Kathy's POV
"Yow Venven!" bati ko.
"Sup Kathy! Namiss kita!" sabi naman nya.
Nagsmile nalang ako at sabay na kaming pumasok sa classroom.
-Classroom-
"Mr. Lazaro, ikaw ang naka-assign para tulungan at matour dito sa Campus ang transferee na si Ms. Cassandra Canlas okay?, thank you" sabi ng teacher namin kay Venven.
Tapos may pumasok na maputi at magandang babae. Ang ganda nya supeer ^__^ sana maging magkaibigan kami.
Kaso nagkamali ata ako dahil simula nun mas maging close sila Venven at nung Cassandra na yun di ko na nakakasama si Venven.
-After 1 and half month-
"Venven musta na? Pwede ka bang pumunta dito sa bahay? Wala kasi akong kasama, umalis sila Mommy eh." Kausap ko sya sa telepono.
"Ahh sige sige, hintayin moko dyan ahh? Papunta na ako" sagot naman nya. Buti nalang pupunta sya.
Maya-maya may nag doorbell, binuksan ko naman ang gate at ayun nakita ko si Venven sa labas.
"Hi Ven! Musta na?"
"Hi kathy! Ayos naman! Namiss kitaaa sobraa!" at bigla nya akong niyakap, niyakap ko naman sya pabalik.
Pagkatapos ng yakapan scene namin xD
Pumasok na kami sa loob."Ahm Kathy, sa totoo nyan kaya ako pumunta kasi may sasabihin ako" sabi nya.
"Actually, may sasabihin rin ako Ven" aamin na talaga ako, aamin na ako na mahal na mahal ko talaga sya.
"Ahh sige ikaw na mauna" gentleman nya talaga xD
"Ahh ganun ahm sige, ang totoo kasi nyan ay..... M---"
*kring kring kring* *kring kri--*
"Hello??" Sagot ni Ven sa tumatawag sa cellphone nya.
"Ahh oo sige, wait lang.... Oo eto na promise... Wait mo lang ako... Yes.... Yes.... Okay bye..." At pinatay nya na amg cellphone nya.
"Kathy sorry ah? Next time nalang siguro tayo mag-usap, may pupuntahan pa pala akong importante, sige alis na ako bye at tandaan mo 'to mahalaga ka sakin" pagpapaalam nya. At agad ng umalis.
"Sige ayos lang, bye" naiwan lang ako sa loob.
Mahalaga? Pero bat iniwan nya ako? Ano kaya yun?
At yung pupuntahan nya? Mas importante pa sa tagal ng pagiging magbestfriends namin? Ano kaya yun? Or sino kaya?
Di man lang natuloy pag amin ko, at ano naman kaya yung sasabihin nya? Mabuti pa sundan ko nalang sya.
Ven's POV
*Pag-uusap ni Ven at nung tumawag*
V: Hello??
C: Huy nasaan ka na ba? Papunta ka na dito diba?!!
V: Ahh oo, sige
C: Bilisan mo ah?
V: Wait lang
C: Bilisan mo kundi magpapakamatay ako dito! Seryoso ako!
V: Oo eto na promise.. Wait mo lang ako..
C: Promise?? Promise??!!! Ok bye!
V: Yes.. Yes.. Ok bye
******Sumakay na ako sa kotse at pinaharurot hanggang sa makarating ako sa meeting place ng bwiset at baliw kong girlfriend. Tch oo! Bwiset talaga!
Bat ako nabubwisit? Kasi pinilit lang nya ako!! Baliw sya! She's insane! I hate her! And yun sana sasabihin ko sa bestfriend kong si Kathy, para makahingi ng advice at para matulungan nya ako ^__^