Valentines Fail [One Shot]

41 1 0
                                    

February 14.

Ano nga bang meron tuwing February 14? Valentines? Oo na nga. Bigayan ng flowers dito, bigayan ng chocoloates diyan at kung ano-ano pang mga karaniwang ginagawa ng mga nagmamahalan 'daw' diyan sa tabi-tabi. Yung tipong ang bawat kalyeng lalakaran mo e puno ng naglalampungang couples na di mo alam kung nang-iingit o sadyang masyado lang silang focused sa isa't-isa.

Wala akong ka-date. Oo na. Ako na nagpapakasingle awareness day ngayon.

Maganda naman ako e! T_____T Sabi ng nanay ko! Haha, joke.

Sorry naman ha, tinatanggihan ko kasi lahat ng nag-aaya sakin.

Bakit?

Simpe lang. Isa lang naman kasi ang gusto kong maka-date.

Siguro naman lahat tayo dito may pinapantasyang isang taong biglang susulpot with matching flowers, chocolates, bear at kung minsan pa nga may harana pa.

Ako si Psyche. Edi nanay at tatay ko na mahilig sa greek mythology! Hay.

Siguro din ay naiintriga kayo kung sino yung gusto kong makasama ngayong araw? Kung oo, good. Kung hindi, sorry ka at ishehare ko parin! Mwahahaha.

Ganito kasi yun. Siya si Greyson. Hindi si Greyson Chance, okaaaay? Basta si Greyson. Junior. Matangkad, maputi, ma-appeal, future captain ng varsity ng basketball team. In short, gwapo. Maraming fangirls at kung ano ano pa.

May girlfriend? WALA. May ka-M.U.? Unfortunately, OO. So what diba? Bf/gf nga nagkakahiwalay, sila pa kayang more than friends at less than lovers ang peg?

May ka-date ba ngayong araw? Sa pagkakaalam ko, WALA. Odiba, bongga. May chance pa.

Maaga akong pumasok, ayoko kasi ma-late dahil sa mga nanghaharang sa gate na nagtitinda ng mumurahing plastic roses, heartshaped balloons at kung ano ano pa. Dyahe kaya. So yun nga, maaga ako pumasok. May program sa ngayon dahil nga daw heart's day echos daw ngayon. Mamaya a naman yung magsstart kaya pumunta muna ako sa room at tumambay.

Nagring na ang bell at hudyat(naksss hudyat, di pwdeng signal?) na yun na magsstart na ang program kaya nagpunta na kami ng mga kaklase ko sa covered court at kung sinuwerte nga naman, katapat pa namin yung section nila Greyson, that means magkaharap kami kasi nga sa bleachers kami nakaupo. Yun oh, kitang kita si crush!!!

Magkakatabi kami ng mga kaklase kong may gusto rin kay Greyson. May mga babae at may mga nagpaanggap ding babae pero magkakasundo kami kasi nga iisa lang naman ang aming target. XD

Buong program kaming nakatitig at pinagmamasdan ang bawat kilos ni Greyson. Grabeee ang gwapo at ang angas niya talagaaaa. Kyaaaaa, I'm gonna die!!!!

Tapos may part sa program na pagbibigayan ng gifts sa mga gusto mong bigyan. Of course may mga natanggap ako pero ang pinagkakaabalahan ko talaga ay ang titigan si Greyson kung may pagbibigyan siya ng gift. Pero hallelujah praise the Lord!!! WALA!!!

Half day lang ang program at loner ako ngayon kasi ang mga kabarkada ko may sari-sariling agenda. T_____T

Pumunta ako sa quadrangle at umupo sa isa sa mga bench dun. Nagsosoundtrip lang ako sa iPod ko nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko.

Paaalisin ko na sana dahil sinisira niya ang emo moment ko, kaso pag lingon ko...

OHHHH SH*T!!!! SI GREYSON.

Define literally jaw dropped ako?!?

Imagine, ang long time crush mo, yung tinitilian mo tuwing may interschool tournament ng basketball katabi mo! Katabi mo!!!! HELLO?!? Mga tipong kalahating ruler lang ang pagitan namin.

Valentines Fail [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon