Guhit

334 23 19
                                    

Nagulat ako sa nakita ko.


Bakit dalawa ang doorknob ng pinto namin? Iniling-iling ko ang aking ulo at baka namamalik-mata lamang ako. Nang abutin ko ito, nagulat pa ako nang makitang dalawa ang kamay na umabot ng door knob. Napaatras ako bigla. Doon na ako bumagsak.


"Uy Paul, mukhang napasobra na naman 'ata ang inom natin ah. Kaya mo pa ba?"


Nilingon ako ang pinagmulan ng boses. Kahit na nanlalabo ang paingin ko ay nahinuha kong si Mang Pedring pala iyon. Nakatayo siya sa labas na kanilang pintuan at nakatanaw sa akin. Wala siyang suot na pang-itaas, gaya ng nakasanayan nito.


Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ramdam ko ang sakit sa bandang puwitan ko pero hindi ko ito ininda. "Kahunti lang ho Mang Pedring, pampaloobag-loob lang. Halam n'yo naman shiguro kung bakeet."


"Alam mo, hindi naman masosolus'yunan na alak ang problema mo eh. Gaya nga ng sabi ng mga kabataan ngayon. Move-on, move-on din 'pag may time." Natatawa niyang sabi.


Hindi ko na nagawa pang tumugon sa kanyang mga sinabi dahil naduwal ako, at sumuka kalaunan dahil hindi ko na mapigil.


Muli kong sinubukang bumangon pero hindi ko alam kung bakit parang an'lambot ng mga binti ko. Ginapang ko na lang ang dalawang baitang ng hagdan at kinalampag ko ang pinto.


Ang tagal naman nila akong pagbuksan. Nilakasan ko ang pagbayo sa pinto. "Hoy! Bukshan n'yo to!"


Narinig ko ang malakas at nagmamadaling yabag ng mga paa pababa ng hagdan.


"Pa? Ikaw na ba 'yan?" Tawag sa akin mula sa loob ng bahay.


Biglang nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang walong-taong gulang na batang babae. "Bakeet hang tagal mong bukshan hang pinto!" Singhal ko sa kanya sabay sapak.


Agad na umiyak ang bata. "Aray ko Pa. Nasa k'warto po kasi ako."


"Haba'y shumashagot ka pa ah." Sasapakin ko ulit sana siya pero napatigil ako nang may biglang nagsalita.


"Hoy Paul, pinagbubuhatan mo na naman ng kamay ang anak mo? Ano ka ba naman, maghapon ka na ngang wala dito, lasing ka na 'pag umuwi, tapos sasaktan mo pa ang kaisa-isa mong anak. Ano ka ba naman?"


Itinulak ako ng isang matabang babae papasok at kaladkad-hila na inakay patungong sofa.


"Dinidishiplina ko lamang 'yong bata," kat'wiran ko sa babae. Ang bigat na talaga ng ulo ko at parang masusuka na naman ako kaya humiga na ako sa malambot na sofa.


"Hindi disiplina ang ginagawa mo Paul, pananakit, pang-aabuso. Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Wala na nga s'yang nanay, tapos 'yong tatay n'ya minamaltrato pa s'ya?" Salungat sa akin ng babae.


"Dinidishiplina ko nga lang." Giit ko sa kanya. "Mahal na mahal ko hang hanak ko Betchay, tandahan mo 'yan. Kung hindi hako hiniwan ng kapatid mong malandi at sumama sa ibang lalaki, hindi naman hako magkakaganito eh."

Guhit (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon