Cupcakes
"Ilang supot nitong harina ate Lav?" Tanong ko sakanya habang kumukuha ng harina.
Nandito kami ngayon sa Mall at namimili ng mga ingredients. Nabanggit kase ni ate Lav na marunog siyang mag-bake kaya ayun, kaagad kaming napasugod dito sa Mall.
Lumingon siya sakin. "Siguro mga lima? Uhm, bahala ka na kung gaano karami ang gusto mo." Aniya. "And remember, Lav, Lav, Lav, hindi ate Lav. Okay?"
"Okay!" Natatawang sagot ko habang kumukuha ng limang supot ng harina at inilalagay sa cart namin.
"Teka, doon naman tayo, Scarlet." Sabi niya na nakanguso sa bandang may mga asukal.
Tumango ako at tumulong sakanya sa pagtutulak ng cart. May kabigatan narin ito dahil sa marami-rami narin ang mga nadampot namin. Kumuha narin ako ng ibang mga gamit sa bahay kagaya ng shampoo, toothpaste, toyo, asin, sabon panlaba at iba pa at pati narin iilang mga pagkain para narin may stock sa bahay.
Halos magulat ako nang bigla kong maramdaman na nag-vibrate ang phone ko, hudyat na may panibagong mensahe.
Kinuha ko ito sa bulsa ng pantalon ko at bumungad sa'kin ang pangalan ni Vance sa screen nito. Kaya pala sinabi niyang; Let me know when you got home, ay dahil isinulat pala niya ang phone number niya sa kamay ko nung naglaro kame kaya naman sinave ko ito at pagkatapos non ay tinext ko siya na makauwi na ako.
Natawa ako ng palihim sa tinext niya, kinukwento niya ang mga naging karanasan niya doon sa room kung saan kami nakulong.
Habang nagta-type naman ako ng ire-reply ko sakanya ay napansin ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Lav. Tumigil muna ako sa ginagawa ko at lumingon sakanya. Ngumiti siya at sumipol-sipol pa at pagkatapos ay naglakad-lakad na habang tumitingin-tingin ng mabibili.
Napakunot nalang ako ng noo. Weird.
Hindi ko nalang siya pinansin at ibinalik na ang atensyon ko sa hawak kong phone at nagsimula na ulit mag-type habang naglalakad-lakad kasama siya.
"Princess!"
"Princess!"
Noong una ay sinadya kong hindi lumingon dahil baka nagkataon lang na kapangalan ko ang tinatawag niya pero ngayon ay napagpasyahan kong lumingon na nang makasiguro narin.
Ngumiti siya. Ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa cart at ang kanan naman ay may hawak na phone.
"Vance?" Gulat na banggit ko sa pangalan niya.
Nabaling naman ang paningin ko sa humawak sa braso ko.
"Shemay! Kinakausap pa man din kita, ngayon pala nandito ka. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao dun, akala siguro nababaliw na ako. Nakaka---Oh my gosh, who's that guy?" Ani Lav.
"Yow, Princess!" Bati niya.
"Yow, Vance!" Medyo awkward na bati ko rin. "Si Lavinia nga pala, kaibigan ko."
Lumingon siya kay Lav. "Oh, hey Lavinia! I'm Vance." Nakangiting sabi niya sakanya at saka naglahad ng kamay.
"H-hey," bati rin ni Lav at saka sila nagkamayan. "Naku! Lav nalang o kaya kahit Vin, pero parang panlalake naman yata yung Vin? Kaya Lav nalang pala. A-actually kahit anong itawag mo saken." Aniya.
Nagkunot ng noo si Vance. "Okay, Lav." Sabi niya at ngumiti.
"O-okay." Nauutal na sabi ni Lav.
Lumingon sakin si Vance. "We're just texting and now we're here talking, face to face. What a coincidence, right? Anyways, nice to see you here, Princess." Lumingon siya kay Lav. "And Lav, nice to meet you." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Fall of the opposites
Narrativa generaleA story of an almost-perfect girl and a bad*ss guy. Let's find out on what will they do if they realize that they are falling in love with each other. But, what if a revelation change them? Will they still be able to catch each other's falling heart...