One Shot Story

2 0 0
                                    

Paano Umuwi?



"Saan punta mo ngayon?"

"Jogging lang po, ma."

Tumango si mama. Tinapos ko na ang pagsintas ng rubber shoes ko.

Lumabas na agad ako ng bahay. May tinanong pa si mama kaso hindi ko na napansin ba dahil sa excitement na nadarama.

Kasama ko tita ko ngayon para mag jogging, medyo malayo ang lalakarin namin makapunta lang sa patutunguhan namin. Hindi kami sa iisang bahay nakatira ng tita ko dahil hindi na rin kami magkakasya sa bahay. Limang taon lang tanda sa akin ng tita ko kaya madali ko siyang maka close.

"Tara na?" tanong ko sa kaniya. Nakatayo siya ngayon sa gate ng bahay nila at parang tinitignan ang bawat angulo ng kanilang bahay.

"May dala ka bang pera para sa pagkain mamaya?"

"Akala ko ba jogging?" Nakakunot kong tanong. Natawa siya sa reaksyon ko.

"Malay mo magutom ka doon medyo malayo pa naman. Pamasahe pauwi meron ka?"

"Libre mo na lang ako."

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Ito namanng tita ko parang hindi mabiro. Chill. May pera ako.

"First time ko na lang ulit makakapag jogging after pandemic. Ayoko namang mag work out sa bahay kase matutulog lang din naman ako pagkatapos..."

Naglalakad na kami. Puno ako ng kwento habang siya ay masayang nakikinig. Hindi naman ata siya nagsasawa sa boses ko e no?

"Kamusta sa bahay?" tanong niya.

Uminom ako ng tubig mula sa plastic bottle. Nangangalahati na kami bago makapunta doon. Wala pa nga kami sa Haven Cemetery ay nasakit na paa ko.

Tama. Malapit sa sementeryo kami nag jo-jogging. May jogging area kase doon.

"Okay naman. Malapit lang naman bahay niyo bakit hindi ka pumunta sa bahay?"

Napatingin ako sa mga babaeng mga nasa 40s na ang edad. Masama ang tingin nila na parang sobrang dumi ng suot ko para i judge nila. Tss.

"Busy pa ako ngayon." Sabi niya.

Kaunti na lang ay nakadating na kami. Sobrang ganda talaga dito. Inikot namin ang buong area. Kumukuha pa ako ng video kaso ayaw namang sumama ng tita ko. Itsusera dati gustong-gusto niyang sinasali siya.

Puno kami ng tawanan at kwentuhan hanggang sa abutin kami ng pagod at piniling magpahinga sa isang tabi. Nakakapagod yun ah!

"Kapagod!" Sabi ko sabay inat.

Padilim na rin ang langit. Alas kwatro kami ng hapon umalis at nasa ala sais na ngayon ng gabi.

Sinilip ko ang cellphone ko ng mag text si mama. Malamang nag-aalala na si mama.

Mama:

Ano oras uwi mo? Sino kasama mo?

Si mama kung makatanong e.

"Sino yan?"

"Si mama. Tinatanong kung anong oras ako uuwi."

"Sabihin mo pauwi na rin tayo." Sabi niya kaya tumango naman ako.

Me:

Pauwi na rin. Si tita Angel kasama ko.

Pagkatapos mag reply ay linagay ko na ang cellphone sa bulsa ko. Delikado mag cellphone sa gabi.

"Uwi ka na, Bea."

"Huh?"

Napalingon ako sa tita ko na nasa malayo nakatingin. Siya ba yung nagsalita?

Paano Umuwi? - One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon