PARANG mga bata na nagunahan pa palabas ang mga kaklase ko. Ang iba sa kanila ay nagtutulakan pa habang malakas na nagtatawanan.
Napailing na lang ako saka mabagal na ipinatas ang mga libro ko. Binitbit ko na din ang aking bag na wala namang laman kundi isang itim na tshirt.
Napasulyap naman ako sa bakanteng upuan ni Zion. Pangalawang araw na ito na wala sya. Hindi ko alam kung ano na ang lagay nya ngayon. Gusto ko mang dalawin sya pero hindi ko naman alam kung ano ang dorm number nya.
"Williams!" sigaw ng instructor namin. "Napakabagal mo talaga."
Napakamot na lang ako sa batok saka binilisan pa ang aking lakad.
"Sir hindi ba talaga pwede na excuse muna ako sa swimming lessons?" ito na yata ang panglimang beses na tinanong ko sya.
"Tatlong beses ka nang absent sa klase ko. Hindi na kita mapapayagan pa."
Bumagsak naman ang balikat ko sa narinig. Marunong naman ako maglangoy pero bakit may swimming lessons pa?
Sa swimming area ako dumiretso. Lahat naman ng kaklase ko ay naroon na. Ang iba sa kanila ay nakapagpalit na ng pang-swimming. Ang mga kalalakihan ay walang suot na pang-itaas habang ang mga babae naman ay naka-one piece swimsuit.
"Double time!" sigaw na naman ng instructor namin. "Williams ikaw na lang ang hindi pa nakakapagpalit!"
"Opo," nagtungo na lang ako sa locker area para kumuha ng swimming trunks.
I went inside the cubicle para hubarin ang suot kong uniporme. Iniwan ko na lang ang suot kong sando saka pinatungan iyon ng itim na tshirt. Hindi naman ako pwedeng gumaya sa mga kaklase ko na naka-topless. Ayaw kong makita nila ang kakaibang itim na ugat sa aking dibdib.
I sigh. Ang tangi ko na lang ipinapagpasalamat ay hindi na iyon muling kumalat. I badly want to know what's happening to my body and as per the witch, ang librong nasa akin ang tanging makakasagot ng mga katanungan ko.
Pero paano? Ni isang letra sa librong iyon ay hindi ko nga maintindihan. I need to find someone who can read old letters.
Nang matapos ay lumabas na ako sa pool area.
"Why are you wearing a shirt?" sita sa akin ng instructor.
"Baka daw kasi makita natin ang mabuto nyang katawan," singit ng isa kong kaklase sabay tawa.
"O baka naman may buni sya!"
Pinanatili kong blangko ang aking mukha saka bumaling sa aming instructor. "Mabilis po kasi akong lamigin at magkasakit."
Sana lang ay maniwala sya dahil kung hindi, wala akong choice kundi tumakas.
Tila naman tinimbang pa nya ang sinabi ko saka tumango. "Okay, I'll give you an exception. Lumapit ka na sa kagrupo mo at magsimula na kayo mag-stretching."
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Tandaan nyo na kaya tayo may ganitong klase ay para mas palakasin ang katawan nyo. May mga physical training din kayo at ayaw nila ng mga lalampa-lampa!"
"Si Zed lang naman po at si Zion ang lampa eh!"
"Manahimik ka!"
Nagsimula na lang akong igalaw-galaw ang balikat ko. Ginawa ko din ang stretching na natutunan ko sa camp. Nahuli ko naman na nakatingin pala sa akin ang instructor ko.
"B-bakit po?" taka kong tanong.
Hindi naman sya umimik. Kapagkuwan ay tumalikod lang sya sa akin saka lumapit sa iba kong kaklase. "Ayusin mo ang formation ng katawan mo!" pinalo pa nya ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022