lang. Napakamot siya sa likuran ng kaniyang ulo. Hallucination pa rin ba ito? o hindi kaya nababaliw na ako?
“Sania.”
Sania startled when someone patted her right shoulder. She sighed in relief when she saw it was her friend-slash-classmate Leslie. Her friend was looking at her with concern visible in her face.
“Okay ka lang ba, bestie?” tanong nito sa kaniya. “May inihanda akong meryenda sa loob. Kain ka na muna. Halos dalawang oras ka nang nakababad sa initan. I’m sure na gutom ka na. Umalis na naman si manager kaya wala ka ng aalalahanin pa,” dagdag pa nito sabay hawak sa kaniyang kaliwang kamay at hinila siya papasok ng cafe. Hindi naman tumutol pa si Sania dahil nararamdaman na rin niya ang gutom kaya siguro kung ano-ano na lang ang kaniyang naririnig.
Nang makapasok silang dalawa ni Sania sa loob ng cafe ay may nakita siyang iilan na customer ang kumakain ng kanilang agahan. It was past 10 in the morning kaya hindi na kataka-taka na paunti na ang mga customer. Usually ay six to nine ang dagsa ng mga customers para kumain ng agahan. Ang kasunod na dagsa ng customers ay between 11 to 1 in the afternoon.
Inalis ni Sania ang ulo ng mascot sa kaniyang mukha at nagtungo sa island counter ng cafe.
"Good morning, my cutiepie! Here's your breakfast made by my pure love," saad ng isang lalaking kakalabas lang ng kusina. Nakasuot ng puting uniporme at puting sumbrero habang malawak na nakangiti sa kaniya.
It was Nick, ang isa sa mga chef ng cafe at isang full-time employee sa cafe. Bagamat halos limang taon ang agwat sa kaniya ay ayaw nitong nagpapatawag sa kaniya ng kuya. Nick always treated her nice like a big brother kaya naman gano'n na lang ang kagaan ang kaniyang loob dito.
Umupo si Sania sa isa sa mga upuan na nasa island counter kapagkuwan kung saan nilagay ni Nick ang isang orange juice at isang plato na may dalawang island sandwich which is the bestseller ng cafe nila. Hindi naman ipinagbabawal na kumain sila sa cafe dahil libre na 'yon sa kanila. Bawal lang pagkain sa oras ng dagsa ng mga customers.
"Kumain na rin ba kayo ng agahan?" Sabay abot ng juice upang uminom. Muntik na niyang maubos ang laman ng baso sa tindi ng pagkauhaw na kaniyang naramdaman sa labas.
"Oo, kumain na rin kami. Ikaw na lang ang hindi kaya simulan mo nang kainin 'yang inihanda ni Kuya Nick," sagot ni Leslie na siyang umupo sa kaniyang tabi.
"Huwag mo kaming alalahanin, my cutiepie. Ang mahalaga sa akin ay kumain ka ng mabuti," sagot ni Nick habang nakapalumbabang nakatingin sa kaniya. Napangiti na lang si Sania sa sinabi nito kapagkuwan ay napunta ang tingin sa likuran ng lalaki.
BINABASA MO ANG
His Mate
Fiksi Umum"Since the beginning, I knew I wasn't sure but I felt like our fate was already decided."