"Mr. Bottle, sa tingin mo hinihintay niya kaya ako sa kung nasaan siya ngayon? Namimiss niya kaya yung boses ko? Yung kakulitan ko? Namimiss niya kaya ako?", tanong ko sa isang maliit na boteng hawak ko. Pero hindi ito sumagot, ano ba naman kasing bagay ang magsasalita?
Andito ako ngayon sa isang tulay sa itaas ng isang ilog na rumaragasa ang tubig, na kapag sinuong mo at wala kang karanasan sa paglangoy ay mamamatay ka.
At ngayon, desidido na akong sumunod sa kanya.
Tumayo na ako, tinanggal ang sapin ng aking mga paa at iniwan ang botelyang tinanong ko kanina. Tatalon na sana ako ng,.
"Autumn!", rinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses,. Yun ang boses niya. Lumingon ako sa direksyong pinanggalingan niyon kaso wala akong nakitang tao,. Sino ba naman kasing patay ang mabubuhay, hindi ba?
Unti-unti akong humakbang hanggang sa nakarating ako sa dulo ng tulay.
"Kenji!", sigaw ko sa pangalan niya, at saka ako nagpakahulog. Dama ko ang pwersa ng mundo at ang tubig ng ilog kung saan ako unti-unting lumulubog. Bago pa ako nawalan ng malay ay may narinig akong sumigaw, na hindi naman talaga pamilyar ang boses sa akin.
"Miss!", pagkarinig ko niyan ay narinig ko rin ang tunog ng tubig dahil sa isang taong sumuong dito para siguro iligtas ako. Nag-aaksaya lang siya ng panahon dahil desidido na ako,. Nang maabot ako nung tao, saka na ako nawalan ng malay,.
Parating na ako mahal ko.
***
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nasa isa akong kwarto na purong puti ang kulay ng paligid. Nabigo ako, nailigtas ako nung taong tumawag sa akin kanina.
Wala ako sa langit kung hindi nasa isang hospital room.
"Oh miss. Gising ka na pala.", bati sa akin ng isang lalaki at nginitian ako. Malamang siya iyong taong nagligtas sa akin.
"May problema ka ba?", tanong niya at saka umupo sa upuan tabi ng kamang hinihigaan ko.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Pero sa loob-loob ko, gusto kong sabihin na, 'Oo, meron. Problema ko kung papaano mabubuhay ngayong wala na siya..'
"Hindi naman sinabi nung nurse na hindi ka nakakapagsalita. Hindi mo ba ako kinakausap dahil hindi mo pa ako kilala?", tanong niya pa ulit pero ngayon, habang nilalaro na ang kamay ko. Pinagmasdan ko lang siyang laruin ang kamay ko at hindi ulit sumagot sa kanyang tanong. Medyo gumagaan ang loob ko sa mga ginagawa niya, napaghahalataang sobrang bait at sobrang matulungin siya sa kapwa niya, malambing pa.
"Hmn, siguro nga dahil sa hindi mo pa ako kilala kaya hindi ka nakikipag-usap sa akin. Alam mo ba, muntik na akong mamatay ilang linggo na ang nakararaan? Ako si Matthew. Meron akong sakit sa puso pero ni minsan hindi ko naisip na gusto ko ng mamatay dahil alam kong marami akong kaibigan at andyan ang pamilya ko, pati si God na nagmamahal sa akin. Tapos, makalipas ang isang araw ng tignan at i-check ako ng nurse? Biglang wala na daw, wala na daw butas yung puso ko, ayos na ako. Ang weird noh? Sobra. Hindi naman kasi ako gagaling kung hindi ako magpapa-heart transplant pero ito oh, nasa harap mo ako ngayon, nagkwekwento kahit 'di ka nagbibigay ng pansin."
"Magka-iba tayo. Gusto ko ng mamatay kahit wala akong malalang sakit. Tinatamad na ako.", sagot ko sa kanya.
"Pero, bakit naman miss?"