I'M NO SUPERMAN :)
"It takes great courage to love, knowing it might end anytime but having the faith, it will last forever."
-CactusIvhie (author)
Enjoy your reading. XOXO :)
(Louise Jade Canivel POV)
"Bes kamusta na kayo ni Superman ha? yiii. Umamin ka nga. Kilala mo na sya 'nu?" -Shaira. Ang makulit kong bestfriend XD
"Hindi pa. Di pa naman sya nagpapakilala eh." -ako
Speaking of that "Superman", sino kaya talaga sya? Bakit kasi di nalang sya magpakilala sakin ng personal eh hindi naman ako nangangain ng tao.
Panget kaya sya? haha. XD hindi siguro. Pero ang weird lang kasi talaga.
"You mean, sa loob ng 1 month, 3 weeks and 4 days na pagbibigay nya sayo ng sulat— no scratch that, love letters pala, hanggang ngayon clueless ka pa din kung sino talaga sya?" -Shai
"Ya!? Love letters? di ah. Friendly letter lang yun. Saka hayaan mo na sya. Baka kasi panget kaya ayaw magpakilala." -ako
"Hmmm. Tama ka dyan. Pero come to think of it, bakit naman "Superman" ang gagamitin nyang pen name kung panget pala sya? I mean parang ang feeling naman nya pag nagkataon. Diba? diba?" -Shai
"Eh ano pala dapat? Kapitan Awesome? XD" -ako
"Oo. Haha XD" -Shai
timang talaga 'tong bestfriend ko. XD
"Tara na nga lang sa locker room. Itatabi ko muna 'tong reference natin." -ako
"Asus. For sure, titingnan mo lang kung naglagay na ulit si SUPERMAN MO ng love letter sa locker mo 'nu?" -Shai
Talagang in-emphasize pa nya yung SUPERMAN MO.
"Hindi ah. Bakit ko naman gagawin yun? Wala naman akong pakialam sa kanya eh. Isa pa ayaw ko syang pag-aksayahan ng oras." -ako
"Defensive??" -Shai
"Sira. Kung di lang talaga kita bestfriend baka nabugbog na kita dyan. Kulit eh" -ako
"Haha. Sorry na Bes. Alam mo namang nag-aalala lang ako para sa lovelife mo." -Shai
NBSB parin po kasi ako.
Di tulad nya na sunod-sunod ang boyfriend. Di po ako panget ha. Sadyang ayaw ko pa lang pumasok sa isang kumplikadong relasyon. Sakit lang sa ulo ang boyfriend. Tama na muna ako sa crush ko. Speaking of my crush, nasa locker room din sya at nag-aayos ng sintas ng sapatos nya. Hays. Imposible namang mapansin ako nito. Snob kasi sya at laging libro lang ang kaharap.
BINABASA MO ANG
I'm No Superman :)
Teen FictionKabaliwan ko lang po ito :D Pero sana po magustuhan nyo :) Kamsa~