Chapter 3

11 6 0
                                    

Tuesday, June 24

Alices Home

Alice POV:

"Alice gising na!" Sigaw ni mama pero di ko ito pinansin

"Alice wag mo nakong paakyatin jan!!"

Rinig ng buong bayan ang nakakainis na sigaw ni mama. Di na ko bata pero sinisigawan parin ako. Tinakpan ko nalang ng unan ang tenga ko at pinikit ang mga mata. Nasilayan ko ang napakaliwanag na ilaw na sumisilip sa kurtina sa labas ng bintana. Rinig ko ang huni ng ibon sa bakuran, ang saya mabuhay, napakasaya.

*Pinch

"Aaaray!!"

Dining Hall:

"Ito na, kumain ka muna." Nilagyan ni mama ng beacon ang plato ko

Kumain ako ng tahimik habang iniinda ang sakit ng kurot na binigay nya kanina. Ramdam ko ang hapdi habang naliligo ako sa CR. One day talaga, isinusumpa ko, promise gaganti rin ako.

"Ito na baon mo, dalian mo na late ka na!"

Nagmadali akong lumabas sa bahay papuntang campus. Nagmuni muni muna ako kung ano ang gagawin ko para makaganti.

"Putulan ko kaya ng dahon yung alaga nyang halaman." Naisip ng dalaga.

*Sigh

"Siguro easy life yung dalawa kumpara sakin, bat kasi sya pa, bakit. Bakit!?"

Nagtinginan sakin ang mga taong kasunod kong naglalakad at nag bibisikleta.

"Malakas ba boses ko? Narinig ba nilang inalipusta ko mama ko?"

"Ahhh mga araw ng kabataan." Sambit ng isang matanda na nagwawalis ng daan

"Iba talaga pag nagmamahal, *sigh nakakabata."

"Di ako in-love! Nang iinsulto kaba? Purket singl-!" Sumbat ko sa kanila.

Natigilan ako ng nakita ko ang mga taong nasa paligid ko. Ngayon ko lang napansin na puro matatanda yung kasama ko. Nagmadali akong naglakad at iniwan sila, ramdam ko ang titig ng mga taong nakarinig sakin.

"Pfft— "

"*Sigh nakakaawa naman."

"Grrr Rinig ko kayong lahat, bat kasi ang malas ko ngayon. Wala kayong respeto sa mga single."

Nagngitngit ako sa daan papuntang campus at nakita ko ang isa pang nagpapahirap sa buhay ko.

"Late ka nanaman, wala ka namang kakapuyatan tapos ang lapit lapit ng bahay nyo pero huli ka palagi, in-born ba yan? Pabigat ka sa lipunan."

"Tssskkk."

Kalbong to, mamatay kana sana, kunin kana sana ni Lord. Kung di lang ako nagmamadali papaulanan kita ng banat. Humanda ka sakin mamaya.

"Wala kang masabi no? Kasi totoo, Pabigat Ka!"

Sige lang kalbo sigaw, di mo na magagawa yan bukas. Bukas todas ka sakin, gigisahin talaga kita.

"Alam mo bagay talaga kayo."

"Wag ngayon, mapapatay ko talagang kalbong yun!"

"Shuusshh wag ka na mag ngitngit jan, late na tayo."

Tumakbo kami sa Hallway papunta sa kabilang school building kung saan yung classroom namin. Rinig yung lagapak ng sandals namin sa hallway, naririnig ko rin ang hingal namin dalawa habang tumatakbo.

The Forgotten Aster On A Summer Field.Where stories live. Discover now